Chapter 59: Final Chapter

21.5K 401 52
                                    

Chapter 59



DANIELA'S POV


"The fvck?!" napatanga ako sa kinatatayuan ko. Ngayon ko na napatunayan na isa talaga akong magaling na leader. They finally found me in just span of three months.


Napatigil sila sa pag-uusap at napatingin sa kinatatayuan ko. Nanlaki ang mga mata ni Hera. "Oh my gee Ate Daniela?! You're so fat! What happened?!" Sinimangutan ko siya.


"Daniela!" sigaw nilang lahat at dinambahan ako ng yakap. God! Yung Burger ko! Baka mapipi siya!


Bigla ay hinawi ni Mary Jane silang lahat ng walang kahirap-hirap.


"Salamat ng marami, Mary Jane." sabi ko at nginitian siya. Inirapan niya lang ako.


"Ganun, Daniela?" nakasimangot na sabi ni Artemis. "Nawala ka lang ng tatlong buwan ayaw mo na sa amin? Eh kung ganyan din ay dapat umalis na tayo dito ngayon din." pagdadrama niya. Napangiti ako sa sinabi niya.

"Oh my gee! She smiled!" irit ni Hera.

Binatukan siya ni Hades. "Shut up!"


"Bakit bigla ka nalang hindi nagparamdam ng tatlong buwan?!" sigaw ni Artemis sa akin. "Ni wala ka manlang paalam, ni rason! Bigla ka nalang umalis! Anong klaseng tao ka?!"


Napakamot ako sa kilay ko. Yinakap ko siya at tinapik ang bunbunan niya. "I'm sorry okay? I'm sorry. Nandito na ako. I just want to unwind—"


"Unwind?! Unwind ng tatlong buwan?! Ang haba na 'non Daniela! Umuwi ka na!"


Tumaas ang dalawa kong kilay. "Okay fine, okay fine. If that's what you want." I answered.


Tinignan ko si Driana na katabi si Doda. Si Doda?! Napasinghap ako. Dito pala ang punta niya?!


"Driana..." pagtawag ko sa kaniya pagkatapos umiwas ng tingin kay Doda. Bigla ay mabilis siyang lumapit sa akin at hinuli ang dalawa kong kamay.


"Sorry, Ela, please. You should've just let me explain! Bigla ka nalang umalis!" sigaw niya sa akin.


Napangiti nanaman ako. Bumuga muna ako ng hangin bago magsalita. "It's okay. I actually know the truth," tumingin ako kay Doda. "I hired an investigator kaya alam ko na." I told her. That's... half true, i guess. The truth is nakipagkita sa akin si Demeter sa coffee shop isang buwang nakakalipas noong umalis ako ng walang paalam. He told me the truth, kapalit ang hindi ko sasabihin sa kahit kanino na sinabi niya sa akin ang lahat lahat, na alam niya... at ni Hestia. Papa and Mama were not actually involved sa mga kademonyohan ni Carlos. Nadamay lang sila sa panloloko niya. Pati sila Doda at Moma, nadamay lang rin.


She kissed my temple at yinakap ako. Humiwalay siya sa akin at tinungo ko naman ay si Doda.


"Baby Johan..." Doda said.



Yinakap niya ako ng mahigpit. Nararamdaman ko rin na umaalog ang balikat niya. "Doda! You're crying!" natatawang saad ko. I hugged him tightly. I missed him so much! Ngayon na lang ulit ako nakayakap mula sa ama simula noong nagkaalala ako. Napakasarap sa pakiramdam. I feel like I'm secured. Not because I have a gun beside me pero dahil sa yakap ng tatay mo. Siguradong ligtas ka dahil hindi niya hahayaang masaktan ang prinsesa niya.

Awake of the Demon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon