Sandali akong nagmuni-muni at handa na sanang matulog nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Inis kong kinuha iyon sa side table at sinagot ang tawag. 

“Oh?” bumangad ko. Hindi ko na tiningnan pa ang caller ID. “Wala ka bang orasan d'yan at hindi mo alam kung anong oras na ngayon?! Gabing-gabi na!” 

“Bad mood?” sinundan pa iyon ng paghalakhak. “Did I disturb you?” 

“Kailangan mo?”

“Sorry to disturb you! But I have good news for you, Rosane!” 

My eyes grew bigger. Napabalikwas ako nang bangon. 

“Pusanggala! Meron na, Aven?!” 

“Chill!” asik niya at nagpakawala ng mahinang tawa. “I tried to track his location!” 

“Woah! Ang galing mo! Salamat Master! So, i-send mo na sa 'kin ang location niya para mapuntahan ko na ora-mismo!” 

“No, I won't tell you.” 

Naningkit ang mga mata ko. “Ano?!” 

“I won't tell, Rosane. You heard it, right?”

“Hoy! Mandaraya!” 

Narinig ko siyang humalakhak ulit sa kabilang linya. Inis akong napairap. Anong silbi ng pagtawag niya sa akin ng ganitong oras kung hindi niya naman pala sasabihin kung saang lupalop ang pesteng killer na 'yon? 

“Sleep now, Rosane. Pupuntahan natin siya bukas!” 

“Ngayon na!” 

“Tomorrow, I promise you.” 

“Sige, sige, sige...” Inaantok na rin ako kaya sige. Nagkamot ako ng noo. “Pangako 'yan, Aven...”

“I promise,” he sounded so serious naman so let's buy it. “For now, let us sleep. Inaantok na talaga ako!” 

“Okay.”

“Good night!” 

Then call ended. 

Pusanggala! 

Biglang sumakit ang ulo ko dahil sa ibinalita ni Aven at mukhang mahihirapan akong matulog nito. Magdamag kong iisipin ang balitang sinabi niya. 

Pagkagising kinabukasan, mabilis akong kumilos para gumayak. Magluluto na sana ako ng almusal nang makitang may pagkain na sa hapag.

“Ikaw nagluto, Jahm?” tanong ko sabay upo sa upuan. Nagtimpla ako ng kape at walang anu-ano ay ininom iyon. 

“Maaga akong nagising kaya nagluto na ako. Kumain na kami ni Jorja, ikaw na lang ang hindi.”

“Si Jorja, nasa taas pa?”

“Naliligo pa yata.”

Tahimik kong kinain ang mga pagkain na niluto niya. Inubos ko na iyon dahil wala namang ibang kakain no'n at sayang naman kung hahayaan kong mapanis. Habang kumakain ako, nakita kong abala si Jahm sa pag-aayos ng mga gamit niya.

“May natapos ka na sa project mo?”

“Science at English pa lang,” napasimangot ako. “Iyon lang madali, eh!” 

“Tulungan ka namin?”

Umiling ako. “Hindi na, kaya ko naman 'yon.”

“Sabagay, sisiw lang 'yan sa 'yo!” She laughed. “Mabuti na lang at dalawang linggo tayong walang klase kaya maihahabol mo.”

“Pasalamat na lang talaga ako. Dahil kung hindi, matatambakan na ako. Tapos, apura pa ang pagmamadali sa akin ng mga teacher natin.”

“Lalo na si Mrs. Nalandress! Gusto niya pa maipasa mo na kinabukasan. Oo nga pala, kumusta naman sa bago mong trabaho?”

MADNESS IN LIFENơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ