OMNIPOTENT | CHAPTER ONE

27 6 0
                                        

°•°•°CHAPTER ONE°•°•°

JIRO

"Jiro!! Gising na baka malate ka nanaman" Panggigising ni mama habang kinikiliti ako sa tenga.

"Mamaya na maaaa!! Inaantok pa ako." sabi ko sabay nagiba ng pwesto at tinakpan ang tenga ko.

"Bahala ka jan, pag ikaw naubusan ng pagkain wag mo akong sisisihin ah." saad ni mama kaya agad nagising ang diwa ko at kaagad na tumayo mula sa pagkakahiga at nagtungo na sa CR para mag toothbrush bago sumunod Kay mama.

"Oh! ano akala ko ba mamaya kana tatayo?"

"Baka ubusan niyo ako eh."

"Pagkain lang pala pang gising sayo kuya eh." singit ni Jiya ang kapatid kong babae na malakas mang inis.

"Oh siya, kumain na kayo at ikaw Jiro bilisan mo para naman hindi ka malatc kahit ngayon lang." sabi ni mama bago isubo ang hawak niya pandesal.

"Opo, bibilisan na po."

"Kuya kayo naba ni Ate Alice?"

"Magkaibigan lang kami."

"Ows talaga lang kuya ah!" pangaasar ni Jiya.

"Magkaibigan nga lang kami."

"Di mo ako maloloko kuya."

"Ewan ko sayo Jiya, kumain ka na lang jan."

"Oookayyy." sabi niya at tumigil na sa pangaasar at nagpatuloy nalang sa papagkain.

Natapos na akong kumain pero si Jiya ay kumakain pa rin kaya nagtungo na ako sa CR para maligo at magbihis.

"Kuya nandito na yung jowa mo!" sigaw ni Jiya.

"Sinong jowa!?" tanong ko kahit na alam ko namang si Alice tinutukoy niya.

"Edi si Ate Alice." sabi ni Jiya at narinig ko na nagtatawanan sila.

Hayst pati ba naman si Alice sumasabay sa trip ng kapatid kong hilaw.

Pagtapos ko maligo ay kaagad na akong nagbihis ng uniform namin na plain white polo at pantalon na maroon.

"Let's go na." sabi ko pagkalabas na pagkalabas ko palang ng bahay.

"By the way anong oras naba?" tanong ko kay alice dahil nakalimutan kong tignan ang orasan simula pa kaninang pag gising ko.

"Hmm... 6:04." tugon ni Alice na ikinagulat ko.

"Huh!? Ano!? Ang aga pa pala ARGH!" inis na sabi ko dahil naisahan ako nila mama.

"Bakit parang galit ka jan, atlis hindi kana late." sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Pero ang aga aga pa kaya." pagmamaktol ko.

"Edi kumain muna tayo." saad ni Alice at dinukot ang wallet sa bulsa niya.

"Saan? Ano kakainin?" tanong ko na medyo na e-excite.

"Kwek-kwek." tugon niya at kumindat.

"Libre mo?" paninigurado ko.

"Of course duhhh." tugon niya.

"Edi let's go na." excited Kong sabi at kaagad na kaming nagtungo sa bilihan ng kwek kwek.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa school para daw hindi kami ma-late, pero sa totoo lang wala namang problema kahit ma-late ako.

At nang bumukas na ang gate ay nagkahiwalay na kami ni Alice dahil magkaiba kami ng section, pero bago kami maghiwalay ay napagusapan na naming kung saan kami magkikita mamayang uwian.

Omnipotent's SurvivabilityWhere stories live. Discover now