Ninth

663 29 8
                                    

A/N:

Woah, i'm really surprised when I saw that this story already have a 1K readers! Thank you so much! ily x

Sumama ako kay Matt, tutal ay wala naman na kaming klase sa last subject. Sila namang apat ay hindi na pumasok dahil nga sa practice. Naghihintay na ngayon sila Rush, George at Zeus sa gate ng school kay Matt. Hindi nila alam na kasama ako dahil biglaan lamang ang pagsama ko sakanila. Pangarap ko na kasi dati pa na makita ang TALKHOUSE na magpractice. Sayang nga lang talaga si Trisha dahil hindi nanaman siya makakasama.

"Nandoon sila, oh." Nilingon ko ang tinuro ni Matt. It's them. Magkaharap ang tatlo at parang may malalim na pinaguusapan.

"Mga dude!" Sigaw ni Matt. Agad na napatingin ang tatlo kay Matt.

"Uy bro," Saad ni Rush. Kitang-kita ang paglagpas ng tingin niya kay Matt at tinignan ako. "Oh, Effy. You're here too." Ngiting saad nito saakin. Ngumiti ako pabalik kay Rush. Kinamusta ko rin si Zeus. Pagkatapos ay nilingon ko si George na nakatayo lamang sa likod habang may nakasalampak na earphones sa tainga nito.

"Gustong sumama ni Effy. Pumayag na ako tutal gusto ko rin naman siyang nandoon sa practice." Ani Matt. Lumapit siya saakin pagkatapos ay tumabi saakin.

"Paano ang klase niya?" Kunot-noong tanong ni Zeus kay Matt. Ako na ang sumagot bago pa makasagot si Matt.

"Wala narin naman akong klase eh. Wala kaming prof sa last subject." Paliwanag ko. Tumango ang dalawa pagkatapos ay pinagusapan na ang kanilang practice.

"Sa bahay niyo daw Rush magpr-practice?"

"H-Ha? O-Oo sa bahay namin." Ka-kamot kamot pa ito ng kaniyang ulo habang nagsasalita. Nagsalubong ang mga kilay ko sa ginagawa nito.

"Let's go, para matapos na agad ang practice." Napatingin kami kay George ng magsalita ito. Nauna na siyang umalis sumunod naman si Zeus sakaniya.

"Ah, halina Effy, Matt." Ani Rush. Sumabay na kami kay Rush.

"F uck you, Santayana." Mahinang saad ni Rush bago tumakbo palapit kay George. Ikinibit-balikat ko na lamang ang aking narinig.

"Ef, rate my singing voice later alright?" Halata sa boses nito ang tuwa ng sabihin niya iyon.

"Ofcourse, Matt. Ikaw pa." Natawa siya sa sinabi ko pagkatapos ay ginulo ang buhok ko.

"What the-- don't you dare, Matt."

"Nah, I dare to do it, again!" Mabilis niya muling ginulo ang buhok ko at humalakhak ng makita ang inis sa mukha ko.

"Matthew Suarez! I hate you!"

"I love you too!" Tatawang-tawa na saad nito. I just rolled my eyes at him but later on, I laughed with him.

"Naman, masasaksihan ko na yata ngayon ang tinatawag nilang 'forever'." Nilingon ko ang nagsalita. It's Zeus at mayroon pa itong hawak na phone na nakatapat saaming dalawa. Oh my god, don't tell me vinivideoh-an niya kaming dalawa?

"Salvador, don't you dare upload that thing." Ani Matt. At mabilis siyang tumakbo para habulin si Zeus.

"Oh my god!" Natuwa ako nang makita ko si Zeus na takot na mahabol siya ni Matt.

"Akala ko walang forever, mayroon pala!" Sigaw pa ni Zeus na naging dahilan upang mas lalong hinabol siya ni Matt.

"F uck you, Salvador! Lagot ka saakin!" Pabalik na sigaw ni Matt sakaniya. Tuwang-tuwa ako sakanilang dalawa. Para silang mga bata na nagaaway. Natutuwa ako dahil nasaksihan ko rin sa wakas kung paano sila mag-asaran.

"Ganiyan sila palagi umasta sa isa't-isa, parang mga bata." Nilingon ko si Rush na ngayon ay tinititigan ang dalawa na naghahabulan.

"Yeah, I know."

Naramdaman kong napalingon siya saakin kaya nilingon ko rin siya. Tinignan ko siya ng nagtatanong.

"How did you know?"

"Certified fan/admirer of TALKHOUSE here." Kinindatan ko siya pagkatapos.

"Really?" Halatang natuwa ito sa sinabi ko. "Ok, I will test you. When is my birthday?"

"November--"

"Hoy, Salazar, alam mo na. Umalis ka diyan." Malamig na sabi ni Matt pagkatapos ay inilayo ako kay Rush.

"The f uck bro? I'm not taking her away from you." Ngising saad nito kay Matt.

"Shut up. Halina kayo, wala tayong masisimulan kung pabagal-bagal tayo rito-- Where's George?" Napalingon kami sa paligid ng nagtanong si Matt kung nasaan nga si George.

"Nasa bahay ko na siya, kumakain ng cookies sa kusina. Bilisan daw natin ang paglalakad para masimulan na ang practice." Ani Rush sabay pasok ng phone sakaniyang bulsa.

"Gagong Santayana iyan!"

"Shit, inunahan ako sa pagkain ng cookies!"

Reklamo nilang tatlo.

She's into Drummers Where stories live. Discover now