She let him to be this close to her for the first time after months of fighting. Marcus didn't expect to be so happy coming home and seeing his wife waiting for him.

"I love you, Annika. Good night." before dozing off to sleep.



Pagkatapos ng pananghalian ay magkasama si Annika at Marcus na pumunta ng bayan para maki-piyesta. Parang bata na tuwang tuwa si Annika sa mga bandiritas sa daan at maraming mga nagtitinda na iba-iba ang binibenta.

May perya rin na nakatayo sa bayan at gusto sana na sumakay ni Annika sa Ferris wheel ngunit di pumayag si Marcus dahil sa kalagayan nya. Kaya imbes na sumakay sa Ferris wheel ay inaya na lang sya nito na maglaro at tumaya sa iba-ibang kulay at nananalo naman sila kaht paano.

Masaya si Annika pag nakakakuha sya ng premyo na baso o plato. Hindi man masyadong maintindihan ni Marcus, ang mahalaga sa kanya ay makita nyang masaya at nakangiti ang asawa habang kasama sya.

"Aren't you tired yet, sweetheart?" he gently asked her.

"Hindi pa naman pero sige magpahinga na muna tayo." sagot naman ni Annika. Inaya sya ni Marcus na kumain sa isa sa mga food stall doon. Habang kumakain ay nakarinig si Annika ng nagtitinda ng ice cream at napalingon sya agad sa bandang kanan nya at saka tumingin sa asawa.

"Marcus." tawag nito. Agad naman itong tinignan ni Marcus.

"Yes, sweetheart?"

"Gusto ko nung ice cream." sabay turo nung nagtitinda ng sorbetes sa di kalayuan sa kanila.

"Okay, I'll buy you one. Just stay here in our seats." napangiti naman si Annika saka pumunta si Marcus sa nagtitinda ng ice cream. Habang bumibili ang asawa ay nakarinig naman si Annika ng pagsigaw ng isang babae saka biglang nagkagulo ang mga tao sa paligid nya.

Kinabahan sya agad at natakot. Di nya malaman kung ano ang gagawin nya at pilit hinanap ng mata nya si Marcus pero bigo sya sa dami ng tao na nagkakagulo. Pinilit nyang hanapin ang asawa habang inaalalayan ang kanyang tyan na huwag mabangga ng mga tao na nagkakagulo at tumatakbo.

Nagulat na lang sya ng biglang may humatak sa kanya at pagtingin nya ay nakita nya si Marcus na halos na nakayakap na sa kanya at pinoprotektahan sya sa dami ng tao sa paligid. Pinilit nilang makalayo sa lugar kung saan nagkakagulo ang mga tao pero naanod sila ng mga taong nagtatakbuhan papuntang kaliwa.

Habang si Marcus naman ay pilit syang pinoprotektahan na wag masaktan at ang baby nila. Sa dami ng nagkakagulong tao, natisod si Annika at nadapa. Agad naman syang dinaluhan ng asawa ngunit hindi niya nakayang itayo ito dahil patuloy silang nababangga ng mga tao. Marcus used his body to cover her and their baby.

Nakita na lang ni Annika na may dugo na sa bandang ulo ni Marcus at biglang nagblack out na ang paligid nya.



Nang magising sya ay nasa ospital na sya at nakabantay ang lolo at lola nya sa gilid ng kama. She felt so weak. Nakaramdam sya ng takot at agad na kinapa ang kanyang tyan. She felt a bit relieved when she found her baby moves inside her belly.

"Lola" mahinang tawag ni Annika. Agad naman syang nilapitan ng lolo at lola nya.

"Kamusta ka na apo? Anong nararamdaman mo? May masakit ba sa iyo?" sunud-sunod na tanong nito sa apo. Si Lolo Wilfredo naman ay tinawag agad ang nurse.

"Okay naman po ako 'la, medyo nanghihina lang." sagot nito.

"Sobrang pagalala namin sa inyo ng lolo mo." saka niyakap si Annika. Agad naman naalala ni Annika si Marcus.

"Lola, si Marcus po? Nasaan po sya? Kamusta po sya?" nagaalala na tanong ni Annika. Nang hindi agad makasagot ang lola nya at kinabahan na natakot sya.

Naalala nya bigla ang mukha ni Marcus habang pinoprotektahan sya na hindi masaktan dahil sa mga taong nagkakagulo sa paligid nila bago sya nawalan ng malay.

"Lola, si Marcus...nasaan po ang asawa ko?" tanong ulit ni Annika saka hindi na napigilan ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.

"Apo, nasa kabilang kwarto ang asawa mo." sabi ni lolo Wilfredo. Agad naman na nagpadala si Annika sa kwarto ng asawa kahit hindi pa sya pwede magkiki-kilos.

Hinatid sya ng nurse habang naka-wheel chair. Naabutan nya sila Scarlett at Matthew sa loob ng kwarto at kitang kita kung gaano kamugto ang mga mata ng kanyang mother-in-law.

"Annika." mahinang tawag ni Matthew. She diverted her gaze to the person lying on the hospital bed. Lumapit sya agad sa asawa na ngayon ay tulog pa rin. Kitang kita nya ang mga pasa at sugat sa katawan ni Marcus. Meron din benda ang kanang binti nito.

Hindi napigilan ni Annika ang mapaiyak lalo ng makita ang mga injury ng asawa nya.

"I'm sorry, Marcus." sambit nito habang umiiyak sa tabi ng asawa. As if he heard her, dahan dahan naman nagmulat ng mga mata si Marcus.

"A-Anika." mahinang tawag nito. Agad na niyakap ni Annika ang asawa.

"I'm sorry, Marcus. I'm so sorry." hinging patawad ulit nito kay Marcus.

"Sshh, you don't need to apologize. Wala kang kasalanan." and gently taps her back.

"No. Kasalanan ko kung bakit ka na-injured. I'm so sorry. Kung hindi ako nag-aya na pumunta ng piyesta..hindi mangyayari ito sa iyo. I'm really sorry." sabi ni Annika habang patuloy sa pag-iyak. Marahan kumawala si Marcus sa pagkakayakap ng asawa at pinunasan ng kamay ang mga luha nito sa mukha.

"It's not your fault, okay? It's my responsibility to protect you and our baby. I love you both, that's why I protected you even if that means risking my life. And I will do the same thing again, risk my life again just to make sure you both are safe." he said and makes her cry even more.

Niyakap nya ulit ang asawa.

"I love you, too. I love you so much, Marcus. Thank you for protecting us." masuyong sagot ni Annika na kinabigla naman ni Marcus. Matagal na rin ng huli nyang marinig sa asawa ang mga katagang iyon. He felt warm inside. Naguumapaw sya sa saya ng marinig nyang mahal pa rin sya ng asawa.

"Say that again, sweetheart?" he told her, cupping her face.

"I love you." at saka marahan hinalikan sa labi ang asawa.

"Oh God, thank you." He said and a tear fell from his eye.

"I love you much, sweetheart." Marcus added and hugs her tightly.

THE END

A/N: Thank you for still reading this even if it took me years before I was able to finish this story. I really appreciate all the comments, votes and constructive criticism on my works. Hoping to still see you on my next story. Apologies that you need to wait and hoping that I was still able to make you happy.

Again, always stay safe! And be happy. =) – Much love, Hao

What he wants, He gets.Where stories live. Discover now