Bite 45

919 43 0
                                    

*Bite 45

~If something will make you happy. Go for it. Dont keep asking yourself "what if?" Instead tell yourself "why not?"

-

Ember's POV

Nagising na naman ako na katabi itong mokong na 'to. Pero this time, may harang na ang pagitan namin which is yung hotdog pillow ko. Mahirap na no! At kumuha din ako ng extra kumot para  sa kanya.

Tulog pa rin siya at mahimbing na natutulog. Grabe, nasanay na atang makitulog dito sa bahay!

Pano naman kasi, ginabi na naman siya kagabi. Haha. Nang madatnan ko kasi aiya dito sa kwarto ko.. nakahiga siya tapos tinitignan yung mga pictures ko nung baby pa ako! Nakakahiya naman nun. Sabi daw kasi ni mama.. feel free at feel at home na daw siya dapat dito sa bahay. Aba naman?

Hindi ko na inabala ang sarili kong gisingin siya. Naligo na ako kaagad at tinignan ang oras. Alas-otso na pala. Yes, mamamasyal kami ngayon nina Hannah. All girls kaya kami nina Hannah, Eunica at Lynie lang.

Ng naglalagay na ako ng hikaw sa sarili ko na nakatapat sa salamin ay narinig kong nagsalita si Darren.

"Pretty Morning ber" saad niya.

Humarap naman ako sa kanya at waaaaa! Ang cute niya. Hehe! As expected. Naka-smile kasi siya e. Heh! Mukhang kapatid ko nga lang kung titignan niyo.

"Where will you go? Date with your boyfriend?" Tanong naman niya. Nasa kama parin siya habang nakaupo at nakapang-tulog pa. Prepared pa yan ha. May dala kasing pangtulog at extra clothes si Darren kahapon. Oh kitams?

"No, all girls hang out" sabi ko naman.

"I see. Can I come with you?" Tanong niya pa ulit.

"GIRLS HANG-OUT nga e" inemphasize ko talaga. Haha. Capslock para intense.

"I can act like a gay"

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Then he chuckled. Okay, he's kidding.

"Embera! Gising na! Nandiyan na sina Hannah!" Pasigaw na sabi ni Kuya Denver. Pinagbuksan ko naman siya ng pinto at pumasok ang gago.

"Pareng Darren! O kamusta?" Sabay upo niya sa tabi ni Darren.

Habang ako nama'y nagsusuot ng sandals ko.

"Ayos lang. Haha" sagot naman ni Darren.

"Teka Em, ang gaganda nung mga kabarkada mo dun. Yung mga kasama ni Hannah" sabi ni Kuya  Denver.

"Which of them?" Tanong naman ni Darren.

"Parehas e. Hehe" at napakamot sa ulo si kuya.

"Hoy kuya!  May mga boyfriend na yun. Atsaka nandun dun sila nung birthday ko." saabi ko.

"Except for Eunica." Sabi naman ni Darren. Alam na niya kasi yung tungkol kina Althen at Hannah. Atsaka kay Kysler at Lynie. Parang wala nga lang sa kanya na M.U. na sina Hannah at Althen e.

Wow. Kilala na nga niya lahat ang mga taong mamalapit sa akin.

"Hindi ko sila napansin nung birthday niya e. Hmmmm. May I request ulit Em?" Nakangisi na namang sabi ni Kuya.

Nabasa ko na siya. Hay! Nga naman. Ako na naman ang gagawin niyang tulay.

"Ayaw ko na kuya! Suko na ako! Gusto mo bang mamatay din si Eunica?! Haha" pabiro kong sabi kay Kuya. Kaso silang dalawa parang hindi nagustuhan ang biro ko. O-ow. Mali nga pala.

So yun nga, bumaba na nga ako.

Pagkakita ko naman sa kanila ay parang nakakita sila ng multo pagkakita nila sa akin. Lalo na si Hannah na kulang na lang siguro ay pasukan ng langaw ang bibig niya sa laki ng pagka-nga-nga.

Love at  First Bite (Completed)Where stories live. Discover now