OMNIPOTENT | CHAPTER TWO

20 5 0
                                        

°•°•°CHAPTER TWO°•°•°

ALICE

7 minutes 37 minutes remaining before the collapse.

Biglang nag pop-up sa harap namin ang natitirang oras, and kasabay niyo ang pagpasok ng idea.

"Fire exit, diba meron ditong fire exit?" tanong ko sa isa naming kasamang lalaki.

"Oo meron, pero naka-kandado ang fire exit at ang security guard ang may susi nun, at siguradong nakatakas na agad ang security guard sa mga oras na to." tugon niya.

"So we don't have a choice, we need to break the door." seryosong sabi ni Jiro.

Habang naguusap kaming tatlo ay bigla kaming nakarinig ng sigawan mula sa may hagdan.

"Tulong... Tulong..." sigaw ng dalawang babaeng estudyante, na ang isa ay mahaba at naka ponytail na buhok, sakantalang ang ay isa maikli ang buhok and I know her name, she's Mira classmate ng kapatid ko.

"P-Papunta n-na d-dito y-yung h-halimaw!!" pautal at hingal na sabi ni Mira at bakas ang takot sa mukha niya.

"May... Kasama pa k-kami." saad nung isa.

"Kumilos na kayo, maghanap kayo ng pwede pangsira sa pinto ng fire exit." sabat ni Jiro at kumilos nga ang lalaking kasama namin, kaya naman kumilos na rin ako at naghanap ng pwedeng pansira sa pinto ng fire exit.

Si Jiro ay nanatili kasamang ang dalawang estudyante, nakita ko ang pag galaw ng bibig niya mula sa kinaroroonan ko pero hindi ko yun naririnig, marahil ay may tinatanong siya sakanila.

But nevermind, I need to find something that can help us, to escape from this apartment.

Muli akong nag focus sa paghahanap ng bagay na pwedeng makatulong samin, habang naghahanap ay may nakita akong isang lighter sa sahig kaya pinulot ko ito at nagpatuloy sa pag hahanap, ngunit wala na akong ibang nakita pa.

"Ahhh!!!" isang malakas na sigaw ang narinig ko mula sa kinaroroonan namin kanina.

"Run! The monster is here!" isa pang malakas na sigaw na sigurado akong boses yun ng babae.

Mabilis akong nagtungo sa lugar at nadatnan ko ang mga duguan katawan at ang halimaw, napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa takot kahit na unti-unti na itong lumalapit sakin ay hindi ko pa rin magawang tumakbom

Is this the end... Mamatay naba ako?

Sobrang lapit na nito sakin at nakaambang aatake, kaya ipinikit ko nalang ang mata ko.

"J-Jiro..." tanging salitang nabigkas ko bago...

"Alice! Tumakbo kana!" napadilat ako ng narinig ang boses na yun... J-Jiro.

"J-Jiro..." Saad ko.

"Takbo na!" sigaw niya.

"P-Pero pano ka?"

"Susunod ako tumakbo kana!"

"Alice! Please!" sigaw niya kaya natauhan ako at sinunod ang sinabi niya na tumakbo hanggang sa makarating ako sa fire exit.

Muli ako lumingon sa kinaroroonan ni Jiro at ng halimaw at sumigaw, "Promise me, that you will comeback okay!" sigaw ko sakanya bago ako tuluyang lumabas sa fire exit.

4 minutes remaining before the collapse.

Nag pop-up sa harap ko ang natitirang oras at bigla nalang yumanig ng mahina kaya napakapit ako sa bakal.

Omnipotent's SurvivabilityWhere stories live. Discover now