Chapter 41

33.2K 611 51
                                    

Chapter 41 -  Farewell & Reconcile



2 months later


*



Some things have changed.


Not all, but most.


Lalo na't nagbalik na si Daniela, marami ang bumalik sa mga trabaho nila. Marami din ang nawala. Marami ding nagwakas na ang buhay.



Parang naging isang Judgemental Day ang araw na dumating bigla si Daniela sa Headquarters ng Violenzio Mafia clan.


Hindi nila aakalain na babalik pa ang leader nila kung kaya't napatiklop nalang ang mga dila nila. Marami ang nagalak sa nakita. Marami din namang naghinagpis sa pagbabalik niya.


Lubos naman ang lungkot ang Pamilyang Ricardo sa nalaman, dalawang buwan na ang nakakalipas. Hanggang ngayon ay pakiramdam nila ay nawalan nanaman sila ng isang anak, lalo na si Josefina. Parang gumuho ang mundo nila nang binalitaan sila ni Violet, Gray at Black.



"Master.... Kami po'y patawarin niyo.." ani Gray.

Ngumiti ng alanganin si Josefina. "Why? Is there something wrong?"

"Ma-master..."

"Si baby Johan? Nasaan?" ani Judith.

"Master.. " ani Violet. "Wala na po si Johan."



Napahawak sa bibig si Josefina. Si Judith naman ay napaawang ang bibig. "Anong ibig mong sabihin?!" Ramil's rage voice came all over the house.


Lumuhod ang tatlo. "We failed. We failed to save Daniela, Master!" ani Black o itago nalang natin sa pangalang Hugo.


"What are you saying? It's not true... It's not true!" ani Josefina at nagsimula nang umiyak.



Inalo naman sya ng anak na si Judith.



"Hindi ko na kayang mawalan pa ng anak, Ramil! Kunin mo sya!" sigaw ni Josefina at napaupo sa lapag.




Tila nabingi si Ramil. Nangyari na ang pinakakinakatakutan nila, ang masawi sa pagtatago kay Daniela. Naglakad ito patungo sa bintana at pinagmasdan ang madilim na kapaligiran.



Biglang pumasok sa isip niya ang masyang mukha ni Daniela. Para namang tumalon ang puso nito sa kaligayahan ng maisip niya yung ilang segundong iyon.



Napahilamos ito ng mukha nang maalala kung paano nila nakuha si Daniela... at kung kailan nabuo ang isang teorya....

Awake of the Demon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon