☢️ CHAPTER 40☢️

Start from the beginning
                                    

Krypton wasted no time for any greetings and immediately pushed the piece of paper towards Kent.

Pinagmasdan kong mabuti ang magiging reaksyon ni Kent habang tinititigan niya ang marriage contract na nasa harapan niya.

Namilog ang mga mata niya at namutla siya. "W-where did you get this? Akala ko.  .  ."

Hindi niya maituloy ang sasabihin niya at doon ko nakumpirma na may kinalaman siya dito. Hindi siya nagtaka o nagulat kung bakit namin pinapakita ito sa kanya, sa halip ay mukhang nagulat siya dahil nasa kamay namin ang marriage certificatena ito.

"Listen, asshole," panimula ni Krypton na halatang nauubusan ng pasensya. "I know you're somehow involved in this so cut the shit out and tell us why the hell did you do this."

Sandaling gumuhit ang takot sa mukha ni Kent bago siya yumuko at natahimik ng ilang segundo bago nagsalita sa mahinang boses.

"There must have been a mistake. Ang alam ko hindi ko naituloy.  .  ."

"A-anong ibig mong sabihin, Kent?" Nalilitong tanong sa kanya.

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan niya bago siya nag-angat ng tingin at sumagot.

"Inaamin ko, parte ito ng plano ko na gamitin ang certificate na ito para wasakin ang relasyon niyong dalawa, but after the accident and the time I spent at the hospital trying to recover, I realized it's not worth it anymore. I admit defeat and accept my punishment for what I did."

Not worth it anymore?

Napakunot ang noo ko. Paano niya nasabing sumusuko na siya at tinatanggap niya ang pagkatalo niya when in fact it took him years to prepare for his revenge? Ganon na lang ba kadali sa kanya na pakawalan ang galit niya at uhaw sa paghihiganti?

"Napagtanto ko na nagkamali ang tatay ko at nagkamali din ako sa piniling landas na paghihiganti sa pagkamatay niya kahit na alam kong siya ang nagkasala. Maybe I just couldn't accept that he died and somehow wanted to put the blame to someone else."

Hindi ko mapigilang maawa sa kanya. Nawalan siya ng ama at hindi niya matanggap na namatay ito bilang kriminal. It must have been hard for him.

Nagpatuloy si Kent habang tahimik lang kami ni Krypton at nakikinig sa kanya.

"I realize hindi tama na ipaghiganti ko ang pagkamatay niya sa mga taong ginawan niya ng mali. Tanggap ko na na siya ang pumili sa tinahak niyang landas at wala kayong kasalanan doon dahil kayo pa ang nadamay at nasangkot sa kasalanang ginawa niya at ang mga kasamahan niya."

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko at pilit kong iniintindi ng husto ang bawat salitang binitawan niya.

Can someone really have sudden realizations like he did?

Pero pakiramdam ko may nangyari na nagpamulat sa kanya sa katotohanan bago niya ito tuluyang tinanggap.

"Tungkol naman sa marriage certificate na ito.  .  ."

Bumalik ang attensyon ko kay Kent at ramdam ko ang pagpisil ni Krypton sa kamay ko.

"I'm sorry pero walang kasalanan si Dad dito. Ginamit ko lang ang pangalan niya bilang solemnizing officer para kahit papaano, magmumukhang lehitimo ang papel dahil nasa pulitika siya."

By Dad, he meant his foster father, Marvin Villanueva.

Kumunot ang noo ko. "Para magmumukhang lehitimo so, ibig mong sabihin.   .  ." I was scared and unsure to say the words but Kent confirmed it.

"Void ang marriage."

Sa sinabi niyang iyon, para akong nakarinig ng libu-libong fireworks na pumutok at nakisabay sa hindi ko maipaliwanag na kasihayang sumabog sa kaibuturan ko.

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now