Bite 31

1K 55 5
                                    

*Bite 31

~"I love you" three words that make your life worth living for.

-

Ember's POV

Naghahapunan na kami ngayon, si mama, papa , ako at Darren. Wala sina kuya, nasa dorm nila. Hinatid kasi ako ni Darren kaya ayun, niyaya ni mama na maghapunan dito. Cloud nine lang e, kung makapag-kwento si Darren akala mo kung sino makapagyabang na superhero ko kanina.

"Anak, sa susunod. Mag-ingat ka na. Hindi mo na alam ang mga tao ngayon. Pasalamat ka nandiyan si Darren" wika ni papa.

Napangiti naman si Darren ng napakalaki. Loko-loko, feeling close kay papa. How I wish, siya yung tortang itlog na nginunguya ko ngayon. Tortured for sure! Phew.

"Nag-iingat naman pa e" pagdepensa ko.

"Oo nga Em. Mabuti't nandiyan si Darren" aniya naman ni mama.

Pati mga tenga ni Darren siguro nanlalaki na din. Napa-irap nalang ako sa kanya. Matapos ng sermon ni Darren sakin kanina? Aba! Akala mo kung sinong mas matanda sa'yo. Sino ba ang fourth year saamin?

"Paniwala naman kayo diyan" mahina kong sabi.

"Pero hijo, ilang taon kana? Magkaklase ba kayo?" Tanong ni papa at kumuha ng saging. Tapos nang kumain e.

"Ah, Im already 14 sir. Im still second year" sagot ni Darren.

Nagsilakihan naman ang mga mata nina mama at papa. Mga di makapaniwalang bata pa si Darren. Aysus, mukhang matanda nga e.

"Wow! I thought magkasing-edad lang kayo ni Em-em pero hijo" seryosong sabi ni papa.

"Ano po?" Tugon naman ni Darren.

"Kung may balak kamang ligawan ang anak ko.e, wag ka nang mag-atubili na ligawan siya. okay lang sa akin! Ember is safe in you" sabi ni papa.

Nasamid naman ako dun. Cloud nine, ba't ba napaka-advance ng utak ng mga magulang ko? May boyfriend ako at hindi pwede yun!

"Haha! Tignan po natin" sagot ni Darren.

"Pero Pa, may boyfriend ang anak natin. Si Lance" sabat naman ni mama.

Yan ma! Go for it. Taken na ako tapos ipinagsisiksikan pa ako sa taong ni katiting e walang gusto sa akin.

"Sus, kung mabuti siyang boyfriend edi dapat, hindi niya hinayaang mapahamak ang girlfriend niya" saad ni papa.

Naknang, e tinakasan ko lang nga si Lance e. Pano niya malalaman na napahamak na pala ako? Si kuya Denver ang dapat sisihin!

"Haha! Sabagay." Aniya naman ni mama.

"Tsss. Ingay" sabi ko.

"Ang bitter mo nak" sabi ni mama.

"Sabihin mo, bigo. Haha! Iwanan mo na siya"ani naman ni papa.

Achus! Hindi ah. Ayaw ko naman nun. Parang teenagers lang sina mama at papa. Haha! Nakakatawa.

Pagkatapos naming maghaponan ay nagpaalam na si Darren na umuwi na. Pinilit pa nga ni mama na dito matulog e, dahil delikado daw lalo't gabi na.

"Sige, take your time. Kayo ha, Em. Pasok agad" sabi ni mama at iniwan kami sa may gate ni Darren.

"Ah, e-ah Darren. Salamat" sabi ko.

Tama, kung wala nga siya. Ano na kaya ang nangyari sa akin? Hindi ko man alam kung pano siya nakapunta dun ay okay na rin. Mas importante, nakapunta siya dun. He's concerned with me? Unbelievable. The last time na ganun ang kinilos niya ay nung kay Heidryll.

Love at  First Bite (Completed)Where stories live. Discover now