Bite 3

3.9K 156 37
                                    

*Bite 3

~Bestfriends are still there even they think youre fool.

-

Hannah's POV

Kasalukuyan akong nakaupo sa table namin ni Ember at kumakain.Here sa canteen.

Ang tange naman, sobrang tagal umorder. Sa dami ba naman ng kakainin nun? Takaw kasi. Mas matakaw pa ata sa karaniwang matakaw.

Nagulat naman ako na may umupo sa harapan ko, Ember's Chair to be exact sana.

"Hanskie ko, Long time no see" sabi niya na nakasmile at tinggal niya ang shades niya. Psh. Feeling gwapo.

Umismid lang ako atsaka iniwas ko lang ang tingin ko sa kanya.

"Alis" tanging sabi ko sa kanya at kumain

"And why do I have to?" Sabi niya ng nakasmile parin. Nagawa pa talagang ngumiti huh?

Yes, I know that he's still smiling. Kabisado ko yan! Kabisadong-kabisado. Alam na alam ang ugali at kilos. Sa tagal ba naman ng pinagsamahan namin?

"Kay Ember yang pwesto na yan" cold kong sagot. Nagtatampo kaya ako sa kanya!

"Awwww" pagtingin ko sa kanya ay nakapout na at nakapuppy eyes pa siya. Pa-cute ang loko. He's always like that.

"Aso kana pala" panlalait ko sa kanya.

"Sorry na oh, sorry na sa inyo ni Ember. Kung di man lang ako nakapagpaalam sa inyo. Pumunta kasi ako sa States" pagpapaliwanag niya and I can see it na sincere naman siya sa mga sinasabi niya. I know ginawa niya yun for his future and yun talaga ang gusto niya.

I just starred at him with 'why' expression after niyang magpaliwanag.

"Kasi, may photoshoot kami don, sorry na oh. Babawi ako sa inyo"

Kitams? Alam ko na na yang pictorial na yan ang pakay niya sa States. Hindi kasi siya makatanggi kapag may mga offer sa kanya lalo na't kung big time offer pa yuon.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Hay Althen ka. Model kana pala? Di ka manlang nagsasabi" ani ko sa kanya.

Si Khrys Althen Hallador ay ang boy Bestfriend namin ni Embee na ubod ng pacute at pagwapo ang ginagawa at nangangarap maging artista! Aba naman kung siniswerte nga naman. Model na pala sa States! He leave us a month ago without telling us a word. Alam ko namang matagal na niya talagang gusto maging model e, kaso ewan kung bakit ngayon lang siya nagsisimula.

Nagulat naman ako sa pagdating ni Ember at hinapag ang sandamakmak na pagkain. Sa palagay ko'y ubos palagi ang tinda ng canteen sa kanya eh. Nilagay ulit ni Althen nang palihim ang shades niya para magdisguise siguro.

"Whoaa! Hannah! yan na ba si Darren my dear mo? Gwapo !" Agad niyang sabi. Takteng babaeng to. Sariling bestfriend, hindi makilala.. Buwan lang ang nakalipas a?

"Hindi" maikli kong sagot. Sa malamang at sa malamang ay nagpipigil na ng tawa si Althen. Pagtripan ba si Ember?

Umupo naman si Ember sa Right side chair ng table. Bale, sa harap ko si Althen at katabi ko si Ember.

"Eh sino sya? sino ka?" Sunod-sunod niyang tanong sakin at kay Althen.

Inalis din naman ni Althen ang kanyang shades at nagsmile at sinabing "Khrys Althen Hallador po at your service!"

Eto na nga ba ang sinasabi ko eh, nagpacute na naman sya. Kaya ang mga babae sa paligid ay tili ng tili sa kilig ng 'Prince Althen' kuno nila.

•Pakkkk!•

Love at  First Bite (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon