Eight

696 27 6
                                    

A/N:

@eushajine Hi girl! Thank you for being my first voter and comment-or lol! And thank you for not getting tired of reading my story haha! ily girl x

--

"Thanks for the ride, Trisha." Ani ko habang inu-unlock ang seatbelt.

"Sus, walang anuman iyon. Osige na, pumasok ka na at baka mahuli ka pa ng mommy mo na wala ka pa sa bahay. Lagot ka, sige!" Ani nito sa pananakot na tono. Dahil sa sinabi nito, naalala ko nanamang, hindi ako nagpaalam kay mama na pupunta ako sa isang gig. Shit, sana tulog na iyon!

"Oo na sige, papasok na ako! Good night!" Hinalikan ko siya sa pisngi. Nagreklamo pa ito sa ginawa ko pero agad-agad rin namang tumawa at nagpaalam na rin saakin. 

Nang makita kong nakaliko na ang sasakyan ni Trisha saka pa lamang ako humarap sa bahay at dahan-dahan pumasok sa pinto. Nananalangin akong sana tulog na si mama. Baka mamaya i-grounded na ako nun, lagot talaga ako! Nang makitang madilim na ang paligid, doon ako napabuntong-hininga. My god! Buti naman at tulog na si Mama.

"Saan ka galing?"

Napatalon ako sa gulat at nilingon ang sala kung saan nakatayo si mama at halatang galit ito. Oh my!

"M-Ma, p-pumunta kasi kami ni Trisha sa gig nila George." Dahan-dahan kong sinabi kay mama.

"Nanaman? Bakit hindi ka nagpapaalam saakin? Atsaka, paano kung napahamak kayo? Naku, Effy--"

"Ma, okay naman po ako oh. Nandito ako sa harap niyo, okay na okay. Kaya, pwedeng kalimutan na natin ang lahat?"

"Anong kalimutan? Effy Montaya, nasasanay ka nang umalis ng walang paalam! Tapos gabi ka pa umuuwi, paano kung mapaano ka sa pag-uwi? Atsaka, hindi ko pa nakikilala iyang si George na iyan, paano kung rapist pala iyan? or worst--"

"Ma! Sorry po kung ginabi ako ng uwi, hindi ko na po uulitin. Pwede po bang matulog na tayo? Antok na ako at alam kong antok na rin kayo."

"Aba, oo naman! Hinintay kaya kita nang sobrang tagal, alam mo iyon? Hay nako! Kailangan kong makilala iyang bandang parati mo pinupuntahan ah! Baka kung sino-sino lang ang mga iyan!" Natawa ako sa sinabi nito. Lumapit ako at yinakap siya ng mahigpit.

"Hindi sila kung sino-sino lang ma! Nagaaral nga din sila sa school na pinapasukan ko e." Proud na saad ko kay mama.

"Oh? Pero kailangan ko parin sila makilala okay?"

"Opo, Halina't matulog na tayo." Hinila ko na siya at inakyat sa taas.

____

"Matt, okay ka na?" Tanong ko kay Matt. Nandito kami sa cafeteria, kumakain. Hindi nakasama sila George, Rush at Zeus dahil may gagawin sila. Si Trisha naman may group project kaya hindi rin nakasama kaya kaming dalawa lamang ang nagsama.

"Anong ibig mong sabihin?" Ani nito.

"Nag-away kayo ni George, at alam kong kasalanan ko iyon. Tinatanong ko kung okay ka na ba? kayo ni George?" Hiyang tanong ko sakaniya. Nagulat ako ng humalakhak siya na para bang wala ng bukas.

"Sorry, Effy. Ang cute mo lang kasi kapag nahihiya!" Namula ako sa sinabi nito. Shit! Cute raw ako? Napatitig ako kay Matt nang makita kong natigilan ito sa pagtawa at tiim na nakatingin saakin.

"B-Bakit?"

Akmang magsasalita na siya nang biglang may umupo sa gilid ko. Pareho kaming napalingon ni Matt sa umupo. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si George iyon. Tamad na umupo sa tabi ko.

"What?" Bored na tanong nito saamin. Muli nanaman akong namula nang magsink-in saakin na katabi ko ngayon ang drummer ng TALKHOUSE na si George Santayana shit!

"Nothing." Sagot ni Matt. Lumingon ito saakin. "Effy, Anong gusto mong pagkain? Libre ko." Tanong nito saakin.

Napahawak ako sa baba ko at napaisip kong anong gusto kong kainin ngayon. "Gusto ko ng fries at icecream." Ngiting sagot ko kay Matt.

"Okay, Bibi--"

"Hamburger and coke." Muli kaming napalingon kay George nang magsalita ito.

"Ano?" Ani Matt.

"You heard me, idiot. Now, go." Malamig na saad nito pagkatapos ay isinalampak na nito ang kaniyang earphones sa tainga.

Nilingon ko si Matt. Iiling-iling na tumayo ito at naglakad na papunta sa bilihan. Agad akong napalingon sa katabi ko. He's just sitting pretty in his chair while banging his head. Namula ako habang tinititigan siya. Ang hot niya, my god!

Nakakunot-noo pa ito habang naghe-head bang pagkatapos ay bigla nitong itinaas ang dalawang kamay at biglang nagdrum sa ere. Shit!

Inialis ko na lamang ang tingin ko sakaniya at tinitigan na lamang si Matt na papunta na rito. Kitang-kita na tuwang-tuwa si Matt habang papunta rito, bakit kaya?

"Here's your order, Ef. Kunin mo na sayo, dude." Walang lingon-lingon na sabi nito kay George. Narinig ko na lamang na nag-tsk si George pagkatapos ay padabog na kinuha ang mga pagkain niya.

"U-Uh, bakit ka nga pala nandito? Akala ko ba, may gagawin ka?" Mahinang tanong ko rito. Akala ko hindi na siya sasagot dahil ilang minuto na ang nakalipas pero nagulat na lamang kami ng magsalita siya.

"I just want here. You have a problem with that?" Malamig na saad nito. Muli nitong ininom ang kaniyang coke pagkatapos ay kumagat sa hamburger niya. Natahimik na lamang ako at sumubo na lamang ng fries.

"Ef, You want to come with me later?" Akmang magsasalita na ako ng may maramdaman akong sumipa ng kaonti sa paa ko. Hindi ko na lamang iyon pinansin dahil baka hindi iyon sinasadya.

"Where are we going?"

"My house. I want you to see my collections." Nang banggitin niya ang salitang 'collections', Agad akong nakaramdam ng tuwa at excitement.

"Sure! Gusto kong malaman ang kina-aadik-an mo maliban sa pagtugtog." Ngiting sabi ko sakaniya. Napahinto ako ng magsalita si George.

"Dude, you can't go. We have a practice, remember? Sa bahay nila Rush." Kunot-noong saad nito kay Matt.

"What? Ang alam ko sa tues--"

"Pinalitan na niya, ngayon na daw ang practice dahil may gagawin siya bukas." Ani nito.

"Ganun ba?" Tumango lamang si George sakaniya. Nang sumangayon si Matt, nakita kong lumingon ito saakin at mabilis akong inirapan pagkatapos ay kinain muli ang kaniyang burger.

You confuse me, Mr. George Santayana.

She's into Drummers Where stories live. Discover now