They never shared information about anything that had happened. They didn't confirm nor deny anything. Basta isang araw nabalitaan ko na lang sa kanilang dalawa na matutuloy ang pelikulang pagtatambalan nila. And that's great news since this will also serve as their farewell movie.

Dad lead our way to our seats. At kahit nang mga sandali na 'yon ay ramdam ko pa rin ang mga titig nila sa amin. I silently roamed my eyes around venue, and I feel a pang of shyness when I realized that I stood out too much.

But unlike before that I would initially feel like I wanted to hide myself from the crowd. Now, there may be a little feeling of being uncomfortable, but I feel fine. Hindi na nangingibabaw ang ilang.

A woman with a gentleman on her side made their way to our direction. At dahil nga hindi naman ako mahilig manood ng palabas sa TV o ng mga pelikula ay hindi ko sila nakilalang dalawa.

"Margarette," nakangiting bati ni mom sa babae.

"Vanessa, stunning as always."

Nakipag-beso ang ang ginang sa mga magulang ko. Maging ang lalaki ay bumeso rin kay mom at nakipagtapikan kay Dad. Bumama ang tingin ng ginang sa akin at marahan akong ginawaran ng ngiti.

"What a glamorous child you have, Vanessa. Don't you think so, Harris?" tanong nito sa katabi na marahil ay anak niya.

"Definitely, Mom. Such an angel," sagot niya nang direktang nakatingin sa mga mata ko.

Nag-init ang mahkabilang pisngi ko sa hiya dahil sa munting ugong nang pang-aasar na nagsisimulang pumuno sa buong cinema. Gusto ko man na ipagbigay alam sa kanila na mayroon na akong kasintahan ay hindi ko na ginawa.

Nginitian ko ang lalaki ng bahagya. "Salamat."

"Let's take our seats," Dad thankfully said breaking the silent commotion of the crowd.

Nagpapasalamat na ngumiti ako sa kaniya sa ginawa niya dahil alam kong nararamdaman din niya ang ilang ko sa nangyari. Tahimik na nagsiupuan kami sa mga sari-sariling puwesto ngunit nagpilit ang kaninang ginang na magpalit kami ng puwesto. Hindi man buo ang pagsang-ayon ko ay pumayag ako para lang hindi na humaba pa ang usapan.

Ang kaninang dapat na uupuan ko ay si Mom na ang nakaupo habang sa upuan naman na niya nakaupo ang ginang habang ako naman ang umuukopa sa pwesto niya na katabi lang ng pwesto ng anak. Sa kaliwa ko ay ramdam ko pa rin ang titig niya sa akin kahit na hindi ko na siya muli pang sinulyapan.

"Nice dress," papuri niya.

My eyes dropped down to the black off-shoulder dress that I am wearing. It was just a plain off-shoulder dress. Nothing that stands out except that the dress itself is making my skin complexion more brighter than it already is.

I am only wearing a very light makeup, almost nothing. And my hair is tied up in a messy bun letting some strands fall on both side of my cheeks.

"Thanks, I guess?" alangan na sabi ko, medyo ilang sa mga papuri at tingin na ibinibigay niya.

"I uh..."

Napatingin ako sa kaniya dahil sa pagkautal niya. Nakangiwing napapakamot siya sa batok habang may nahihiyang ngiti na nakapaskil sa mga labi. He really looks embarrassed over something.

"May problema ba?" nagtatakang tanong ko.

"I just wanted to invite you for some coffee," mahinang bulong niya, talagang nahihiya sa sinabi.

Ako naman ngayon ang napakamot sa pisngi kasabay nang pagsalakay ng hiya. Ngayon lang may harapan na nag-aya sa akin ng ganito. Madalas, sa mga nakalipas na linggo at buwan, ay puro sa social media lang nagpapakilala. Naiilang ako hindi sa paraan nakasanayan ko. Ilang na mahirap ipaliwanag dahil sobrang bago lang sa akin kung kaya'y hindi ko alam kung paano hahanapin ang tamang mga salita para tumanggi sa kaniya.

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Where stories live. Discover now