Bite 19

1K 68 3
                                    

*Bite 19

Hannah Joy’s Pov

“Are you done Miss?” tanong niya sa akin.

Im Hannah Joy Nalaunan, tubong Iloilo pero lumipat sa Maynila para magaral. Kasalukuyang nagaaral sa St.Mark. Totoo po, Ako po ay schoolmate nina Darren at Ember. Kung nagagalit po kayo sa ginawa ko, pasensya po! Napagutusan lamang.

“Ofcourse! Best actress yata ako!” sagot ko sa kanya.

“Okay, Thank you” sagot niya

“No worries, its my job” at hinang up na niya.

Pagbaba ko ng cellphone ko ay may nabanggaan ako.

“Ano ba?!” sabay naming sabing dalawa.

“Prince Lance??!” sabi ko sa gulat ng makita si Lance, ang nakabangga ko.

“O, kilala mo ako?” nakapamulsa niya pang sabi. Ano naman kaya ang ginagawa nito dito?

“Syempre no! Fan mo kaya ako tsaka taga St.Mark din ako!” nakangiti ko pang sabi.

“Halika” sabi niya at hinigit ako. San naman ako dadalhin nito? Pwes, kung may balak siya. Pasensyahan na, marami akong kilala dito.

---

Ember’s Pov

“Gisiiiing!!!”

Ano ba yan, ang sarap ng tulog ko e. Feel na feel ko pa ang pagiging Queen of foods samantalang may panira naman ng moment!

“Gising na po!! Tuloy laway ka oy!” sigaw pa ni Darren ulit. Agad ko namang pinunasan ang labi ko pero ang langya! Tumawa ng napakalakas.

“Ano ba, panira e.” sabi ko at kinusot ang mga mata ko.

“Hahaha!pft~!Hahaha” sabi niya pa habang hinahawakan ang tiyan niya.

“Problema mo?” tanong ko habang naka’poker face.

“Wala, pft~ Hahahaha!” patuloy pa siyang tumatawa.

Lumabas nalang ako sa tent kasi naman, naiinis na ako.

Lumakad ako palayo doon hanggang sa napadpad ako sa seaside.

“Whoaaa! Parang bora lang!” amaze na sabi ko saking sarili.

Mukha talaga siyang Boracay pero mas prefer ko pa dito. Andami pang star fish!

“Hi miss” someone approached me.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

Oww, yummy--ooops. Hindi pala! Haha. Moreno sya, matangkad, gwapo tsaka may killer smile.

“Hello” sagot ko naman at tumalikod ako sa kanya. Juice colored!! May gwapong nilalang na pinansin ako!

“A participant here in Love Camp? Where’s your partner? By the way, Im Heidryll” at humarap ako sa kanya. Nakalend na pala ang kamay niya. Magpapahard muna ako, tinignan ko muna yung kamay niya bago magsalita.

“Yes, actually nasa Tent siya. Im Ember” at nakipag hand shakes na nga ako sa kanya. Ember, behave. Love Camp to, hindi mingle camp.

“Nice name, Happy to meet you Ember” ikikiss na niya sana yung kamay ko kaso--

*boooogsh!*

Sinugod siya ni Darren , sinuntok niya si Heidryll at tinadyakan pa.

“Hoy! Tama na Darren! Tama na!” agad namang tumigil si Darren at nagsmirk siya kay Heidryll. Anong problema nun?

“Are you alright Heidryll?” sabi ko sa kanya at tutulungan ko na sana si Heidryll tumayo pero Darren hold my wrist.

“Tara na Dawn” seryoso niyang sabi, kaya no choice ako. Sumunod ako sa kanyang umalis doon, hindi ko pala namalayang marami na ang nanonood sa amin.

“Second offense kana” sabi ni Darren at umupo sa isang bench.

“Wait lang Darren ha, Ano bang problema mo dun sa tao?! Eh nakikipagkaibigan lang naman.” sabi ko sa kanya.

Napupuno na talaga ako, nakakainis na talaga! Ah!

“Kung matalino ka Ember Dawn Gargantos, hindi ka makikipagusap sa hindi mo kilala” at nag walk out siya.

Hindi ko talaga maintindihan. Wala namang ginawang masama sakin si Heidryll ah? Saka mukhang mabait naman yung tao. Agad naman niyang huhusgahan. Nagpapaka Hero naman siguro si Darren. Psh, kulang sa pansin.

---

To be continued.

Darren’s Picture at the media.

Love at  First Bite (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon