Chapter 19: Annaphase II

Start from the beginning
                                    

"We better get going. Pupunta ka ba ng school niyo ngayon?" He asks as we hop into the elevator. Naramdaman ko naman ang dahang-dahan niyang pagsasaklop sa mga daliri namin. Hindi ko mapigilan ang marahang pamumula ng pisngi habang may maliit na ngiti sa akin na pilit itinatago. Naramdaman ko ang paninitig ni Rahim sa akin kaya ng ibalik ko ang tingin ko sa kanya ay may tagumpay na ngisi sa labi niya.

"You better get use to this. I'm your boyfriend now." Makahulugan niyang saad. Parang may kumiliti sa tiyan ko dahil sa lambing at galak sa boses niya. Mahina naman akong natawa dahil sa yabang sa mukha niya. He fixes his glasses at isinukbit ng maayos ang bag niya sa kanyang balikat.

"Pupunta ako sa school to fix some clearance. Kakain 'din kami nina Annica ngayon dahil my friend is currently on the loose." I can't help but shook my head. Annica is on her edge at the moment kaya pakiramdam namin ni Arya ay nag-aalaga kami ng bata. Bukod sa problema niya sa pamilya at broken hearted 'din siya so we know we should really be there for her. Mamaya ay kung saan na lang namin siya mapulot.

"You can use my car then, late naman ang labas ko mamaya dahil mag-aayos ako ng files ni Atty. Hernandez para sa isang hearing ." I sway our hands a little bit ng palabas na kami ng elevator.

"I can fetch you!" Masaya kong sahad habang palabas kami ng building ng suite niya. Naiiling naman siya dahil alam niyang gusto ko ang mga ganitong bagay.

"Huwag mong ibabangga ang kotse ko." Mapang-asar niyang saad kaya naman bahagya ko siyang hinampas dahil sa sinabi niya. His chuckles sounded so manly and mischievous at tila nang-e-engganyo dahil napatingin pa ang iilang babae sa parking lot sa kanya.

Two months. It's been two months since we became official. Halos sa unit na 'rin niya ako tumira dahil wala akong kasama sa bahay. We were together always everyday and everything feels surreal. Pareho siyang tanggap ng mga magulang ko. Their trust over Rahim reaches the roof to the point na hinahayaan niya na ako sa kanya, siya pa minsan ang tinatawagan ng ama ko. I feel so happy because finally, I feel like my life is getting together.

I'll be soon graduating for my pre-med course. I'm thankful that my parents manage to give me an educational trust fund para makapagpatuloy sa medical school. I'm soon going to take my exams kaya kailangan ko ng mag-aral sa mga susunod na araw. My friends are shaky but they are still there, figuring out their life and I'm willing to support them whatever happen gaya ng pagsuporta nila sa akin noong lugmok na lugmok ako. And I have Rahim...

Marahan kong inabot ang kamay niyang nakahawak sa gear shift ng mamahalin niyang sasakyan. Nakita ko ang pagtapon niya ng tingin sa akin kaya naman tipid ko siyang binigyan ng ngiti. Iiling-iling naman siya habang nakangiti at nagpatuloy sa pagmamaneho. Marahan kong hinaplos ang kamay niya. His hands is larger compare to mine, his tan and I'm very white. Kita 'rin ang iilang ugat niya sa braso dahil nakatupi hanggang siko ang suot niyang dress shirt. I slowly draw small circles on his hands habang patuloy na sinusulit ang sandali kasama siya.

Nang nag-park siya sa usual spot niya. Nakita ko ang iilan niyang mga kaklase na lagi niyang kasama at inaantay siya kapag papasok. Isang lalaking naka man-bun ang umayos ng tayo habang ang isang naka-clean cut naman ang katabi nito.

"C'mon ipapakilala kita sa kanila." Para naman akong nabingi dahil sa sinabi ni Rahim. I can his proud face as he step out of his car. Para naman akong nanlamig ng makitang umikot nga siya papunta sa kinauupuan ko para pagbuksan ako ng pinto. The two guys walk towards us kaya para akong uod na inasinan ng buksan na nga ni Rahim ang pintuan.

"I'm not prepared for this!!!" I whisper at him with conviction. Agad naman siyang humalakhak at hinawakan ang siko ko para alalayan akong lumabas ng kotse. The man with a man-bun chuckled ng makita akong lumabas ng kotse, iyong clean cut naman ay ngumisi kay Rahim.

How Do We Live?Where stories live. Discover now