"Sa susunod mo bago mo siya bigyan ng ganyan, magpaalam ka muna sakin" ang kapal talaga nung mukha nung jerk na' to.

 
  "why would I?"

  "wow para ka talagang kuya ko." iritableng sabi ni Lune,

  "Bakit hindi ba ako yung kuya mo? Magkapatid tayo, nakalimutan mo na ba? O katulad nung mommy mo, kinalimutan si Dad pati na rin ako" sunod sunod na sabi ni Benj, nararamdaman ko na ang tensyon sa pagitan nila. Punyeta! Wrong timing naman kasi itong jerk na 'to, e.

  Napansin kong hindi nakasagot si Lune. Hindi niya nga pala alam na kahit sa panahong ito, si Benj at si Benj ang kapatid niya

"M-Magkapatid.. t-tayo" bulong nito na parang pinag aaralan lahat, kinuha ni Benj mula sa kamay ni Lune ang portrait at inabot sa akin

  "Hindi ako magpa-paalam sa'yo. Kasal kayo pero pwedeng pwede pang mabawi 'yon." sambit ni Benj at naglakad na paalis

Naiwan namang tulala si Lune at halos hindi maibuka ang bibig niya

  "WOW! WOW! PUTA!" pabagsak na naupo sa sofa si Lune, hindi pa rin makapaniwala.

  "Ano nanaman yung arte mo kanina, ha?! Bat naman magpapaalam sayo?" iritang sabi ko, tumingin ito sa akin at kinunutan ako ng noo

  "Oh bakit! Umaarte lang ako nung naaayon sa kung ano ang dapat" sambit nito

  "Hindi ka naman si West, ah!"

  "eh hindi ka rin naman si Chester" sambit nito kaya mas lalo ko siyang kinunutan ng noo

  "Tangina! Hindi ako makapaniwala, hanggang dito sinusundan ako nung benj na yon! Hayup! Hanggang dito baga naman kapatid?! Kapatid?! Shuta!" ginulo gulo pa nito ang buhok niya at papadyak padyak pa na parang bata

  "feeling ko ginagago ako nung tukmol na 'yon!" muling sabi niya. Hinayaan ko nalang siya mag mukhang baliw kakausap sa sarili at umakyat sa taas.

Naramdaman ko nanamang sumasakit ang tiyan ko at mas lalong bumibigat.

Umaga na nung magising ako dahil sa tawag sa cellphone ko, agad kong nakausap si Tali at inaya akong makipag-kita sa kaniya.

Isang dress na kulay pula lang ang suot ko at napansin ko na siya kaagad sa 'di kalayuan. Nakalugay ang kulot kulot nitong buhok at naka-puff dress din at sandals na puti

  "Soli!" sigaw nito nang makita ako, agad akong lumapit sa kanya, binigyan niya naman ako ng isang mahigpit na yakap.

  "Nakaka-miss ka sa mansion, ha!" hyper na sabi nito. Mas magandang magkita talaga kami ngayon dahil marami akong mas malalaman pa sa kaniya. Baka siya rin ang sagot kung paano kami makakaalis ni Lune sa magulong mundo na 'to
 

  "Tali.. pwede ka bang mag-kwento about sa akin?" tanong ko, nakita ko kung paano kumunot ang noo nito

   "Ano ho bang gusto niyong malaman tungkol sa sarili niyo?" sambit nito habang ineenjoy ang shake niya, gusto kong itanong lahat — lahat nung tungkol kay Chester.

  "Tungkol sa sarili ko. Pati na rin kung bakit kami pinilit ipa-kasal ni West. Yung kay Benj rin sana" sambit ko, napatango naman ito at inilapag sa table ang shake niya

  "Osige, iisipin ko nalang na nakalimutan mo nanaman lahat" natatawang sabi nito, "Ikaw si Soleil Chester, actually miracle baby ka kaya ikaw yung pinaka-favorite ng lahat...actually nung bata tayo feeling ko ako na yung pinaka-walang kwenta sa lahat. Isipin mo kasi iniwan ako nung mommy ko sa inyo para sa iba, pero hindi ko na ikukwento yung buhay ko kasi baka maging malungkot nanaman tayo, ayaw mo na pinapa-kwento 'yon, e. Anyway naging mag bestfriend tayo at pumasok rin sa eksena si Benj. Si Benj yung pinaka-makulit na bata sa lahat, akala ko nga nung una siya yung makakatuluyan mo.."

Napa-hinto si Tali sa pagkukwento at muling humigop sa shake niya,"Sobrang bait ni Benj. Ayaw mo nga minsan nung action niya kasi lahat nung mga bagay na meron siya ibinibigay niya sa'yo at minsan sa akin. Nung nag-high school tayo, si Benj pa rin ang lagi nating kasama. He's always there through ups and downs. Kapag mababa yung subjects mo, willing siya na turuan ka. Sobrang lapit ng loob niyo sa isa't isa."

Pero bakit ganoon? Bakit yung conversation nila Chester at Benj iba? Bakit parang sobrang sungit ni Chester at wala siyang pakealam kay Benj?

 
"actually hindi ko alam kung kinukwento ko pa 'to sayo" natatawang sabi ni Tali,

"Gusto ko lang ulit malaman lahat, weird man pero please?" nakangiting sabi ko

  "Itinatago ni Benj yung nararamdaman niya sa'yo. Aamin na sana siya pero huli na..dahil nga may mangyayaring kasal. Nalaman rin natin na buntis ka dahil kay West. Sa isang party nagkakilala kayo. Nung nalaman nung parents mo 'yon, nagkaroon kaagad ng kasunduan. Actually ayaw ni West dahil kay Dalia dahil sila talaga dapat ang ikakasal.. Dahil nung panahong nagseset na nung araw nung kasal, yun ang araw na sumagot ng' oo' si Dalia kay West. Sila ang dapat ika-kasal pero napigil 'yon dahil sa kasunduan. Sinabi mo rin sa akin nung isang gabi na mahal mo si Benj pero oras na para itigil yon kasi may responsibilidad ka ng haharapin at ayaw mong masaktan si Benj sa oras na malaman niya na buntis ka dahil kay West." paliwanag niya.

Gusto kong matawa, napaka-komplikado nung pangyayari.

Si Dalia at West ang ikakasal at hindi dapat si Chester at West. Mahal ni Chester si Benj.

Anong gagawin ko? Kaya ba nandito ako para iguhit at ituwid lahat nung pangyayaring hindi naging maayos?

Para maging si Chester at Benj at matuloy yung kasal nila Dalia at West?

Tangina.

  "Tali.. nung huli mo akong nakita" bigla akong napa-tigil. Hindi ko alam ang itatanong ko. Alam kong maguguluhan siya.

"huling nakita?"

"Diba kasama mo ako sa mansion nung nakatingin ako sa frame?" tanong ko

"Oo, bakit?" sambit niya, napaisip naman siya,  "Natutulog ka lang non sa kwarto, e at nakita nalang kita na nakatitig na sa frame" sambit nito. Halatang naguguluhan na sa kinikilos ko.

What if, yun pala ang dahilan kung bakit nandito ako?

Paano kung yung kasal pala nila Dalia at West ang magiging mission ko sa mundong 'to?
 

Us In Different Plot Donde viven las historias. Descúbrelo ahora