Twenty Eight

335 8 1
                                    

Tinignan ko si George na ngayon ay masamang tinititigan ang aking phone. Akmang isasagot ko ito nang mabilis niyang inagaw sa akin yun at siya mismo ang nagpatay.

Bumuntong-hininga ako habang tinitignan siya. Magkasalubong parin ang kaniyang kilay at kunot parin ang kaniyang noo. "George-"

"Bakit ka tinatawagan ng lalaking yun sa ganitong oras?"

Napakagat ako saaking labi dahil sa malamig nitong boses.

"I don't know..baka may itatanong?" Hindi ako sigurado. Damn!

Masama niyang tinignan ang phone ko at shinut-down ito bago galit na ibinalik sa akin. "I doubt that. Ganitong oras tatawag siya? Baka may gusto siyang gawing masama-"

"George! Don't say that! Hindi ganoong tao si Matt. Sa ating dalawa, ikaw dapat mismo ang nakakaalam niyan dahil matalik kayong magkaibigan." Nalulungkot ako dahil mukhang ako pa yata ang makakasira sa pagkakaibigan ng dalawa. Huwag naman sana.

"Hindi na ngayon," Malamig na saad nito bago ako tinalikuran. Baby, please don't say that. Marami pa akong pangarap para sainyo.

"George..."

Nakikita ko kung paano humaba ang nguso ni George dahil sa pagtatampo. Hindi niya ako pinapansin kaya naisipan kong yakapin siya sa likod na ikinatigil naman niya.

"Fuck." Rinig kong bulong nito.

"I'm sorry but I'm just saying the truth. Alam mo namang mahal na mahal kita diba? Kahit noon pa mang hindi mo pa ako kilala. Your my one and only." Lihim akong napangiti nang makita kong namula ang kaniyang dalawang tainga. That's a good sign.

"I'm sorry," Hinigpitan ko ang yakap ko at hinahalik-halikan ang kaniyang likod.

"Effy, stop that." Ungol nito at mabilis na tinanggal ang kamay ko sa baywang nito. Humarap siya saakin at hindi binitawan ang aking kamay.

"Mahal na mahal rin kita," Ani niya na nagpabilis ng tibok ng aking puso. Mukhang magkakaheart problems yata ako dahil sa parating pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Effy," He played with my fingers while staring at me.

"Hmm?"

"You should tell him that you are my girl now. I don't want to let him think that he still have a chance on you kahit pareho nating alam na wala na." Hinalikan niya ang aking noo. Ipinikit ko ang aking mga mata.

Alright, baby.

"Okay, Mr. Santayana. Basta ikaw." Ngiting-ngiting sabi ko sakaniya. He blushed again and hugged me tight.

Ilang minuto kaming magkayakap habang parehong pinagmamasdan ang pagsinag ng araw nang bigla siyang kumanta gamit ang malamig niyang boses.

"How could a heart like yours...Ever love a heart like mine? How could I live before? How could I have been so blind?" I closed my eyes and feel every lyrics his singing to me. Nakakainlove and at the same time ay nakakaantok ang kaniyang boses. I never thought I'd find comfort in a voice. Napahikab ako at mas lalong isiniksik ang sarili sa katawan ni George. Itinaas niya ang kaliwang kamay niya para mapalapit ako lalo sakaniya.

"You opened up my eyes...You opened up my eyes..Sleep sound, sleep tight..Here in my mind. Waitin'"

After that, Everything got black.

_____

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha.

"Hey, sweetheart. Good morning!" Humikab ako at idinilat ang isang mata para makita si George.

OH SHIT.

"Hala! where are we?" Tanong ko habang patuloy kinukusot ang aking mga mata.

"Downtown. Pumunta pa kasi ako ng Mcdo para bilhan ka ng pancakes. Nasa likod kunin mo na lang." He said.

Tumango ako at kinuha ang pagkain sa likod. I can feel my tummy growling!

"Gatorade, please." Saad ni George habang nasa kalagitnaan ako ng pagkain. Nilingon ko ang back seat at kinuha ang hinihingi niyang Gatorade. Ako mismo ang nagbukas at nagpainom sakaniya nun.

"Thank you." He smiled sweetly then focused himself in the road while I continue eating my pancakes.

Para tuloy kaming mag asawa na nagho-honeymoon sa ibang lugar. Well, mangyayari rin iyon sa hinaharap kailangan ko lang maghintay ng matagal. Kinilig tuloy ako sa ideyang iyon!

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa bahay. Bumaba ako ng sasakyan at handa ng magpaalam pero nagulat nang pinatay nito ang makina at lumabas ng sasakyan.

"Mags-stay ka?" Bumibilis ang tibok ng puso ko habang palapit siya sa akin.

"Yes. I'd like to tell your mom that we are officially together. I want us to be legal, sweetheart."

Oh god! Meet the parents na ito!

Akala ko magiging madali lamang ang pagpapakilala nang boyfriend sa magulang yun pala hindi! Lalo na kapag ang nanay mo ay parang reporter kung makatanong.

"Buo ba kayong pamilya? Saan ka tumitira? Sa nanay mo o sa tatay mo? Gusto mo ba talaga ang anak k-"

"Ma!" Sinuway ko si mama dahil sumusobra na siya. Magsasalita pa sana ako ng haplusin ni George ang aking hita.

"It's okay, Effy."

"Tita, Buo po ang aming pamilya at nakatira kami sa iisang bahay lang. And to tell you, I just don't like Effy...I love her too, so much."

Kuminang ang mga mata ni mama.

"Hinding-hindi ko po iiwan at sasaktan ang inyong anak. Tulad niyo po ay parang prinsesa si Effy sakin. I love her too much na hindi ko ho kayang saktan siya." Magalang na saad nito kay mama. Kumuha ako ng isang tissue paper sa table at pinahid ang namumuong luha sa aking mga mata.

"Take care of my daughter. She's so precious to me. Kapag nalaman kong pinaiyak mo siya kahit butil ng kaniyang buhok hinding-hindi mo talaga mahahawakan."

Masayang tumango si George at mas lalong humigpit ang hawak niya saaking hita. He stared at me like he wants to kiss the hell out of me but he can't do it in front of my mother. Takot niya lang ano!

"Well, boto naman talaga ako sayo, George. Noon pa!" Saad ni mama. We both laughed.

"Sana nandito ang papa ni Effy para nakilala ka niya. He'll be so happy to see that his daughter is now in love."

She's into Drummers Where stories live. Discover now