Bite 50

989 45 5
                                    

*Bite 50

~True love is putting someone else before yourself .

-

Ember's POV

Gabi na pala. Pagkadating ko kasi kanina galing school ay nakatulog ako kaagad. Sobrang hyper ko ata naman kasi nung nag-games na pag-christmas party namin. Humikab muna ako bago bumangon. Napatingin ako sa may lamp shade ko, katabi nun ay yung usb na bigay ni Darren nung birthday ko. Malamang, dahil sa sabi niya na sa new year ko pa daw bubuksan ay hindi ko pa talaga nabubuksan. Masunurin naman ako kahit papaano.

Hay, mukhang naiihi ako. Dali-dali naman akong pumunta sa cr sa may kusina namin kasi mukhang may diperensya na naman yung cr ko sa kwarto ko.

Bilis-bilis ko ding pinihit ang door knob nung cr atsaka--

"Whoaaaaa!!!" Napasigaw ako sa nakita ko, tinakpan ko ng mga palad ko ang aking mga mata at lumabas kaagad sa CR.

Pano ba naman, si Darren naliligo pala. Cloud nine! Hindi ko sinasadyang makita ang alaga niya! Nanginginig akong umupo sa may dining table at pinipigilan pa rin ang paglabas ng ihi ko. Double Cloud nine, nakakahiya talaga.

"Darren!! Bilisan mo nga diyan!" Sigaw ko sa kanya. Narinig ko namang bumubuhos na yung shower. My goodness. Ang virgin kong mga mata. Whoaa!

"Oo na! Sus. If I were know, maninilip ka lang" sabay tawa niya pa.

I gritted my teeth. Cloud nine na cloud nine talaga. Wala pa kasi ako sa wisyu ko nun atsaka kakagising lang diba? Means naaalimpungan pa ako. Nagising lang talaga ang diwa ko nang makita ko si Darren. Cloud nine to the highest level talaga!

After minutes ay lumabas na siya sa banyo. Kitams? Nagawa ko ngang pigilan ang ihi ko. Pinagpawisan ako niyan ha.

Naka-towel lang si Darren na lumabas. Yung half naked ba? I mean, topless. Oo, sanay na ako kina kuya na ganyan pero kung sa kay Darren ba naman---dyosmeyo! Baka may milagro pang mangyari. Haha! Joke lang.

"Ber?" Ani niya.

Wah! Cloud nine. Ayan na naman ang boses niyang nagpapakilig sa akin. Tinabunan ko naman ulit ng mga palad ko ang aking mga mata. Ayaw ko munang mag-imagine. Baka makagat ko siya ng wala sa oras. Haha!

"Hahaha. Gez, ber! Umihi ka ata sa salwal mo e! Yay! You looks like kiddo!" Tawa niya pang sabi.

Nakiramdam naman ako sa sarili ko at narealize na nakaihi na nga ako. Edi wow.

"Shuuuu! Tumaas ka na't magbihis!! Kasalan mo to! Ang tagal mo naman kasing magshower!" Pagtataboy ko sa kanya at dumeretso sa Cr.

Goodness Gracious. Hindi ko inexpect na mangyayari to sa akin.Nag-shower na lang din ako kasi ang lagkit din ng mga hita ko. Whaha! Siyempre, pinunasan din yung pinag-ihian ko. Kasalanan ko bang, I wanna pee na agad? Psh.

Pumaitaas na din ako kaagad at nagbihis. Saka ko lang nakita yung mga gifts na natanggap ko. Buksan ko na kaya? Sa Boracay naman kasi kami magchrichristmas so baka di ko nga talaga to mabuksan sa mismong Christmas.

I opened first ay yung kay Ms.Lynie, isa siyang floral sandals.

Then kay Eunica naman, shades. Himala at hindi laruan. Infairness, improvement yun sa kanya.Kay Kysler, headset at bracelet na mukhang candies. Sarap kainin! Kay June naman, make up at stuff toy na Barney. Napapadalas na ata ang pagbigay nila sa akin ng barney stufftoy? Kay Althen naman, t-shirt na may tatak na EAT ALL YOU CAN. Baliw talaga. Tapos yung kay Hannah naman, Dress atsaka wallet--na may laman pang 500. Rich kid ah! Haha.

Love at  First Bite (Completed)Where stories live. Discover now