Bite 46

971 46 2
                                    

*Bite 46

~There are things that we don't want to happen but to accept. Things we dont want to know but have to learn and people we cant live without but have to let go.

-

Ember's POV

Mukha na akong tanga dito sa kwarto ko. Nakaharap kasi ako sa salamin at paulit-ulit na nagprapractice at kinakausap ang sarili ko. Lunes na kasi ngayon.. means, ngayon ko na gagawin yung dapat kong gawin.

"Nathan,uhmmmm. Sorry pero break na tayo--argh! Sobrang straight naman! Ah--Nathan, wag mo sanang mamasamain. Suko na ako. Ayaw ko na sa relasyong ito--Cloud nine, masyadong pormal. Hay! Naku. Mababaliw na ata ako" sabay sabunot ko sa sarili ko at sinampal ang mukha ko.

Nagulat ako ng may tumawa sa likod ko. Humarap ako sa kanya at nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Oh my God. Narinig niya kaya yun? Pero ano.. bakit siya tumatawa?

"Hahaha. Are you talking to your self? Or hmmm. Practicing a speech?" Sabay hawak niya sa tiyan niya na animo'y nagpipigil ng tawa.

"Bakit ka nandito Darren?" Sabi ko sa kanya na nakapamewang.

"As what I am doing always.. to fetch you up here. Haha. Sinabihan kasi ako ni Kuya Denver na pumasok dito kasi nababaliw ka daw" he answered.

Lokong Denvero yun a! Nakikinig din pala sakin? Cloud nine. Para na nga akong nababaliw dito. Napatingin naman ako sa orasan. Omo! 7 am na! May flag ceremony pa naman.

"Darren. Tara na! May flag pala!" Sabi ko sa kanya at hinigit ko na siya pababa. Siyempre dahil sa late na kami.. wala na akong time makipagdaldalan pa kay Kuya Denver.

Pagkadating namin sa school timing din na kaka-ring lang ng bell. Agad naman akong tumakbo sa line namin kaya naiwan ko si Darren. Cloud nine, pagkapila ko. Grabe makatingin si Lori parang mangangain. Remember? Our president. Mabuti nga't naka-abot e. Haha.

After ng flag ay hindi ko na din nakita si Darren. Kasama ko ngayon si Lance na naglalakad papuntang classroom namin. Tahimik lang siya. Parang may nag-iba anta?

"Nathan??" Tanong ko sa kanya. Para kasing lutang e. Wala sa sarili.

"Oy.." I poked him kaya napatingin siya sa akin.

"Ay sorry Dawn. May sinasabi kaba?"

"Wala. Nandito na tayo sa room" sabi ko kaya pumasok na kami.

Pagkaupo ko naman ay busy magchekahan ang mga kaklase ko. Mga excited malaman kung sino ang ka-exchange gift nila. Hay naku. Sana ang makatama sa akin, pagkain lang ang ibigay. Haha.

"Meme.. Mukhang blooming tayo ngayon a?" Sabi ni June kaya napatalikod ako.

"Ano pa nga ba? Haha. Blooming? Achus. Araw-araw namang blooming e" biro ko.

"Haha. Ewan ko sa'yo. Pero hindi pa rin tayo magka-level ng beauty" sabay lagay niya ng kamay niya sa baba niya.

"Dahil higit ako sayo" sabay 'bleee' ko sa kanya.

"Asus. GGSS. Hahaha" sabay tawa niya. Kaloka. Ggss? Ako?

"Hoy bakla. Hindi GGSS si Dawn" sabay ngiti ni Lance.

"Prince Lance, may sarili akong version ng GGSS no." Sabi ni June.

"Ano?" Sabay tanong namin ni Lance.

"Girl with Gorgeous Smile is Sexy" sabay wink ni June.

"Owww. Hahaha" sabi ko.

"Class!" Sabi ni Ma'am Fajardo kaya napatigil kaming lahat at napaharap sa kanya.

Love at  First Bite (Completed)Where stories live. Discover now