Twenty Ninth

324 7 2
                                    


I checked myself one last time in the mirror stand. Ngayong gabi ang pagbabalik ni George sa banda. Magtutugtog sila sa The Fort and I know maraming dadating sa gig nila.

I'm wearing a simple white blouse and a black shorts short then I put a tattoo chocker in my neck and wrist and then I wore my favourite white vans shoes. I am so ready to go to my boyfriend's gig. Pagkatapos kong sipatin ang itsura ko, agad akong umalis ng kuwarto at bumaba. 

I also heard that there's some scouts in that bar so I guess, they will watch how to perform TALKHOUSE. I just wish they'll like them. Matagal nang pangarap nila George ang sumikat sa buong bansa, and I think this will be the start of their dream. I'm so excited for them!

Tinext ko si Trisha at pinaalam na papunta na ako ng The Fort bago tuluyang umalis ng bahay. Thank god, mother is not in the house!

I felt my phone buzzed and it's George who texted!

George:

Where are you? I'm waiting outside the bar, sweetheart

Uminit ang aking pisngi at ngiting nireply-an siya.

Ako:

I'm almost there, George. Wait for me. I love you!

Simula ng maging kami, hindi na kami mapaghiwalay sa isa't-isa. Magkasama nga lang kami kanina pero miss na niya ako agad. 

George:

I can't wait to see you. Hurry

Natuwa ako at hindi na siya nireply-an nang makitang naririto na kami. Ibinigay ko ang 500 pesos at agad lumabas ng taxi. Agad kong nakita si George na palipat-lipat ang tingin sa kalsada at sakaniyang relo.

"Hey!" I shouted.

Nakita ko ang pagliwanag ng kaniyang mga mata nang makita ako. Ngiting-ngiti siya ng nakalapit na ako sakaniya. Agad niya akong inakbayan at sabay kaming pumasok ng bar.

"You're so simple today. I like it." Bulong niya sa tainga ko. Uminit ang magkabilang pisngi ko at kinurot na lamang siya sa tagiliran.

Nilingon ko ang stage na kung saan may nagpe-perform na ibang banda. "Pang-ilan kayo?" Tanong ko.

"Last. Let's go," Hinalikan niya ako sa pisngi bago iginaya  sa isang private room pero natigilan kami ng may tumawag sa pangalan ni George.

"George! What are you doing here? Glad, I meet you!" Saad ng isang matangkad na lalaki. Napalingon ako kay George na ngayon ay umiigting ang panga.

"Damn." Bulong ni George sa sarili pagkatapos ay naramdaman ko ang paghigpit ng akbay niya saakin. Niyakap ko siya sa baywang at pareho naming tinignan ang lalaki.

"Theo, Sorry pero mauuna na kami-"

"What? Why? Let's catch up. By the way, who's this beautiful lady here? Pakilala mo ako!"

Napahigpit ang paghawak ko sa baywang ni George nang maramdaman ko ang pagguhit niya ng maliliit na bilog saaking braso. 

"She's my girl..." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tinalikuran na namin ang lalaki. I can hear the guy shouting George's name pero tuloy-tuloy lamang ito.

Gusto ko man sabihin sakaniya na mali iyon pero nakita ko kung paano magdilim ang kaniyang paningin habang patungo kami sa kuwarto kung nasaan ang banda kaya tumahimik na lang ako.

Binuksan ko ang pinto at tumambad saakin ang nag-iinuman na si Matt at Rush habang si Zeus naman ay may kausap na dalawang babae.

"Effy!" Nilingon ko si Trisha na nasa dulo lamang. Kita sa mukha nito ang pagkaka-relief ng masilayan ako. Habang sa dulo ng aking mga mata ay nakita ko ang paglingon ni Matt sa amin.

She's into Drummers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon