And I can't even imagine her holding a cute teddy bear. So unlikely of her.

"Here." Inabot ni Donovan ang teddy bear kay Isa na agad naman nitong kinuha.

Ngunit imbes na kipkipin iyon para sa sarili niya ay ibinigay niya 'yon sa akin. "Bakit sa akin mo binibigay?" nagtatakang tanong ko.

She pressed the teddy bear ang placed it right beside my ear. At sa pagkagulat ko ay may pamilyar na boses na nagmula roon.

"Please say yes," the manly voice said that sounded so familiar to me.

Nagtatakang tiningnan ko si Isa. Ngumiti lang siya at mas inilapit pa ang teddy bear sa akin hanggang sa mawalan na ako ng pagpipiliin kundi ang kuhanin 'yon. Akmang hihilahin na ulit nila ako palabas ng lugar nang mapahinto ako sa paglalakad.

"Hindi pa tayo nagbabayad," paalala ko sa kanila.

"Nabayaran na ni Devyn," sagot ni Isa at nagpatuloy na sa paghila sa akin palabas.

Mas namuo ang pagtataka at kaguluhan sa isip ko dahil sa sinabi niya na 'yon. Sigurado ako na hindi pa nababayaran ni Devyn ang teddy bear. At mas nasisiguro ko na ni minsan ay hindi siya lumapit sa counter para magbayad. Sa buong durasyon nang pananatili namin doon ay nasa entrada lang siya. Kaya paanong nabayaran ni Devyn?

Natabunan ang pagtataka na 'yon nang pagkaaliw nang sunod na dinala nila ako sa arcade ng mall. At sa punto na 'yon ay tila mga nakawala sa hawla ang dalawa. Ang mga nakakunyapit na mga braso sa akin ay nawala na dahil natuon na ang atensyon nila sa paglalaro.

Maraming tao sa lugar. Mga bata na kasama ang mga magulang. Mga magkasintahan, mga estudyante, at iba pa. Ngunit sapat na ang mga laro sa paligid upang hindi kami, ako, makakuha ng atensyon.

Sa gilid ng lugar kung saan may waiting area para sa mga magulang na hinihintay na matapos sa paglalaro ang mga anak nila ay nakakuha ako ng puwesto para maupo at magpahinga. Agad na sumunod naman si Devyn sa akin habang si Donovan naman ay sumunod sa dalawa na paniguradong nagliliwliw na ngayon.

"Tired?" tanong niya.

Mabilis na ngumiti ako sa kaniya bagaman totoong my kaunting pagod na ako na nararamdaman. Ilang stores na rin kasi ang napasukan namin kanina pero wala naman kaming binibili. Tanging ang teddy bear pa lang ang nabibili namin talaga.

"Medyo lang," sagot ko.

"Hindi pa tayo puwedeng umuwi."

Nagtataka ko siyang tiningnan. "Bakit hindi pa?"

Muli na namang sumilay ang kaninang mapaglarong ngiti na nakita ko kanina. "You'll know later."

"Sabihin mo na kaya? Tapos uwi na tayo."

He chuckled softly before pulling me closer to him. My eyes dropped down from his face to his hand that is holding mine. And just like what he does everytime he holds my hand, he intertwined it with his.

And just like how that action usually affects me, my heart started beating loudly and wildly. Hindi na ako magtataka kung umabot 'yon sa pandinig niya. At kung mangyari man 'yon ay hindi ako mahihiya. Dahil alam ko na bawat tibok no'n ay sumisimbolo ng pagmamahal ko sa kaniya.

Until now, hindi ko pa rin makuha na paniwalaan na kasama ko siya sa buhay ko. Na mayroong tao na katulad niya na ibinigay sa akin para paulit-ulit na ipaalala ang importansya ko. I felt like all the pain that I had gone through had been paid off ever since he came.

I feel like I am nowhere near my old self now. Hindi ko na mahanap sa sarilk ko ang dating ako na palaging sumusugat sa puso ko. Hindi ko pa rin makuhang paniwalaan na makakaya kong malampasan ang buhay ko kung saan akala ko habang buhay na akong mananatili roon. And it feels so good to finally live my life now.

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum