Chapter 56

13.2K 349 26
                                    

Chapter 56 - Mafia War


Guimaras, Philippines

5:14 PM


Sa gitna ng gubat ay may isang pagpupulong. Makikita mo ang halos lagpas sa isang daan na tauhan ng mga Violenzio na nakahilera at may mga hawak na baril. Sa gilid, nakatayo ang Nine Tails at naghahanda sa kalapit ng gyera. Sa gitna ay nakatayo si Daniela at binibigyan ng utos ang mga tauhan nito. Sa tabi nito ay si Driana na nag-kukumpuni ng mga gagamiting mga armas para sa mamayang pag-lusob sa mga kalaban. Mamayang gabi na magaganap ang isa sa mga pinakamalaking gyera sa pagitan ng dalawang malaking Mafia sa Italya. Ang Violenzio at ang Grifagno.


"Now, let's be one and make them taste the real hell!" huling linya ni Daniela sa mga tauhan nito bago ito bumaba sa plataporma na kinatatayuan at tinungo si Driana.


Kinuha nito ang M6 Bayonet at pinaikot sa kamay. Mabilis nitong binato ang kutsilyo sa kalapit na puno. Bumaon ng ilang sentimetro ang kutsilyo sa puno.

Naiisip na niya ang katawan ni Carlos na naliligo sa sarili nitong dugo, katabi nito ay ang mga anak niyang sila Celestina at Ballestina. Nanggagalaiti na siya! She's craving for blood! She's hungry for Carlos' death!


"Are we done here?" tanong nito kay Artemis na naglalagay na ng bulletproof vest. Hinigpitan din nito ang suot na gloves. Sa mga hita nito ay may nakasabit na Beretta Nano.


Tinignan niya si Poseidon na nilalagyan ng tela ang noo nito. Hindi niya alam kung para saan iyon pero pinabayaan nalang niya. Napansin din niyang karamihan ay may puting tela na nakatali sa katawan nila. Kumunot ang kilay nito.


Si Hestia. Isang linggo na ang nakakalipas matapos ang libing ni Hestia, o dapat na niyang tawagin na Kristal. Lahat sila ay naninibago parin ngayo'y may nalagas na sa grupo nila. Kaya nga isinapuso ni Daniela na magbabayad si Ballestina sa ginawa nito. Iyon ang una niyang gagawin, pagkatapos si Carlos naman. Kinuha niya ang isang bulletproof vest kay Athena at sinuot ito. Nakasuot ito ng puti at hapit na tanktop na pinatungan na ng bulletproof vest at army pants.


Hinawakan nito ang singsing na binigay ni Zack sa kaniya noon. Katabi nito ang singsing na binigay sa kaniya ng ama niya na ginawa niyang necklace. Hinawakan niya ito ng mahigpit na para bang doon nanghihingi ng lakas.

Alam niyang delikado itong gagawin niya dahil mas madami ang tauhan ni Carlos kaysa sa kaniya at sa kuta pa mismo niya sila susugod. Hindi niya alam kung ilan nalang sa kanila makakauwi pa ng buhay. Kung titignan ay mas lamang ang kabilang panig. Pero naniniwala si Daniela na sa hindi dami ng tauhan sila mananalo, kung hindi sa lakas.


Nagsuot na siya ng bulletproof vest at saka lumabas na ng silid.





Iloilo, Philippines

12:36 AM


Sa daungan ng barko ay may sampung mga armadong lalaki ang nakatayo doon at tila nagmamasid sa kapaligiran.


Awake of the Demon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon