First

1.7K 37 5
                                    

"OH MY GOD!" Sigaw ko nang umakyat na sa stage ang apat na nagwa-gwapuhang mga lalaki nang bandang TALKHOUSE.

"TALKHOUSE!" Paulit-ulit kong binabanggit ang pangalan ng banda nila habang isa-isa na silang umakyat sa stage.

Mas lalong umingay ang mga taong nasa Grills Bar nang magsalita na si Matthew, ang bokalista sa banda nila. "Magandang Gabi ho' sainyong lahat." Ani Matthew bago kindatan ang mga babae sa harapan.

Itinaas ko na ang gawa kong banner para sakanila at muling isinigaw ang banda nila. "TALKHOUSE!" Sinabayan ko na ang mga ibang fans sa pagsigaw nang banda nila hindi kami tumigil hanggat hindi pa nagsisimulang tumugtog si George, ang drummer sa banda nila.

Nakita kong nakikipagbiruan pa si George sa guitarist na si Zeus tapos ilang saglit lang ay kagat labing tumingin siya sa drums niya at nagsimula nang tumugtog. Hindi ko napigilang sumigaw nang marinig ang pamilyar na beat na iyon. Shit, Ang paborito kong kanta nila, ay pinapatugtog nila!

*Girls- The 1975*

♪Bite your face, to spite your nose
  Seventeen and a half years old
  Worrying about my brother finding  out  
What's the fun in doing what you're told

 I said "No"
"Oh give it a rest, I could persuade you"
"I'm not your typical, stoned 18 year old, give me a night I'll make you
I know your looking for salvation in the secular age, but girl I'm not your savior
Wrestle to the ground, God help me now because

They're just girls breaking hearts
Eyes bright, Uptight, Just girls
But she can't be what you need if she's 17
They're just girls, They're just girls.

Napatalon ako nang lumakas ang pagbeat ni George sakaniyang drums. Hindi ko ring mapigilang ngumiti at sabayin ang kanta habang nakapikit. This is heaven! Kapag nasa gig ka nang TALKHOUSE, hinding-hindi ka talaga uuwing malungkot. Nandilat ang mga mata ko nang may maramdaman akong tumulo na tubig sa mukha ko. Inangat ko ang tingin sa itaas nang bar at doon nakitang bumuhos ang mga tubig na animo'y umuulan. Shit, I am so wet! Nagsigawan ang mga tao, ang iba'y umalis sa gitna nang bar para hindi mabasa samantalang ako at ang ibang sumusuporta sa TALKHOUSE ay nanatili sa gitna at patuloy na sinusuportahan ang banda.

"Shit, I'm wet." Napatili ako nang marinig ko ang malamig na boses ni George. Tumalon-talon ako nang maging wild na ang mga lights sa bar. This is my best night ever!

♪ I told her from the start
    Destined to be hard
   I told her from the start
  I'll break your heart
   Destined to be hard
   Break your heart

I said "Yo, I think I better go. I can't take you"
  I know you're looking for salvation in the secular age but girl I'm not your savior"
  Well, shouldn't you be fucking with somebody your age instead of making changes?
  Wrestle to the ground, God help me now because

  They're just girls breaking hearts
  Eyes bright, Uptight, Just girls
  But she can't be what you need if she's 17
  They're just girls
  They're just girls

Sinigaw ko ang pangalan ni George ng makita ko siyang uminom nang alak pagkatapos na pagkatapos niyang tumugtog. "I love you, George Santayana! You are so georgous--" Napatigil ako sa pagsigaw nang makita kong nakatitig na saakin si George habang patuloy parin nitong iniinom ang kaniyang alak.

Damn napansin niya ako!

Masiyado pa akong namangha na naagaw ko ang atensyon ni George. This is the first time na napatingin siya saakin. Ngingitian ko sana siya pero mabilis niyang inialis ang tingin niya saakin at kinausap si Zeus. Agad akong napasimangot.

Sayang pero atleast napansin niya ako!

Huminga ako nang malalim ng papalapit ako ng papalapit sa pwesto nila George. It's already 2:00 AM pero nandito parin ako sa bar. Pagkatapos kasi nang pagtugtog nila sa stage ay naginuman sila kasama ang barkada nila.

Habang papalapit ako sa table nila, unti-unti akong nanghihina. Parang di ko kaya. Kasi naman ang daming tao.

Huwag na lang kaya? Uwi na lang ako. Tutal, mukhang masaya naman si George kausap yung babaeng katabi niya. Tss, kailangan ba malapit ang mukha sa isa't-isa kapag naguusap?

Napatingin ako sa grupo ng mga babae na lumapit sa table nila. Sila yung kasama ko na sumuporta sa TALKHOUSE kanina ah? Nakita ko kung paano sila nagpapicture sa apat. Gusto ko din!

"Thank you, girls. Have a good night." Ani Matthew sa mga babaeng nasa harapan ko. Umalis din agad ang mga babae kaya ngayon ako na lang magisa. Bigla kong naramdaman ang hiya dahil lahat sila nakatingin sakin. Pati si George at yung babaeng kabulungan niya.

Nakita kong lumiwanag ang mukha ni Matthew bago nagtanong kung anong pangalan ko. Muli kong tinignan ang katabi niyang si George na ngayon ay kausap na ulit yung babae.

"I-I'm Effy." Ani ko na hindi inaalis ang titig kay George.

"Ah, Effy....oh shit! Sabi na nga ba pamilyar ka e. Nakikita na kita sa school minsan." Masayang sabi niya.

"Ganun ba. Di ko alam na napapansin mo na pala ako. Isa ako sa sumusuporta sa banda niyo. Pwede bang papicture?" Di ko mapigilan ang ngiti sa mga labi ko.

"Sure sure!" Pina-urong niya yung lalaking katabi niya. "Dito ka sa tabi ko!"

"Ay hindi na. Aalis din ako agad. Gusto ko lang din sabihin na ang galing niyo kanina." Nginitian ko si Rush, Zeus, Matthew at George.

"Salamat." Nginitian ako ni Rush at ganun din ang ginawa ni Zeus.

Tumayo si Matthew tapos lumapit sakin. "Lika, picture tayo." Kinuha niya ang Iphone ko at siya na mismo ang humawak nito. "123 Smile!"

"Thank you! Si George din sana." Sabi ko. Wala ng hiya hiya to!

Naagaw ko muli ang atensyon niya. Kinakausap pa siya nung babae pero ang tingin niya ay nasa akin na.

"Bro, Selfie daw." Ani Rush sabay ngiti saakin bago itinuon ang pansin sa inumin niya. Narinig kong nagbuntong-hininga si George pagkatapos ay tumango. Oh my god, this is it!

Lumapit ako sakaniya pagkatapos ay iniharap na ang phone sa mukha naming dalawa. Clinick ko nang dalawang beses ang phone ko pagkatapos ay nagpasalamat sakanilang lahat.

"Bye Effy! I hope to see you again in school!" Sabi ni Matt habang kinakawayan ako.

"I hope too."

Hanggang sa labas nang Grills bar, hindi ko parin inaalis ang tingin sa phone ko. Ang gwapo ni George sa picture, kahit walang emosyon itong nakatingin sa camera. Ako sobrang laki nang ngiti samantalang siya parang pinagsakluban ng langit at lupa ang itsura pero wala e! Ang gwapo padin niya!

Napatingin ako sa wrist watch ko, it's already 3:00 AM-- Oh gosh! Lagot ako kay mama kapag nalaman niyang wala ako sa bahay! Shit! 

A/N: New story guys! your free to read it, vote on it, and comment on it!

She's into Drummers Where stories live. Discover now