Seventeenth

578 18 2
                                    

"Saan ang table mo?" Itinuro ko kay Matt kung saan ang table namin nila Trisha. Idinala niya ako sa table namin pagkatapos ay inupo ako sa upuan.

"Gosh, Matt! Pwede paselfie?" Gulat na gulat si Trisha ng makita si Matt roon. At nakuha niya pang magselfie. Agad siyang pinagbigyan ni Matt at nagselfie sila.

"Where's ugh Rush?" Akward na tanong ni Trisha kay Matt pagkatapos nilang magselfie. So, tama nga ako. May something sakanila.

"Bakit mo hinahanap si Rush?" Kunyaring seryosong tanong ko. Shit! Gusto ko matawa sa itsura ngayon ni Trisha. Alam kong kinakabahan na ito ngayon.

"W-Wala..Ano...Kasi wala siya rito? Kaya talagang magtatanong ako." Ani Trisha. Hindi ko na napigilang matawa nang sabihin niya iyon. Halatang may tinatago siya. Pero hindi ko muna siya tatanungin tungkol sakanila ni Rush, Ang gusto ko siya mismo ang pupunta saakin at ikwento kung anong mayroon sakanilang dalawa.

"Ok. By the way, Matthew, this is Alexis, our friend." Pakilala ko kay Matt. They both shake hands. "Matthew, Pare." Ani Matt at tumango naman si Alexis sakaniya.

"Ang galing niyo tumugtog ah." Pagpupuri ni Alexis sakanila. Kinausap ko naman si Trisha nang makitang abala na ang dalawang lalaki sa kanilang paguusap.

"Oh? ang swerte mo! Naisayaw ka ng tatlong members ng TALKHOUSE?! Eh iyong ibang babae nga diyan, isama mo na ako, nagkakandarapa na makasayaw iyong apat pero ikaw? Walang kahirap-hirap na naisayaw sila? Gosh!" Hysterical na saad nito saakin.

"Baliw ka na po. Tumigil ka nga diyan." Tumatawang saad ko at napahampas pa ako sa kaniyang braso sa sobrang kakatawa.

"Kainis ka naman eh! Nasasaktan talaga ako ngayon."

"Puro ka naman biro eh. Tumigil ka na nga." Sabi ko.

"Anong pinaguusapan niyo?" Napalingon ako sa gilid ko at nakita sila Alexis at Matt na papunta sa amin.

"Wala." Agad na saad ni Trisha. She winked at me before going to Alexis's side. Agad naman siyang inakbayan ni Alexis habang si Matt naman ay lumapit saakin.

"Hey guys! What do we got here?" Nakuha ni Zeus ang atensyon namin kasama niya sina Rush at Lowel. Tinignan ko si Rush at nakita kong mukhang bad mood siya. Madilim ang kaniyang mga mata na parang isang pitik mo lang sakaniya, manununtok na siya.

"What's the problem with Rush?" Tanong ko kay Matt. Tiningnan ni Matt si Rush at mukhang nagulat rin ito sa itsura ngayon ni Rush.

"Woah, it's my first time to saw him like that. Bakit kaya?" Ani Matt.

"Well, siguro ay badtrip lang talaga siya? Baka, may umapak ng sapatos niya kaya nagalit at nabadtrip." Sabi ko. Nagtaka ako ng marinig ko ang mumunting tawa ni Matt.

"What the hell, Effy? Sapatos talaga?"

"What? Totoo naman ah. Kayong mga lalaki kapag bago ang shoes tapos naapakan lang ng kahit konti ng mga babae, Galit agad."

"Wow, bakit kayong mga babae hindi ganun? Diba ganun rin naman kayo?" Sagot niya pabalik. Hindi ako nakapagsalita ng sabihin niya iyon. Oo nga naman, may tama siya.

"Ah, basta--"

"Hoy, tigilan niyo na nga ang paglalabing-labing niyo sa harapan namin. Atsaka hoy Matt, porket wala rito si George dumidiskarte ka na agad diyan kay Effy ha." Napahalakhak sa tuwa si Zeus sa kaniyang sinabi. 

"Tigil-tigilan mo nga kami Zeus." Banta ko. Agad namang tiniklop ni Zeus ang kaniyang bibig at lumapit na lamang kay Lowel.

"Baliw talaga ang isang iyon."

"Sinabi mo pa." Saad ko kay Matt. We just laughed at each other and continued to talk hanggang sa lumalim na ang gabi.

______

Isinara ko ang pinto ng passenger seat at yumuko para tignan si Matt.

"Thank you for the ride, Matthew." Ani ko. Ngumiti lamang ito saakin.

"No problem, Effy. Ikaw pa." Nilingon ko si Zeus ng magsalita ito galing sa likod. Habang wina-wagayway naman ni Rush ang kaniyang kamay saakin.

Nginitian ko silang lahat at muling nagpaalam bago pumasok sa loob. Ibinagsak ko ang purse ko sa couch at pagod na napaupo roon. God, I'm so tired.

"Anak, ikaw na ba iyan?" Idinilat ko ang aking isang mata at sumagot kay mama.

"What are you doing here? Dapat ay dumiretso ka na sa kwarto mo para makapagpahinga ka na." Lumapit siya saakin pagkatapos ay umupo sa tabi ko. Muli kong isinara ang mga mata ko at nagpahinga saglit.

"Wait mom, I can't get up. I'm so tired." Bulong ko. Naramdaman kong hinagod niya likod ko.

"Gusto mo dalhan kita ng gatas?" Iniling ko ang aking ulo sa tanong niya. Ilang saglit kaming tahimik roon. Hanggang sa naisipan ko nang umakyat ng kwarto.

"Good night, sweetheart."

I smiled at her and mouthed 'goodnight' also. Nang makapasok ako ng kwarto, pabagsak kong hiniga ang sarili ko sa kama. I placed my purse at the side table and closed my eyes.

I'm so ready to sleep when I heard my phone beep. Hindi ko na sana iyon papansinin ng marinig ko ang pamilyar na ringtone message ko kapag nagtetext si George. Oh my god!

Parang nawala ang antok at pagod ko dahil sa text lamang ni George. Dagli kong inilabas ang phone ko sa purse at tinignan ang message niya saakin.

George:

You're so beautiful in that black gown. Take a ten minutes nap, okay? I'll call you later.

Napahawak ako sa aking bibig at gulat na gulat sa nakikita ko ngayon. Totoo ba itong nakikita ko? Sinabihan niya akong maganda? This is the very first time, he compliment me. Hindi ako makapaniwala, noon, ayaw na ayaw niya saakin tapos sobrang suplado pa niya, pero ngayon? Oh my god! What is happening? Am I dreaming?

May nararamdaman narin ba siya saakin? Because, why all of a sudden, he complimented me? He really confuse me so bad.

She's into Drummers Where stories live. Discover now