Chapter 3 - #TheLastGirlStanding

Magsimula sa umpisa
                                    

"Aba nandiyan ka na pala apo. Hindi man lang kita napansin."

"E pa'no niyo naman ako mapapansin Lola eh nakatitig na naman kayo kay Gu Jun Pyo. Ilang beses niyo na napanood yan diba?"

"Ikaw naman apo ko. Gutom lang 'yan. Teka ipaghahanda kita ng pagkain mo."

Dali-daling pumunta sa kusina na tapat lamang ng TV.

"Oops, oops. Bernard 'wag na 'wag mong papatayin yan.", ang pigil sa'kin ni Lola nang mapansin niyang hinawakan ko ang remote.

"Hihinaan ko lang naman lola. Sobra kayang lakas."

"Ah ganon ba apo? O sige sige. Basta 'wag na 'wag mong papatayin."

"Ano nga pala gusto mong kainin? May lechon kawali pa, may liempo at fried chicken din."

Hindi ako nakasagot kaagad. Pinipigilan ko ang sarili ko. Pero ang totoo niyan gusto ko silang lahat.

"Pwede po bang lahat Lola?"

"Aba'y oo naman apo!"

"Tsaka meron pa po ba yung caldereta tsaka tilapia kaninang umaga?"

"Meron pa. Hala kumain ka na habang may kakainin pa. Ang ibang bata diyan walang makain. Tsaka basta hindi mo'ko aagawan diyan sa TV. Do'n ka na lang sa kwarto mo kung gusto mo manood."

Pumunta na'ko sa dining table upang simulan na ang gera. Gera ng laman, taba at sebo. Siguradong panalo na naman ang tiyan ko nito.

"Nasaan nga po pala si Mama?", ang tanong ko habang nginunguya ang lechon kawali.

"Pumasok. Umuwi kanina galing ospital para magbihis. Nataranta kasi siya kanina nang nalaman na nawalan ka ng malay sa daan. Kaya naman umalis ng nakapambahay lang. Pero maya-maya lang andiyan na rin siya."

"Maiba nga pala tayo apo. Ok ka na ba? Wala ka na bang ibang nararamdaman? E yung 1st day mo sa school? Anong nangyari? Nagpumilit ka pa raw pumasok sabi ng nanay mo.", ang tuluy-tuloy na wika ng Lola ko.

"Opo Lola. Ayoko namang umabsent. 1st day pa naman."

"Pero naging ok naman ba ang 1st day mo?"

Hindi ako umimik. Kumakain kaya ako. Don't talk when your mouth is full,duh? Pero sa totoo lang ayokong sabihin kay Lola kung anong nangyari. Ayoko na kayang maulit ang nangyari last year. Sumugod kaya ang Lola ko sa school nang mabalitaan niyang binubully ako ni Webster and friends. Dyahe! Magmula non, imbis na tumigil sila sa pang-bubully sa'kin, lalo pa nila kong inasar. Kesyo Lola's Big Boy daw ako. Ang tanda-tanda ko raw nagtatago pa raw ako sa saya ng lola ko. Ang laki laki ko raw na duwag.

"O, bakit natahimik ka yata apo ko? Inapi ka na naman ba ni Webster? Inapi ka na naman ba nila? Sabihin mo sa'kin at malilintikan sila sa'king lahat."

"Naku Lola, hindi naman po sa ganon. Naging OK naman. Don't worry Lola big boy na'ko."

Nginitian ako at tinapik sa balikat.

"Hindi ka lang big boy kundi Super Big Boy.", ang kantyaw sa'kin ni Lola.

"Si lola talaga!"

"Sige na kumain ka na diyan. Balik na'ko don. Panoorin ko muna si Gu Jun Pyo huh?!"

Naku hindi niyo na maitatanong, super fan ni Lee Min Ho alyas Gu Jun Pyo ng Boys Over Flowers ang lola ko. Ang mga drama niya naku ilang beses na niyang pinaulit-ulit. Hindi ko na mabilang kung ilang beses. Daig pa ang teenager sa pangongolekta ng memorabilia ni Lee Min Ho. Magmula sa pins, posters, t-shirts at kung anu ano pa. Ang malupit pa don nagpagawa ng duster at t-shirt niya na may mukha ni Lee Min Ho. Araw-araw iba iba ang suot niya na may mukha nito. Kagaya ngayon, suot niya ang T-shirt na binili pa niya ng magconcert dito yung koreanong yun. Bumabagets ang lola ko diba? Super fanatic. Ganyan yan pero love na love ko yan. Sarap ba naman magluto eh!

OVERWEIGHT? Can LOVE Wait?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon