Chapter 46

25.4K 471 26
                                    

Chapter 46 —  Unleash the Mask


Mahigit tatlong araw nang nakakalipas simula noong dumating sila Daniela kasama ang buong Nine Tails sa Pilipinas.


Tatlong araw na ring hindi bumabalik si Paulo sa headquarters na lubos na ipinagtaka nila Lui.


"Bro, talaga bang hindi mahanap?" ani Lui kay Zack. Nasa tapat ito ng tulay kung saan may sira ang barrier ng tulay. Umiling si Zack.


"His car was found in Pasig Hulo. But no body was found." Sabi ni Zack habang titig sa ilog. Nakakunot din ang noo nito.


"Paulo could be alive until now." Ani Lui. "Pero saan naman natin siya mahahanap? Pati... sino ang may gawa sa kaniya nito?"


Zack's fist turned into rock. "None other than Joker."


"Si Joker?" ani Derrick sa likod nito. Kakarating lang nito at naabutan nito na sinabi ng lider niya si Joker. Sa tabi naman nito ay si Cloud.


"Pwede. Pero may lead ka na ba?" ani Lui.


Dumilim ang mukha ni Zack. "I don't need that." Ani Zack at tumingin kay Lui. "Sapat na ang mga pangyayari na si Joker ang may kakagawan nito. I'll crush him into pieces." Madiin na saad muli ni Zack. Madilim ang langit, tila nakikisabay sa emosyon ni Zack. "Be ready tonight. We'll wreck Joker's neck." Malamig na saad nito bago tumalikod sa kanila.




"Daniela, have you heard about the news three days ago?" ani Artemis at umupo sa tabi ni Daniela.


"What about the news?" tila walang pakielam na sagot ni Daniela at sumimsim ng whiskey sa baso.


"Your boyfie's friend was missing. Pwedeng patay na rin siya. Basta! Yung kotse niya daw ay nahulog sa bangin—!"



"Ate Daniela! Ate Daniela!" may biglang pumasok sa kwarto ni Daniela at nagsusumigaw.


"Tsk!!" asik ni Artemis.


Tinignan lang siya ni Daniela at pumikit. Inihilig nito ang ulo sa head rest ng kama.


"Punta tayo ng underground city. Pwease!" ani Hera sa babae.


"Ate Daniela! Ate Daniela!" Paulit ni Athena sa sigaw nito.


"Punta tayo~" ani Hera at nagpacute sa tabi ni Daniela.


"Do what you want. I don't care." Halos bulong ni Daniela sa hangin na ikinasaya naman nila Hera at Athena.


"Yes! Magcacar race ulit ako! Mehe!" sigaw ni Athena pagkalabas ng kwarto.


Awake of the Demon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon