Thirty Fourth

296 9 1
                                    


Kinakabahan ako. Nararamdaman ko na ang pangingilid ng aking luha pero pilit kong pinipigilang lumabas ito.

Panaginip lang ba ito? Don't tell me, that my father...is..George's father too? Oh my god!

"G-Gilfredo?"

"Eleanor.." Kita sa mga mata ni papa ang pagkagulat nang makita kami.

Agad akong lumapit kay mama at hinawakan ang balikat nitong nanginginig.

"Ma, halika na." Bulong ko.

"Wait, Gilfredo you know them?" Ani ng mama ni George pero di ko sila nilingon. Patuloy kong kinausap at hinihila si mama paalis.

"Effy..sweetheart..W-What's going on?" Napapikit ako at doon tuluyang tumulo ang mga luha ko. God. Bakit si George pa?

Hindi ko inaasahan ang pagkawala ni mama sa hawak ko at agad nakalapit kay papa. Pare-pareho kaming nagulat nang makita namin ang malakas na pagsampal ni mama kay papa.

Hindi agad ako nakakilos. At patuloy lamang ang pag-agos ng luha sa aking mga mata.

"H-How dare you to do this to me and Effy, Gilfredo!? Akala ko..akala ko mahal mo kami kaya ka nagbalik. Pero..pero!" Iyak ng iyak si mama sa harapan ni papa at patuloy parin itong pinagsusuntok sa dibdib.

"W-What's happening here? Gilfredo, ano ito!" Sigaw ng mama ni George.

Tuluyan na akong napaupo dahil kanina pa nanlalambot ang mga tuhod ko. "Effy!" Naramdaman ko ang isang kamay na dumalo sa akin.

"Effy, baby..a-are you okay?" Paulit-ulit hinalikan ni George ang pisngi ko pero wala akong maramdaman ni isa. Gusto ko nang umalis sa lugar na ito. Bahay ito ng babae ni papa...nasa pamamahay kami ng totoong asawa ni papa. Goddamnit!

"Mom, stop it!"

Doon lamang ako natauhan sa sigaw ni George. Napatayo ako ng wala sa oras ng makitang paulit-ulit na sinasampal ng mommy ni George ang mama ko.

Lumapit ako at agad humarang sakanila. "Subukan niyo pang saktan ulit ang mama ko! Hindi ako magdadalawang-isip na saktan rin kayo!" Nanginginig ang mga kamay ko pero ni walang bahala ko iyon. Hindi ako makakapayag na saktan nila ang mama ko!

Pero sobra akong nagulat ng ako naman ang malakas na sinampal ng kanyang ina.

"MA!" Rinig kong sigaw ni George.

Ramdam ko ang hapdi sa aking pisngi. "Huh! Kaya pala unang kita ko pa lang sainyo, nandiri na ako! Iyon pala, kabit ng asawa ko ang nanay mo! Tapos ngayon, ang anak ko naman ang puntirya niyong mag-ina!?"

"Ma, I said stop it!" Pigil ni George.

"Georgianne, sumosobra ka na." Malamig na untag ng papa ni George.

Hindi ko sila pinansin, nilingon ko si mama. "Ma..please po umuwi na tayo." Pinunasan ko ang mga luha ni mama at inakay na ito paalis.

"E-Effy, please don't go!" Naramdaman ko ang kamay ni George sa aking braso.

"Lumayo ka sa anak ko!" Nagulat kami sa malakas na pagtulak ni mama kay George.

"H-Hinding-hindi ka na makakalapit sa anak ko! Tandaan mo iyan!"

"Oh god, George!" Nakita ko ang paglapit ng mama ni George sa anak niya. "Malanding babae ka! Nasa pamamahay kita, pwede kitang kasuhan! Anong karapatan mong saktang ang anak ko!?"

"Kasuhan mo ako! Wala akong pakialam! Kakasuhan ko rin ang anak mo kapag nalaman kong lumapit pa iyan sa anak ko! Halika na Effy." Nanggigigil na saad ni mama.

She's into Drummers Where stories live. Discover now