Sixteenth

577 15 1
                                    

"Okay ka lang ba?" Agad kong binigyan ng masamang tingin si Trisha ng banggitin niya ang tanong na iyan.

"Paano ako magiging okay?! Eh kapag may magaaya saakin tapos makikita ang mukha ko biglang aatras?! Bakit, wanted ba ako?!" Iritang saad ko.

"Chill! Init ng ulo ah. Baka, may rason lang ang mga lalaking yon."

"Lecheng rason iyan!" Pinaypay ko pa ang aking kamay sa sobrang inis. Nanggagalaiti ako sa galit, leche!

"Ugh o-okay lang iyan, Effy. Baka, may ibang lalaki na matinong m-magaaya pa sayo." Ani Alexis. Hindi ko inialis ang tingin ko kay Alexis. Parang may mali sa taong ito eh. Parang may itinatago siya saakin...Ano iyon?

"Hoy!" Nabalik ako sa huwisyo at agad napatingin kay Trisha. "Makatitig sa crush ko, wagas? Baka matunaw iyan." She laughed after. Inirapan ko na lamang siya. Si George Santayana lang ang nagiisa sa buhay, isip, at puso ko.

"Thank you lovers for occupying the dancefloor but for now, we will eat dinner because It's already 7:00. While eating dinner, there's this band who will performed on stage." Litanya ng emcee. Nang banggitin niya iyon, lumakas ang tibok ng puso ko at agad napahawak sa aking dibdib. Nawala na ang inis ko at napalitan ng excitement na makita si George na nakasuit habang nagp-play ng drums! OMG!

Hindi ko pinansin ang mga pagkain na inilalagay sa harap ko. Dahil nakatuon ang pansin ko sa stage at hinihintay ang asawa ko.

"Bonn Apettite, sir, ma'am." Ani waitress bago umalis sa table namin.

"Ang sarap ng mga pagkain!" Rinig kong saad ni Trisha. Nakipagusap pa ito kay Alexis bago kumuha ng pagkain pero ako? Wala pang ginagalaw. I'm just staring at the stage, waiting for him.

"Kumain ka na kaya." Saad ni Trisha sabay lagay ng kanin sa plato ko. Bumuntong-hininga na lamang ako at kumuha na ng gusto kong ulam.

"Let us all welcome, TALKHOUSE!" Napatalon ako sa isinigaw ng emcee. Nang makita ko sila Matt, dagli akong sumigaw. Unang pumasok ay si Matt, sumunod sila Rush at Zeus at ang huling lumabas ay-- ibang lalaki? Napakunot ang noo ko sa nakikita at napatigil ako sa pagsigaw. Where's George?

"Good evening, guys. We are TALKHOUSE. I'm your vocalist for tonight. And this two right beside me is your gituarists and your drummer for tonight is Lowel Andalio." Pakilala ni Matt. Humupa ng kaonti ang sigawan ng tao dahil siguro sa bagong lalaki na iyon.

"Nasaan si bebe George?" Ani ng babae sa likod ko.

Hindi ko na pinansin ang pagsabi niya sa asawa ko ng 'bebe'. Ang nasa isip ko lamang ay kung bakit wala ang asawa ko ngayon sa stage? Oh my god! Don't tell me....natanggal siya sa banda?!

"Ef, bakit wala si George mo sa stage?" Tanong ni Trisha na ikinibit-balikat ko lamang.

"Unfortunately, George can't play with us because he have some important things to do." Paumanhin ni Matt. Nang sabihin niya iyon, doon lamang ako nakahinga ng maluwag. Akala ko naman natanggal na siya sa banda! Buti na lang talaga! Pero ano kaya ang importanteng ginagawa ngayon ni George? Mas importante pa saakin?

"Ay, may important things to do pala ang asawa mo...Sayang! Hindi ka niya makikita sa ganiyang suot." Muli kong sinamaan ng tingin si Trisha ng asarin niya ako.

"I don't care."

"May pa-don't care, don't care ka pa diyan! Pero deep inside, naiinis dahil hindi man lang nakita ang asawa niya o kaya hindi man lang nakita ang itsura niya ngayon...Alam mo Alexis, nagpaganda pa iyan talaga para lang kay George!" Kinurot ko ang tagiliran niya na siyang dahilan kung bakit napatalon si Trisha.

She's into Drummers Where stories live. Discover now