"Hello!" Bati ko sa kanya.

"Hello! Is this yours?" Nanlaki ang mata ko ng tinaas nya ang bigkis.

"Where did you get this?" Tanong ko sa kanya.

"From your pocket" Hindi ko alam kung mayayamot o matutuwa ako sa batang to. Pinisil ko nalang ng bahagya ang pisngi nya.

"You're my mom, right?" Nanlalaki ang singkit nyang mata habang nakatingin sa akin.

"What?" Anas ko. Inagaw nya sakin ang bigkis at binasa ang nakaburda.

"The word here says Kiel, and you know what, my daddy calls me Kiel whenever I'm sad. See? You're my mom. Maybe this white something is mine when I was a baby". Nakatulala lang ako sa bata habang naglilitanya sya. Sino ba ang magulang ng batang ito? Siguro nga kung nabuhay ang anak ko'y kaedaran na nya ito. Hinaplos ko nalang ang buhok ng bata at nginitian. Hinihingal na lumapit naman samin ang yaya ng bata.

"Ikaw na bata ka. Kanina pa kita hinahanap. Akala ko nawawala ka na. Papatayin ako ng daddy mo e".

"Don't say that, yaya. My father is very kind. Right, Mom?" Baling nya sakin.

"Oo na. Kind na. Tara na nakakahiya na kay Mam. Mauna na po kami Mam. Pasensya na po". Tumango nalang ako at sinundan sila ng tingin. Weird

"Hoy babae! Kanina pa kita hinahanap. Halika dali" Dali dali akong hinila ni Ailyn sa room nya. Ni-lock pa nya ang pinto kaya nagtaka ako.

"Umamin ka nga sakin". Tumingin sya sakin na parang nanghuhusga.

"Anong aaminin ko?" Takang tanong ko.

"Ikaw ba ang tunay na ina ni Vaughn?" Bulong nya na animo'y isang malaking sikreto ang sinasabi.

"Ha? Bakit mo naman naisip yun? Baka nangungulila lang yung bata sa ina kaya pinagkakamalan ako. Wag mo ng patulan yung apat na taong gulang na bata".

"Ganito kasi yun. May assignment ako sa kanila na mag-paste ng family picture sa notebook nila at alam mo kung ano ang pinasa sakin nung bata?" Tanong nya.

"Ano?"

"Picture nya nung baby pa sya kasama ang daddy nya at alam mo kung sino ang may buhat dun sa bata?"

"Ano nga? Parang tanga. May klase pa ko"

"Ikaw! Kala ko nga nama-malikmata ako e pero ikaw talaga yun e. Medyo maikli lang ang buhok mo dun". Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Pano mangyayari yun? Sa pagkakaalam ko naman wala akong kakambal at mas lalong hindi ako nagkaroon ng pagkakataong mapicturan ang anak ko.

"Baka naman kamukha ko lang" sagot ko nalang.

"Pero bakit malapit sayo si Vaughn? Sa totoo lang yung family picture talaga nila ang inuna kong checkan kasi nga  bukod sa ang gwapo ni daddy curious ako sa mommy tapos laking gulat ko, ikaw ang nakita ko. Hindi ko nga sana muna ibabalik yung notebook kasi ipapakita ko sayo pero umiyak si Vaughn. Ayaw pumayag kaya napilitan akong isauli". Daldal sya ng daldal habang napapaisip ako. Ngayon ko lang talaga nakita ang batang yun. Bumukas ang pinto at sumilip si Lianne -- president ng student council sa elementary.

"Tr. Myka, Mam Luciana is requesting your presence in her office". Tumango nalang ako.

"Bakla ka! Anong ginawa mo na naman?" Nagkibit balikat nalang ako at tumungo sa opisina ng powerpuff girls.

"Good Afternoon, Mam" bati ko.

"Good Afternoon, Miss Garcia dadating any minute ang mga computers na donation ni Mr. Arcilla. Pakicheck mo kung alin ang hindi gumagana dun sa mga nasa computer lab ngayon para maipagbili na natin sa junkshop o bahala kana kung anong maisip mong gawin sa mga yun". Tumango nalang ako.

Pagtapos ng klase ay narito na ako sa computer lab kasama ang 5 pang teacher na lalaki. Pinatawag ko sila para tumulong. Damay-damay na to. Ano sila sinuswerte? Nakaupo ako habang kumakain ng fita at pinapanood silang mag assemble ng mga bagong deliver na computer. Marunong ako nun. Pinag-aralan ko sa Tesda. Certificate lang naman kasi talaga ang habol ko dun pero magaling yung naging instructor namin kaya natuto talaga ako.

Habang sumusubo ako ng biscuit ay narinig kong may kausap si Sir JP.

"Good Afternoon po. Okay na po ba ang mga computers?" Tanong nung lalaki. Lumingon ako at likod lang nya ang nakita ko. In fairness, mukhang tambay sa gym si Kuya. Matangkad din ito at maputi.

"Opo Mr. Arcilla. Maraming Salamat po. Malaking tulong po ito sa mga bata". Tuwang tuwang sabi ni Sir JP.

Laking gulat ko ng lumapit si Gio at inakbayan si Mr. Arcilla daw. Feeling close ang damuhong hambog na ito.

"Libre naman tol! Big-time ka na talaga!" Ngiting-ngiti si Gio

"Next time nalang. Naghihintay ang anak ko sa bahay e. Baka nag-iiyak na yun. Next time promise kasama sina Mang Tony pati yung mga guard". Sabi nung lalaki at tuluyang umalis na. Napatayo ako nung may umagaw ng kinakain ko. Sinamaan ko ng tingin si Sir Tolits. Papansin masyado.

"Naglagay lagay ka jan sa mga walls na bawal kumain sa loob ng computer lab, ikaw naman ang hindi sumusunod" Sabi nya sabay subo ng fita ko. Ninakaw ko pa naman yun sa table ni Ailyn. Maraming foods yun e. Bigay ng mga bagets.

"Bakit ba? I love breaking rules no!" Asik ko. "Tara na. Matagal mag-install ng windows. Ipagpabukas nalang natin yan. Wala akong balak magpagabi at baka may kumulbit satin jan. Bahala kayo jan". Tuluyan na akong umalis.

Habang naglalakad ako papunta sa classroom ko para kunin ang bag ko ay natanaw ko pa si Mr. Arcilla na may kausap sa phone. Bakit parang nakita ko na sya? Hindi ko lang matandaan kung saan.

Saving The Withered RoseWhere stories live. Discover now