Lies

5 0 0
                                    

Yam's POV

Hay, salamat. Na-survive ko din lahat ng klase ko. Nagtext sakin si mommy at sinabing galing daw sa bahay si Tristan kanina. Matawagan nga.

Ay tipaklong! Tumatawag na sya.

"Hello? Uwian mo na?"

"Oo eh. Why?"

"I'm coming to fetch you." sabay baba nya ng phone. Ano problema nun? Ang sungit. Maya-maya lang ay natanaw ko na ang kotse nya na papalapit sa akin.

"Sakay."

Laa. Problema neto? Hmp. Di man lang ako pinagbuksan ng pinto? Bastos to ah. Bahala sya dyan, kunwari di ko narinig.

"Sabi ko sakay, Yam. Tss." Sabi nya na halatang iritado? Tsk. Tinawag pako sa pangalan ko ah? Syempre ako naman di sya matiis. Edi sakay.

"San tayo pupunta?" Tanong ko ng mapansing hindi ko alam kung sam kami tutungo.

"Say sorry to her."

"What do you mean? Who's her?"

"Tss. To Shen. Alam kong concern ka sakin pero di mo sya kelangang saktan bes." H-huh? The eff?! Ako pa nanakit ah? Liar!! Tsk.

"You believe her? Do you think I can do that?"

"Yes. And you're wrong. Parehas lang kayo ng ginawa kaya you don't have rights saying that she's a bitch or whatever. We're going in their house. Apologize."

So, nabaliktad na pala ang kwento? Great!

"No. Stop the car. I'm not coming with you."

"Pero bes.. ikaw ang may mali. And, isa pa lalong mawawalan ng chance na magkabalikan kami dahil sa ginawa mo."

Hindi ko na napigilan ang luhang kanina pa nais tumulo. Tss. I'm such a crying baby, sorry. Ikaw ba naman ganituhin ng Bes mo diba?

"How can you be so sure na magagawa kong saktan ang Shen mo?"

"Because we both know that she can't do something like that while you can." He said this while looking at the road and still driving.

Ako namang nakatingin sakanya ay napangiti ng mapakla. Wow. Bes ko nga talaga sya no? Masyado nya kong kilala. Alam nyang kayang-kaya kong sugurin si Shen para sakanya. Pero, bakit hindi nya malaman ngayon na hindi ko kayang magsinungaling sa kanya?

"Iuwi mo ko. Wala akong kasalanan. At kung sinugod at sinaktan ko man sya, I wouldn't say sorry too. Kilala mo ko, once na ginawa ko di ko na binabawi. Pero, sorry to say.. hindi ako ang sumugod at nanampal."

"Ayts. Antigas ng ulo mo."

Ang huling salitang namutawi sa kanya bago nya tuluyang iuwi ako samin. Hindi na din ako umimik hanggang sa makarating kami ng bahay. Muli syang nagsalita ng makarating kami ng tapat ng bahay.

"Yam, please apologize to her."

"I won't. Pero wag ka mag-alala I will talk to her about that bullsht news she said to you. Tss. Liar."

"Wag na wag mong gagawin yun. Please naman Yamenella. Listen. Don't be like some spoiled brat that can't understand."

"Huh? Spoiled brat?! Sabihin mo yan sa girlfriend mo.. oh let me scratch that.. sabihin mo yan sa ex mo." Hindi ko na talaga mapigilan ang init ng ulo ko. Ayoko sa lahat ibibintang sakin ang bagay na di ko ginawa or di ko pa ginagawa. Tss. Di nga ko gumanti sa sampal nung Shen na yun dahil naalala kong mahal sya netong bes ko at kasalanan ko din naman talaga na saktan si Raid. Pero, etong ginawa nyang pagkakalat ng maling balita? Tsk. Di ko mapapatawad. Pasensya sya pero di ako tulad ng mga sa libro na napakabait at magpapaapi.

"Stop being warfreak, Yam!"

"Pasensya na ha? Pero, sinimulan ako ng ex mo.. sorry sya. Sana din kasi diba bago ka sumugod sakin inalam mo muna yung totoo?"

"Alam kong nagsasabi sya ng totoo."

"At ako hindi? Wow! Thankyou bes. Thank you ha? Sa pagpapamukhang isa akong sinungaling." Sinabi ko to habang nakatingin sakanya ng derecho sabay baba ng kotse at sarado ng pinto nito. Hindi ko na sya nilingon. Fck that bitch. Gusto nyang sirain kami ni bes? Humanda sya. Kung maldita sya mas maldita ako. Tsk.

Dumercho ako ng kwarto at dun muli naalala ang nangyari kanina. Hays. Sakit sa puso. Oo na, warfreak na ko. Tss. Ang sakit pala pag sa kanya nanggaling? Di naman ako warfreak eh, sadyang ayoko lang nagpapaapi. Masyado nya talagang mahal yung babaeng yun. :'( Di ba naman ako paniwalaan? Di ko magagawang manakit, alam nya yan. Pero bakit kanina kung makapagsalita sya parang di nya kilala ugali ko? Nananakit lang ako pag ako na inunahan. Tss.

Tristan's POV

Umalis na si bes. Hays. Galit yun for sure. Kasi naman eh. Bakit nya ba kelangang awayin si Shen? Hays. Kaninang nakita kong umiiyak si Shen ay nasasaktan talaga ko.

"Sinong may gawa nyan sayo?" tanong ko habang hawak-hawak yung braso nyang may pasa.

"W-wala to. Kasalanan ko naman kung bakit ako nagkaganito. Sinaktan kita. Sorry."sagot ni Shen na naiiyak pa din.

"Tell me who did that to you. Walang pwedeng manakit sayo kahit pa sinaktan moko." sagot ko naman. Mahal ko talaga to. Humanda sakin gumawa neto sakanya.

"S-si Yam. Yung bes mo. Nagalit ata nun nalamang break na tayo. Nakaupo lang ako at hinihintay ka sana para humingi mg tawad at isa pang chance pero nakita nya ko at sinugod. She also said that I don't deserve you."

Humagulgol ulit sya. Fck?! Makikipagbalikan sya sana pero dahil sa ginawa ni Yam mukang malabo na ulit?

Inamo ko muli si Shen at hinatid sa bahay nila nang kumalma na sya. Nang nakatulog nga sya ay iniwan ko na sya at pinuntahan si Yam.

Muka bang nagsisinungaling si Shen? Kitang-kita ko yung pag-iyak at pasa sa braso nya. At ginawa yun lahat ni Yam. Sinong di magagalit pag nasaktan ang mahal mo? Tss. Alam kong kaya ni Yam gawin ang bagay na yun, ang tapang kaya nun tyaka tagapagtanggol ko talaga sya. Kaso, sobra yung ginawa nya. Hays.

Pano na kami ni Shen? Hays! Pipilitin ko mag-sorry si bes.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 07, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her DiaryWhere stories live. Discover now