"Pwede ba kaming sumama sa misyon n'yo? Pwease? Master? Cassandra? Pwease?" si Blizz with matching paluhod pa.


Napailing nalang ako dahil sa asal n'ya. Tinignan ko naman si Jake na walang nagbago sa kinatatayuan.


"No"


Nanonood lang ako sakanila dahil ayoko makigulo. Kahit anong sabihin nila, si  Jake ang mag de-decide.


"Master! Parang awa mo na! Gusto ko ng Adventure!" Lumuhod lalo si Blizz at patuloy na pinipilit si Jake.


"Stop it, Blizz!" Naiiritang sabi ni Jake.


"Isama mo na kasi kami!" 


Tumayo na si Blizz at nag krus ng braso at tinignan kami ni Jake na parang nagtatampo. Lalo akong napasapo dahil sa tingin n'ya.


"Let them join" Nagulat kami nang lumabas si Ms. Clever sa gilid ko at nakangiting tumingin kay Blizz.


Nakita kong bumusangot si Jake dahil sa narinig. Nagbago naman ang itsura ni Blizz dahil doon.


"Thank you, Ms Clever! Ang ganda mo po ngayon! You look like Ms. Samantha Georgiana Clever 2.0" pambobola ni Blizz.


Lahat kami ay nasapo ang noo sa narinig. Tatawa-tawa naman si Ms.Clever  dahil doon.


Nang natapos ang usapan ay sabay-sabay na kaming nagpaalam at naglakad pabalik sa aming mga dorm.


"Hays. Excited na ako! Salamat Master Jake!"


"I didn't say yes" sabi ni Jake sabay pauna mag-lakad.


"Psh. I dedn't sey yez" Pangga-gaya ni Blizz kay Jake kaya agad s'yang nakatanggap ng batok mula kay Belle.


"Pangalawa na 'yun, ah!" reklamo n'ya.


"Oo at madadagdagan pa kapag hindi ka pa tumigil Blizz Lorhan!" seryosong sabi ni Belle.


Gusto ko nalang tumawa dahil ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Blizz. Ang laging napapagalitan na parang kawawang bata.


"Let's go. Mahaba ang byahe" si Jake.


Nagsimula na kaming sumakay sa sasakyan na binigay ni Ms. Samantha. Alas singko palang at pasikat palang ang araw.


Ang misyon namin ay pumunta sa lugar ng isang Witch Scientist na kayang gumawa ng antidote ng Special Potion na nawawala.


S'ya kasi ang nanguna sa paggawa noon ng potion kay s'ya lang din ang makakaalam kung paano gumawa ng counter doon.

Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Where stories live. Discover now