Bite 44

922 42 0
                                    

Guitarella: bow bow. Sorry ulit sa typos. Nakakainis kasi.. conflict ng conflict -.- pero anyways, sana basahin niyo pa rin to :D salamat.

-

*Bite 44

~Its not the physical attraction that makes you love a person. It's actually the magical connection  between your heart and his heart.

-

Ember's POV

Pagkadating namin sa may dining table  ay nagulat ako. Ang pamilya ni Darren ay nandito. Masaya  silang nagbrebreakfast lahat. Wait, bakit naka-uniform si Jaylla? Diba sabi nina mama, SABADO ngayon? Ay cloud nine! May tests pala kami ngayon! Biyernes pa lang pala. Naisahan kami nina mama a? Tumingin naman ako kaagad sa wall clock. 6:15 pa lang pala. Ang aga naman ata nila?

"Oh! Andiyan na pala sila!" Sabi ni Kuya Denver.

"Good Morning po" sabay naming sabi ni Darren. Bigla naman silang nagtinginang lahat. I feel something. Tsk.

"Darren, dala na namin ang bag mo at uniform." Sabi ng mama niya.Tumango lang naman si Darren. Umupo naman kami ni Darren atsaka kumain na din.

"Hahaha. Kita mo Mare" sabi ng mama ni Darren kay mama.

"Hahaha. Ano pa nga ba" pagsang-ayon ni mama.

Nagbihis na din kami ni Darren. Si Darren sa kwarto nina kuya, mabuti at nagpahiram si kuya Deiver. Kahit si kuya Denver kasi ayaw papasukin dun sa cr nila kaya dito sa may kusina naliligo si kuya Denver.

Hinatid din naman kami ni tito Darwin sa school. Sumama pa nga sa amin sina  kuya. Mga ulol. Gusto daw makakalap ng chicks. Good at naka-move on na si kuya Denver.

"How's the night?" Nakangiting tanong sa amin ni Jaylla habang naglalakad kami sa corridor.

"Natulog" sagot ni Darren. Nang-aasar malamang si Jaylla.

Humiwalay na naman sa amin si Jaylla pagkatapos nun. Pupunta daw siya sa admin e. Kaya kami na lang ni Darren.

Mabuti at biyernes. Tuwing lunes lang kaya may flag ceremony.  Hindi ko alam kung bakit lunes na lang. Ewan sa principal.

Alam kong ihahatid na naman ako ni Darren sa room. Kaya eto.

"They played us" sambit ni Darren habang humahakbang kami sa hagdan.

I know.. he's refering to our parents. Mga bata talaga ang isip nila. Naku.

"Tama"

Nagulat kami ng may humarang sa amin. Nakangisi siya.. I mean, sila.

"Wow. Ember, iba na naman ang napikot mo a" ani ni Lavenia.

"Girl, you know naman. Haha" saad naman ni Alyssa.

"Dont block our way"

Napatingin ako kay Darren. Mukhang inis siya sa dalawa. Nag-crossed arm na naman sina Lavenia.

"Anong gayuma na naman ang nagamit mo Ember Dawn Gargantos?" Sabay ngiti na naman ni Lavenia.

"Girl, may boyfriend siya diba? Si Prince Lance pa nga yun. Then, makikita na lang natin siyang may ibang lalaking kasama? What a famewhore" sabi ni Alyssa at tinulak ako. Mabuti't nahawakan ako ni Darren. Kung wala, gumulong-gulong na ako ne'to sa hagdan.

"Shut the fuck off!!! Get out to our sight or else--"

Hindi pa tapos magsalita si Darren ay tumakbo na yung dalawa. Mga takot din pala e. Cloud nine, parang nag-evolve si Darren into a terrifying monster.

Love at  First Bite (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon