Bite 37

868 47 8
                                    

*Bite 37

~ Effort is not a responsibility of a guy.It is his willingness to make his princess smile.

-

Ember's POV

Salamat naman at time out na. Kinakabahan kasi ako! Sobra. Cloud nine, kanina pa nangangatog ang mga tuhod ko. Umalis naman sina Eunica at June. May kukunin lang daw sa room. Feel ko, parang may tinatago sila sa akin. Ang weird kasi nila e.

"Hala, anong nangyayari dun?" Turo ni Hannah sa mga sophomores. Tumingin din ako. Ewan ko ba, natulala ako. Kasi si Darren, naghubad ng pantaas niya. Waaaa! Kita yung abs niya. Yum-- Ember! Hindi maganda. Naghihiyawan naman ang mga girls. Woooot! Kay bata-bata.. may abs na. Naliligo pa siya sa kanyang pawis. Cloud nine, nakaka--

"Uy, Em. Yummy ano? Hahahaha!" Sabi ni Hannah habang tumatawa.

"Gusto mo lang e" sagot ko sa kanya at ngumiti ng nakakaloko.

"Ano ka ba Em, tumigil nga kayo. Oy Hannah, abs ko ang pagnasahan mo! Wag sa batang yan. Nagiging pedophile kayo e" sabi ni Althen.

"Ewwwwww" sabay naming sabi ni Hannah. Tumawa lang si Ms.Lynie.

Naglaro na naman sila, Grabe ang higpit talaga ng laban. Hanggang sa third quarter na. Mabuti nga't hindi na sila masyado nagiinitang dalawa. Si sir Alcantara naman animo'y hindi mapakali. For sure nga, baka may over time 'to. Malaki kasi ang naging motivation ng Sophies ng dahil kay Darren.

"You know what Em, Mvp 'yang si Darren sa school namin sa Canada. He's well trained kasi. Tito Darwin is a PBA basketball player before" saad ni Hannah saakin habang nanonood parin kami. Kaya pala ang gwapo nung daddy ni Darren e. Hahaha! I bet, model siguro 'yung mommy naman niya.

"Paki ko naman dun? Sus." Sabi ko at nagulat akong na-foul na lamang si Lance.

Kasi naman e, parang umiinit na naman ang dugo niya kay Darren.

"Denial" mahina niyang sabi.

Yan, time out naman.

"Ano?" Tanong ko pero bigla akong kinabahan. 74-73 na kasi e. Lamang na ng isang puntos ang Sophomores. By the free throw na ginawa ni Darren. Naku, kakainin ko na ang sinabi ko kagabi kay Darren.

"Waaaa! This game is so exciting! Right guys?! Nangunguna na ngayon ang Sophies. I didnt expect that." Sabi ni Mr.Sy.

Yung mga referies naman ay seryosong naguusap-usap pati 'yung mga judges. Parang may problema ata. Hindi ko talaga alam.

Narinig na lang namin na sumigaw si Sir. Alcantara kaya napatingin kami sa nagkukumpulang senior basketball players na nasa harap namin.

"Mariano! Focus! Ano bang problema mo?! Watch your actions!" Rinig kong galit na galit na sabi ni Sir. Alcantara.

Hannah snap my shoulders kaya napatingin ako sa kanila.

"Ember, icheer mo kaya si Lance mo" sabi ni Hannah. Napa-Nga-nga naman ako sa sinabi niya. Cloud nine, hindi ko keri.

"Yes Ember, swallow your pride right now. Seniors need Lance. Please.." sabi naman ni Ms.Lynie.

Ayaw ko nga. Siya kaya ang nang-away. Siya ang hindi nagparamdam. Tapos ngayon, gagawin pa nila akong cheer leader??!

"Ember.. The time runs.." saad naman ni Althen.

"Wooo! Kuya yung lipstick" sabi ni Eunica na kadadating lang. Aba naman, nakapang cheer leader sila ni June. Naka-two ears na hair style naman si Eunica. Binigay naman ni June atsaka binigay ni Eunica kay Hannah. Teka? Ano to?!

Love at  First Bite (Completed)Where stories live. Discover now