Chapter 6

41 5 0
                                    

Myka Rosalind's

Pagkatapos ng lunch ay nagtungo na ako sa room ng grade 5 para magklase.

"Good Afternoon, Tr. Myka. Jesus loves you and so do I" bati ng mga bata. May action pa yun.

"Good Afternoon"

Gaya ng nakaugalian ay hinawakan ko muna ang at pendant ko at ang bigkis sa bulsa ko. Kinabahan ako ng wala akong makapa sa bulsa ko. Hindi ako mapakali, naluluha na rin ako. Nag iingay na ang mga estudyante ko.

"Get your book and open it on page 156. Read the story and be ready for a recitation after." natataranta na talaga ako.

"Tr. Are you okay? You look pale". Tanong sakin nung isang bata pero hindi ko na sya pinansin. Dumetso ako sa pinto. Balak kong libutin ang buong campus para lang mahanap yun. Pagbukas ko ng pinto ay saktong daan ng mga big bosses. Lagi silang nandito at nagmamasid. Dati daw sila ang principal dito pero ngayon ay iba na pero lagi parin silang nandyan para magmatyag. Magkakapatid silang babae at pamilya nila ang may-ari ng school. Kung wala ako sa sitwasyong ito ay baka natawa na ako dahil kumpleto na naman ang powerpuff girls. Mababait naman sila pero parang lagi nilang binabasa ang pagkatao ko tuwing tinitingnan nila ako.

"Where are you going, Miss Garcia?" Mam Luciana asked.

"Uhm. To the comfort room, Ma'am"
Sagot ko.

"You look bothered. Are you okay?" Mam Anciana asked.

Tumango nalang ako. Tinaasan ako ng kilay ni Mam Marciana. Sya yung pinakamataray sa kanila.

"What are your activities for today, Miss?" Tanong nya.

"We have a long quiz, Mam". Sagot ko kahit wala naman talagang quiz. Kung mag-oobserve sya edi magqquiz ako. Confident ako sa mga bata ko.

"I see" tumango tango sya at tuluyan na silang umalis. Pumasok muli ako sa classroom at umupo. Baka mamisahan pa ako pag iniwan ko ang klase ko. Balisang balisa ako buong maghapon. Kailangan kong mahanap yun. Importante sakin yun.

Natapos ang klase ko at wala na akong sinayang na sandali. Inikot ko ang bawat sulok ng school pero hindi ko talaga makita. Nakarating nadin ako sa Junior and Senior High School Department sa paghahanap kahit na hindi naman ako pumunta dun nung umaga. Paunti na nang punti ang tao hanggang sa makasalubong ko si Gio. Isa sa mga janitor dito.

"Hi Miss Myka! Ang ganda mo talaga" inirapan ko siya. Ang landi ng taong to alam ko nilalandi nya si Tr. Lovely na teacher sa high school pero chat parin sya nang chat sakin.

"May nakita ka bang puting tela na may nakaburda?" Tanong ko

"Anong nakaburda?"

"Di mo na kailangan nalaman"

"Pano ko malalaman na yun pala ang hinahanap mo?"

"Basta puting bigkis yun ng sanggol"

"Aanhin mo? May anak ka na?"

"Ipangsasakal ko sayo leche! Tanong ng tanong. Nasan ba si Mang Tony?" Nilayasan ko na sya. Kasundo ko naman ang mga tao dito kaya lang bwisit ako sa pagmumukha ni Gio lalo pa't nalaman kong pinsan sya ni Michael. Magsama silang mga ugok.

Madilim na at bigo akong mahanap ang isang parte ng puso ko. Umuwi ako sa bahay at nagkulong sa kwarto.

Kinabukasan, sobrang sama ng pakiramdam ko pero pinilit kong pumasok. Ganun parin pero para lang akong nakalutang. Lunch break, Wala akong balak kumain. Papunta ako sa faculty room upang umidlip nang mapadaan ako sa pre-school department. Nakita kong patakbong lumalapit sakin ang bata kahapon. Vaughn daw ang pangalan. Parang pamilyar.

Saving The Withered RoseOnde as histórias ganham vida. Descobre agora