Chapter Thirty Four

Start from the beginning
                                    


"Graduate ka na nga ng with flying colors may jowa ka pang sobrang guwapo," halakhak ko. Akala ko kukurutin na naman niya ako sa gilid ko o 'di kaya hahampasin ng likod ng kanyang kamay sa tiyan ko. Nilingon niya ako saka hinawakan ang mukha ko at ngumiti.


"Oo nga eh," she giggled. "I love you!"


Hearing her I love you's made me want to cry in joy. Akalain mo iyon, mahal ako ng taong nasa harapan ko ngayon? Hindi magkandamayaw ang tibok ng puso ko tuwing naririnig ko ang I love you niya. Kahit ilang beses niyang sabihin iyon sa akin hinding-hindi ako magsasawang pakinggan. Uulit-ulitin ko pa ah!


We both want to achieve our dreams together... Iyon naman talaga ang pinaka-importante hindi ba? Iyong sabay ninyong abutin ang mga pangarap ninyo. Unang pangarap namin sa buhay ang maging ganap kaming inhinyero. Ngayong naabot na namin ang una, isusunod naman namin ang iba pa...


Marami akong pangarap sa aming dalawa pero dahil bata pa kami, we should prioritize ours first. Saka na iyong para sa aming dalawa... plano muna sa ngayon. Pero kahit ganoon, gusto ko kasama ko siya sa pag-abot lahat ng mga pangarap ko sa sarili. Gusto ko sa bawat tagumpay ko kasama ko siya...


Pero hindi nangyari iyon nang maghiwalay kami. Kasalanan ko... 


It was all my fault... I made her feel alone that night. Dapat hindi ko na lang siya iniwan pa para hindi na mangyari iyon. Maling-mali na iniwan ko siyang mag-isa. 


I was fumingly mad at her that time. Nandoon pa rin ang pagpipigil ko sa nararamdaman dahil alam ko naman na hindi maganda ang relasyon niya sa Papa niya. Hindi niya nakasama ang Papa niya at nagkaroon na ng bagong pamilya ito. Other than that, wala na akong alam.


"What happened?" nasa loob ng bahay sina Ninong Chris, Celine, at Tita Leila. Kaharap nila ngayon sila Mama at kinakausap. I went near them.


"Look what she did to us!" sigaw ni Tita Leila. I closed my eyes fervently and feel a little bit ashamed.


"I'm sorry, Tita," mahinahon kong sabi. "What happened?"


"That girl suddenly attacked us! She's crazy like her mother! Ang tagal na ng panahon pero galit na galit pa rin sa amin?!" she shouted. Muli akong pumikit dahil sa masasakit na narinig mula sa kanya.


Huminga ako ng malalim saka yumuko.


"Pasensiya na po. Kakausapin ko po siya," mahinahon kong sabi.


"You should!"


"Pasensiya ka na, King..." Tito Chris apologized. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Nakakahiya sa mga bisita ninyo."


"Should we end the party now?" I heard Mama talking to Daddy. Muli akong huminga ng malamim at lumabas na para kausapin siya.


Yeah.... it was ruined. Damn...


Nadatnan ko siyang nakahilig sa sasakyan ko at nakasimangot at galit. Umayos siya ng tayo nang makita ko. She was about to say something but I spoke first. 

When You Smile (Engineering Student #3)Where stories live. Discover now