Chapter 29

34.8K 676 59
                                    

Chapter 29 - Nine Tails

Napatingin si Violet sa sumabog.

"Sh-it." bulong nito.

Binaril ni Violet ang ulo ni Dan at dali daling tumakbo sa sumabog.

Tatlong bomba ang sumabog sa Iba't-ibang parte ng field kung saan nakatayo ang stage. Puro sigawan ng kababaihan ang naririnig ng mga estudyante dahil sa apoy na dumidikit sa mga balat nila. Nagliliyab ang paligid ng stage. Mainit na parang nasa impyerno ka. Ang malaking spotlight naman ay nakaawang na sa ere at konti nalang ay mahuhulog na sa ilang contestants na nakahiga pa.

"Tulong!" sigaw ng isa. Napatingin ito sa itaas at wala nang ibang ginawa kung hindi ang sumigaw dahil sa spotlight na tatama sa kaniya.

Gumuho ang stage na kinatatayuan ng mga natitirang participants ng pageant dahilan para mahulog sila at madaganan ng nagliliyab na spotlight.

Mas nagpanic ang mga tao na nasa field dahil sa nangyari sa participants.

"Aaah! Ang anak ko!" sigaw ng isang matandang babae. Isa ang anak niya sa nasawi na nasa stage.

Maraming outsiders ang nagtatakbuhan papalabas. Maraming nadadapa at natatapakan ng mga tao. Tila nagkaroon ng stampede sa Melania University.

--x

"Apollyon." bulong ni Uno.

"Hmp! Sayang wala akong papel at pentel pen. Di tuloy ako makakapagfan sign sayo, Uno!" nakangusong saad ni Apollyon.

Kanina pa sila naguusap at kanina pa nagkukuwento si Apollyon pero wala ni isa ang sinagot si Uno.

Kasalukuyan silang nasa pribadong kwarto malayo sa UC arena. Pagkatapos malaman ni Uno na wala naman talagang Hydra Gang na nagimbita sa kanila ay agad itong tumalikod pero lakas loob silang hinarangan ni Apollyon.

May hawak na kopita si Apollyon. Sina Phoenix naman ay naglalaro ng billard.  Samantalang si Cerberus ay may kahalikang babae.

"What do you want?" malamig na tanong ni Uno.

Napatigil sa pagsalita ng kung anu-ano si Apollyon. Humalumababa ito.

"Hmm, sabihin nating fan mo talaga ako." ngumiti ito.

Ngunit tinignan lang ni Uno si Apollyon ng malamig.

"Okay fine!" tumaas ang dalawang kamay nito.

"Have you seen this kind of tattoo?" tanong ni Apollyon bago ipakita ang tattoo nito sa leeg.

Tinignan iyon ni Zac. Pilit niyang inaalala kung saan ba niya ito nakita pero hindi na talaga niya maalala. Baka sa mga nakalaban lang niya.

"No." walang emosyon na sagot ni Uno.

Ngumiti ulit ito.

"I'm Apollyon. The Ninth member of Nine tails."

Inalok ni Apollyon ang kamay nito kay Uno pero tinignan lang niya ito.

"My leader is uhm you know.. Naglakwatsa.. Tapos hindi na bumalik..." lumungkot ang mukha nito.

"Hay, miss ko na si lovey dovey.."

Napakunot noo si Uno. She's a girl?!

"She's missing." ani Apollyon.

Parang biglang nagiba ang ihip ng hangin. Kung kanina'y nakangiti si Apollyon, ngayon ay naging seryoso na. Ramdam ni Uno ang tensyon pero kahit na ganun ay relax lang ito sa pagkakaupo.

"..And in exchange of 5 billion Euro, I want your group to find her asap--"

"UNO!!"

Napatingin si Apollyon sa sumigaw. Si Cobra.

Awake of the Demon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon