Thirty First

410 10 2
                                    


Hindi matigil sa pagbilis ng tibok ang puso ko. Nandito na kami ni Trisha sa loob ng private room at kanina niya pa ako inaalo.

"I don't know what to do T-Trisha." Nanginginig na sabi ko. Gusto kong umiyak pero walang lumalabas. Kinakabahan ako. Ngayon ko lang naranasan to.

"Saglit at bibigyan kita ng tubig."
Rinig ko ang pagpapatuloy nila sa kanta at ang mga tao ay muling naghiyawan. Kamusta na kaya si George? Nakita ko kung paano dumilim ang kaniyang mukha.

"Eto na ang tubig. Effy, sabihin mo nga sa akin, ano mayroon sainyo ni Matt?"

Nagsalubong ang aking kilay sa tanong nito. Uminom ako ng tubig para mahimasmasan ang kaba na aking nararamdaman bago tumingin sakaniya.

"Ano ba? Wala nga! Maski ako ay nagulat sa mga nangyari kanina. Hindi ko yun inaasahan." sabi ko pagkatapos ay inilapag ang baso sa mesa.

Nanlaki ang mga mata niya habang tinitignan ako. "May gusto sayo si Matt. Naku, malaking gulo to!"

Alam ko. At ngayon ay nagaalala ako kay Matt dahil baka may gawing masama si George sakanya. Huwag naman sana..

Pareho kaming natigilan ni Trisha ng may marinig na sigawan sa labas ng kuwarto. Biglang bumukas ang pinto at tumambad ang nagaaway na si George at Matt.

"Bullshit! Bakit kailangan mo pa kasing gawin yun!?" Galit na sabi ni George. Umaamba ito sa pagsuntok pero inilalayo siya ni Zeus.

"Tama na kasi! ano ba!" Sigaw ni Zeus. Samantalang si Rush naman ay nasa tabi ni Matt at binabantayan ito kung sakaling manlaban.

"Ano bang ipinagpuputok ng butsi mo? Mukhang mas nagustuhan nga ng mga tao pati ng scouts ang ginawa ko-"

"Tangina mo!" Nanlaki ang mga mata ko ng makawala si George at agad sinuntok ang panga ni Matt.

"George!" Sigaw ko. Agad napalingon sa direksyon ko si George. "Tumigil ka na." As if on cue, huminga siya ng malalim at binitawan ang kuwelyo ni Matt pagkatapos ay lumayo.

Napakagat ako ng aking labi nang maramdaman ang mga titig nila saakin. "H-How..." Utal na saad ni Matt.

Lumapit ako kay George. Nang makita niya ako, umayos siya ng upo at agad hinawakan ang kamay ko pagkatapos ay tinapik ang upuan sa tabi niya. Agad ko itong sinunod pagkatapos ay hinigpitan ko ang pagkakahawak sakaniyang kamay. Inilapit niya agad ang kaniyang katawan saakin at isiniksik niya ang kaniyang mukha saaking leeg na nagpa-tindig ng aking balahibo.

"W-What's going on? George!? Effy?" May himig ng pagkakalito sa boses ni Matt.

Sinulyapan ko sila. Si Zeus at Matt na parehong laglag ang panga sa nakikita. Lumapit si Trisha sakaniya at siya mismo ang nag-explain.

"Can't you state the obvious, Matt? Tanga ka ba?" Inis na sabi ni Trisha.

Napabaling ang atensyon ko kay George ng magsalita ito."Sweetheart, alis na tayo. Ayaw ko na dito." Aniya sa aking leeg. Nararamdaman ko ang paghaplos ng labi niya sa aking balat.

"George! Tangina ka!"

Napasigaw ako ng may humatak kay George at agad siyang sinuntok sa mukha. "Matt!" Sigaw ko at pilit inilayo siya kay George.

"Shit!" Saad ni Zeus at agad lumapit kay George.

"Hindi ba kayo titigil-"

"Hayop ka! Ahas! Pucha, alam mong may gusto ako kay Effy! Pero anong ginawa mo? Inagaw mo siya sa akin!"

Malademonyong ngumisi si George kay Matt. Luma-lapit ito saamin pero pilit siyang inilalayo ni Zeus. "Inagaw sayo? Sa pagkakaalam ko, walang nagmamay-ari kay Effy noon! Kaya malaya akong angkinin siya."

Kita ko si Trisha na tinutulungan si Zeus na ilayo si Matt. "Fuck! You're a jerk! How can you do this to me? Akala ko kaibigan kita!" Tinuro nito si George pero malamig lamang siyang tinignan ni George. Mabilis pa ang pag-akyat baba ng kaniyang dibdib dahil sa paghingal.

Nagulat ako ng iharap ako ni Matt sakaniya. Nilingon ko si George at nakita ko ang pagdilim ng kaniyang mukha at pag-igting ng kaniyang panga. Oh god!

"Effy, he's a jerk! Don't fall for him, he's dangerous! I'm telling you, I'm better-" Paulit-ulit kong iniling ang ulo ko sakaniya.

"I'm sorry Matt but I love George." Ang mukha nitong umaasa ay napalitan ng lungkot at galit.

May humila sa aking braso. Sa haplos pa lamang nito, alam kong si George na yun.

Walang sali-salitang hinila niya ako papunta sa pinto at padabog na binuksan ito.

"Dude, pinipili mo ba siya kaysa sa amin!? Paano na ang banda!?" May nahimigan akong galit sa boses ni Zeus. Napayuko ako at hindi ko na napigilang mapaluha.

"Zeus, it's always Effy before anything else. I'm sorry." Maikling sabi nito pagkatapos ay hinila ako papalayo roon.

Did I just ruined there friendship? Did I just ruined the band? Effy, anong ginawa mo!?

______

"Effy, ilang beses ko bang sasabihin na kalimutan mo na yun." Napatingin ako sa magkahawak naming kamay. Muling may lumabas na mga panibagong luha.

"Oh god, Stop crying, sweetheart.. I hate it when I see you cry." Malungkot na sabi nito at agad pinunasan ang aking mga luha.

"George, sinira ko kayong apat. Ang sama kong tao-"

"Shh..Magkakaayos rin kaming apat, huwag kang magalala. So, please stop crying-"

Naputol ang kaniyang pagsasalita ng may dumating na waiter at inilagay sa mesa ang in-order ni George na latte at chocolate cake.

"Eat, sweetheart. You need strenght. Hinang-hina ka, o. I don't like it." Wala man akong gana, kumain parin ako para hindi na magalala pa si George.

Nag-vibrate ang phone ko sa mesa at kitang-kita roon ang pangalan at picture ni Matt, he's calling!

"What the fuck." Mura ni George at agad pinatay ang tawag. Mas lalong nawalan ako ng gana dahil sa nangyari.

"Effy, kain ka pa. Hindi pa nangangalahati ang cake, o." Tinuro nito ang cake pagkatapos ay pagod akong nginitian. It's already 2 AM, I know he's already tired maski ako ay pagod narin.

"Iuuwi ko na lang ito. Alis na tayo, George. Alam kong pagod ka na." Nagsimula na akong tumayo pero agad niyang hinawakan ang kamay ko. "No, we will stay here hangga't hindi mo pa nauubos ang pagkain. I'm okay Effy don't mind me, just eat." Bumuntong-hininga ako at kumain na lamang uli.

Ilang sandaling katahimikan ang bumalot saamin pero agad naputol ng tumunog naman ang phone ni George. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni George sa nag-text.

"Who's that, George?"

"It's my dad... He wants me to bring you and your family tomorrow at our house. Anong nakain ng matandang to?"

Napangiti ako ng makitang ngumisi si George pagkatapos sabihin sa akin ang text na galing sa dad niya. He's happy.

"At last, maipapakilala na kita kay mama, Effy. I'm sure she'll love you." Masayang sabi niya sa akin.

May masayang nangyari parin sa araw na iyon kahit halos mawasak na ang pagkakaibigan ng apat. I hope they already make up para masaya ang buhay. And at last....makikilala ko na ang mga magulang ni George. Ano kaya itsura nila?

She's into Drummers Where stories live. Discover now