Chapter 53

18.1K 390 64
                                    

Dedicated ito kay:

@UncrownedEmpress

@alxxvi


Hello. Mga punyeta kayo.


=========================================


Chapter 53 - The Agreement



Osaka, JAPAN,



Halos anim at kalahating oras din silang nagbiyahe patungo dito sa Osaka, Japan. Pero kahit na may jet lag ang karamihan sa grupo ay agad na dumiretso sila Daniela sa mansyon ng mga Himoto.


"Are you sure about this Daniela?" ani Artemis sa likod nito


Hindi ito tinignan ni Daniela bagkus ay ngumisi lang.


"I dont wanna hukay the kabaong, okay?!" singhal ni Hera.



—x



(Pasabog ni Otor: Okay so ayoko gumamit ng Google translations kasi minsan mali mali grammar nun, kaya English and Tagalog nalang ilalagay ko kahit na Japanese yung sinasalita nila. Sana magets niyo.)


"Wife, why did General Fukishima called yesterday? May sinabi ba sya sa iyo?" sabi ni Ichi Himoto sa asawa nitong si Hinata Himoto habang nasa loob ng kwarto nito. Alas-nuwebe na ng umaga sa kanila at magaalmusal na sila para makaalis na.


Tumango si Hinata at isinalaysay ang report tungkol kay Heneral Fukishima. Lumabas na sila at ganun nalang ang gulat nito nang biglang may bumagsak na maid sa harapan nila. Umagos ang dugo nito mula sa ulo.


Mabilis na tinakbo ni Ichi ang hagdanan at sinilip kung sino ang nakapasok.



"Hinata, where's my katana?!"



Binato ni Hinata yung katana at sinambot naman ito ni Ichi. Hinawak nito ng mahigpit ang kahoy na hinahawakan pati narin ang katana sa kabilang kamay nito sabay talon pababa.


"Who are you?!" sigaw ni Ichi sa babaeng nakasuot na asul na polo na pinatungan ng sleeveless polo. Hindi nya ito kilala at wala siyang kilalang babae na baduy magsuot ng damit na kalaban sa yakuza niya!


Humarap sa kaniya yung babae. Hindi niya nakita ang mata nito dahil natatakpan ito ng na mahaba at itim na buhok at ng isang makapal na salamin. Pero nakikita niyang nakangisi ito.


Nakita niya sa lapag ang isang butler niya na naliligo sa sariling dugo— at may hawak na wig? Para saan ang wig?!

Awake of the Demon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon