Chapter 8.5

32.3K 640 13
                                    

Chapter 8.5  - Mall

JOHAN'S POV

WAAAA~ MASTER~ WHERE ART THOU?!

Kanina pa ako paikot ikot dito sa school grounds ay hindi siya mahagilap ng akin mga mata.

Saan nanaman ba nagsusuot ang batang iyon?!

WAAAA~ AYUN! Nakita ko na siya hehe!

Nakapamulsa siyang naglalakad hindi gaanong malayo sa akin.

"Masteeeer!" sigaw ko.

Napalingon naman siya sa akin ng nakakunot noo. Ang chungit! Hmp!

Marami ring napatingin sa akin. Ano bang pake ko sa kanila??

Naglakad ako papunta kay Master ng nakanguso.

Hmp! "Mangiiwan!" ani ko.

"Tss. You're just slow." sabi niya ng tinatamad saka nagpatuloy ng lakad.

Sumunod naman ako sakaniya. "Kahit na master!"

Ang lalaki ng hakbang ni master, dios ko!

Dahil malalaki nga ang hakbang ni Master ay nilakihan ko rin yung akin para magkasabay kami hehehehe.

"Master hehehe. San ba tayo ngayon?" tanong ko.

Kumunot ang noo niya pero hindi ako pinansin. Nanaman.

"Snob. *pout" ani ko

"Come with me. May pupuntahan pala tayo. " sabi niya bigla at hinila ako.

San naman kaya kami pupunta?

--x

Pagkababa namin ni Master sa mala-milyones niyang sasakyan na Ferrari ata ang tawag ni Master sa kaniya ay agaw atensyon agad kami sa mall.

Tama kayo mga ateng at kuya, sa mall.

WAAA~ ang ganda pala sa mall no?!

Dalawang beses palang ako nakakarating dito dahil delikado daw lumabas sabi ni moma at doda.

WAAAA~ tungkol kila moma at doda, kelan kaya uwi nila sa Amerika? Miss ko na sila!! *pout*

At yung sa unang beses ko ay saglit lang ako dito sa mall at hindi pa ako nakakapagpasyal.

Yiiie! Ayain ko kaya si master lumibot no?

"Ma'am bag po." ani ng isang babae na nasa bungad ng entrance. Holdaper?

"Hala ateng! Wala po akong pera! O silipin mo pa! " sigaw ko saka binuksan ng pagkalaki ang bag ko

Ano nanaman ba tinitignan nila? Wala naman akong ginagawang mali ah!

"Huh? Ano po ma'am?" takang tanong ni ateng gwardiya

"Wala po ako kakong pera! Wag niyo akong holdapin, utang na loob po! Eto po o, yung selpon ko nalang ho kunin niyo!" sabi ko saka binigay yung selpon kong flip phone na Sony Ericsson

"Huh?" tanong uli ng gwardiya

Ano ba yan! Holdaper ba talaga tong si ateng? Ang slow!

"Ateng holdaper, alam ko pong naghihirap kayo. Hindi niyo naman po kailangang magnakaw eh. Wag kayong magalala, tutulungan kita ate sa mga gastusin mo." pagmamakaawa ko sa gwardiya.

Naturingang babae, Holdaper! HUUU~

Kumunot yung noo niya. Slow talaga nitong holdaper na to o!

"Sorry for the scene. You can go back to your business now." pagpapaumanhin ni master sa mga tao saka hinila ako at naglakad paalis sa entrance.

Awake of the Demon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon