Thirty Eight

330 4 0
                                    


*What do you mean?- Justin Bieber*

♪ "What do you mean..Oh
when you nod your head yes..
but you wanna say no..what do you mean..yeah!

When you don't want me to move, but you tell me to go...what do you mean."

Nakapikit ako habang pinapakinggan ang malamig na boses ni George. Nakaka-inlove talaga ang boses niya! Kaya nagustuhan ko tong mahal ko e! Gwapo na may talent pa!

♪" You have me from the start
won't let this end
First, you wanna go to the left then wanna turn right
Wanna argue all day, make love all night
First your up, then your down and then between...Oh, I really wanna know..what do you mean?"

Dinilat ko ang aking mga mata at pinanuod siyang kunot-noong ini-istrum ang gitara.

"Ugh! I'm still fucking learning to use this damn thing! Ba't ang hirap nito?" Galit na sabi nito at akmang hahampasin ng malakas ang gitara.

"H-Hey!" Agad kong nahablot ang gitara niya.

"Be patience. Sooner or later, marunong ka na gumamit nito tulad ni Zeus!" Nginitian ko siya at hinalikan sa pisngi. Pero mukhang hindi parin nahuhupa ang inis nito.

Natahimik ako at biglang pumasok sa isip ko ang banda nila. "How's the band?" Di ko napigilang tanungin sakanya.

Malakas itong nagbuntong-hininga at parang pagod na pagod na sumandal sa puno.

"Sabi ni Matthew," Nakita kong umigting ang panga niya ng binanggit ang pangalan ni Matt. "May gig daw kami bukas sa Shangrila...Tss, ayaw ko nga pumunta! Tangina niya."

"George. Maraming nagaabang sa TALKHOUSE, kasama na ako dun!" Napatingin siya sa akin.

"Pumunta ka bukas sa gig dahil manunuod ako ng gig niyo..alright?"

"What?" Mas lalong kumunot ang noo niya.

"Anong what?"

"Ba't kailangan mo pang manuod? Diba kaya ka pumupunta sa gig namin dati para magpapansin sakin?" Namula ang buong mukha ko sa sinabi nito.

"G-George naman!"

"What? Totoo naman e, diba? Oh, ngayon di mo na kailangang pumunta sa mga gig namin dahil sayo na ako."

"H-Hindi lang naman ikaw ang dahilan kung bakit-"

"What!? Huwag mong sabihing nagpapapansin ka rin sa Matthew na yun! Oh baka kay Zeus o Rush! Ugh Effy! Masasapak ko talaga silang lahat!"

"George talaga. Fan niyo kong apat. Kayong apat ang pinupuntahan ko kapag may gig pero yun nga lang mas lamang ka kasi, gaya nga ng sabi mo n-nagpapapansin ako sayo noon pero sakanila hindi okay?"

Lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa labi. "Seloso." I grinned. Namula muli ang tainga niya. Di ko napigilang hawakan ang namumula niyang tainga.

"Ang cute ng tainga ng mahal ko o!" Napahalakhak ako ng bigla siyang sumimangot at mabilis tinanggal ang kamay ko sa tainga niya.

"Let's go. Uwian na, kunin na natin ang bag natin." Tumango ako at saktong tumunog ang phone ko. Nilabas ko ito at nakitang nagtext si Mama.

Mama:

Malapit na ako dyan. Hintayin mo ko sa gate.

"George.." Malungkot ko siyang tinignan.

"Fuck." He said. Ilang segundo pa kaming tahimik na nakatayo roon.

"Fine. Pumunta na tayo sa room mo at ihahatid na kita sa gate." Nauna na siyang naglakad habang hawak hawak ang aking kamay.

"Pero baka makita ka niya dun-"

"Effy, kahit dun lang please! Payagan mo kong ihatid kita papuntang gate." Napakagat ako ng aking labi at tumango na lamang.

"This is crazy." Saad niya pagkatapos ay hinigpitan ang hawak saking kamay.

______

"They're just girls, breaking hearts
Eyes bright, Uptight Just girls.
but she can't be what you need if she's 17
They're just girls, they're just girls." Paulit-ulit kong kinakanta ang first song ng TALKHOUSE. Namimiss ko nang pumunta sa gig nila at magcheer!

"Effy, halina't kakain na!" Rinig ko ang sigaw ni mama sa baba. Agad kong iniwan ang ginagawa ko at bumaba para kumain.

"Ma, ano ul--"

"ANONG GINAGAWA MO RITONG HAYOP KA!?"

Si Mama!

Agad akong tumakbo sa sala at doon nakitang hinahampas ni mama si papa. Linayo ko kaagad si mama kay papa.

"Ma, stop!"

"Sinong nagpahintulot sayong pumunta rito, Gilfredo! Lumayas ka! Ayaw kitang makita!"

"Eleanor please! Gusto ko kayong makausap na dalawa." Napatingin ako kay papa. Ngunit nabalik din agad ang tingin ko kay mama ng magpumiglas ito.

"Para ano!? Para saktan uli ako!? Si Effy!? Langya Gilfredo! Di ka namin kailangan! Tapos na akong magpakatanga sayo! Kaya please, layuan mo na kami ng anak ko!"

Kitang-kita ang pamumula ng mga mata ng aking ama habang si mama naman ay tuluyan ng napaiyak.

"Eleanor, hindi ko kayang layuan kayo. Anak ko rin si Effy. Kaya sa ayaw man o sa gusto mo, makikita mo ko parati sa harap ng bahay mo."

"Oh edi sige, tumayo ka diyan sa harap ng bahay namin buong araw para magmukha kang tanga!" Agad sinarado ni mama ang pinto ng pabagsak. Pareho kaming natahimik pagkatapos nun.

Pinunas ni mama ang kanyang mukha. "Halika na...kumain na tayo." Nagsimula na siyang maglakad ngunit ako ay nanatili lamang.

Gusto ko makausap si papa.

"Effy?"

"Sorry mama. pero kailangan ko talagang makausap si papa." Binuksan ang pinto at lumabas ng bahay. Rinig ko pang sinigaw ni mama ang pangalan ko.

Nakita ko si papa sa harap ng kanyang sasakyan na nagpapahid ng kanyang luha.

"P-Pa?" Nang tumingin sakin si papa, doon na bumuhos ang luha ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's into Drummers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon