Chapter 22

44.5K 784 49
                                    

Chapter 22  - I Love You

THIRD PERSON'S POV

Naglakad papunta si Zac papunta dun sa pwesto ng dalawang assassin.

Oo, assassin nga yung bumaril sa kanila ni Johan.

Lumabas sa tinataguan ang dalawang assassin. Naghanda sila pasugod sa binata.

Nilagay muna ng binata ang dalawang maliliit na baril nito sa suot nitong short.

Naunang umatake ang dalawang assassin. Nilabas nito ang mga shuriken at kunais nito saka balak na saksakin si Zac.

Dahil magaling si Zac ay mabilis siyang umiwas sa dalawang aatake sa magkabilaan niya. Mabilis nitong kinuha ang isang baril sa short niya saka binaril ang dalawa sa ulo. Pero siyempre nilagyan ito ng silencer para hindi makaagaw ng atensyon.

Maya-maya pa'y may lumabas na apat na assassin sa Iba't-ibang parte ng lugar. Sa tulay na ito ay may katabing dalawang malawak na gubat. Kumbaga may dalawang gubat na nilagyan ng tulay sa gitna para makadaan ang mga tao.

Naiinis na si Zac dahil sa biglaang atake ng kalaban sa kanila lalo na't kasama pa niya ang dalaga.

Sinipa ng binata ang sikmura ng isang aatake sa harapan niya saka sinipa ulit sa panga ang aatake mula sa kanan naman niya. Binaril naman niya sa dibdib ang isa pang aatake dapat sa kaniya sa kaliwa. Siniko naman niya ng pagkalakas ang panga ng aatake dapat sa kaniya sa likod saka binaril ito sa noo.

Weaklings. Tsk. Iiling iling na saad ni Zac sa utak niya.

Binaril na rin niya sa noo ang isa pang assassin na aatake dapat sa kaniya. Ibig sabihin isa na lang ang natitira. Binaril ulit ng binata sa puso at ulo ang tatlong malamig na bangkay na. Naiinis siya dito dahil naudlot kanina ang moment nila ni Johan. Kailangan niyang maghiganti.

Habang busy pa si Zac sa pagbabaril ng ilang beses sa tatlong assassin, pasimpleng kumuha ng smoke bomb ang isa pang natitirang assassin. Balak nitong pasabugin ang lugar at tumakas. He should report that they failed to kill Zac.

Kaya lang nakita siya ni Zac. Binaril nito ang assassin sa tuhod at saka sa balikat.

"Ugh!" daing ng nabaril na assassin. Napahiga ito sa kalsada.

"Who the f*ck sent you here?" malamig na saad ng binata sa assassin.

"Ugh--- hindi ko sasabihin sa iyo--- ugh!" sagot ng assassin.

Binaril muli ng binata ang assassin sa magkabilang tuhod at balikat nito. Lalo pang napadaing sa sakit ang assassin.

"Uggh! P*tang*na!"

"Who the f*ck sent you here?" malamig na saad ulit ng binata. Kalmado man siyang magsalita, pero sa loob loob nito gusto na niyang pasabugin ang utak ng lalaking kaharap niya.

Hindi ulit sumagot ang assassin kaya lalong nainis si Zac. Itinutok na nito ang baril sa sentido ng assassin.

"E-eto na! S-si Joker! Jo-Joker ang pangalan niya! I-inutusan niya kaming patayin ka para makuha na niya ang pwesto mo bilang rank 1 at hari ng U-UC!" mabilis na saad ng assassin.

Napahigpit ang hawak ni Zac sa baril nito. Hindi niya hahayaang manalo si Joker sa larong sinimulan niya. Kung si Joker ang nagsimula, si Zac ang magtatapos.

Napangisi siya. Ang akala niya ay matatapos na ang larong ito nang magpadala siya ng isang grupo ng mga walang kwenta at mahihinang klase ng assassin? Pwes nagkakamali siya. Maling mali. Dahil siya mismo ang pumatay sa mga walang kwentang assassin na pinadala nito. Walang utak, ani Zac sa isip niya.

Awake of the Demon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon