Chapter 27

44.9K 732 125
                                    

A/n: Salamat ng marami kay Dictionary.com for translating the lame Italian and Estonian languages. Charaught.

================================================================

Chapter 27 - Hunt

Nasa isang kwarto ang isang babae. Walang ibang gamit ang kwarto maliban sa babae.

May hawak itong baril at ang damit nitong tshirt na puti ay may mga bahid na ng dugo. May sugat ito sa tiyan niya at sa noo ito.

Nagtataka siya kung bakit siya nandito. Agad naman siyang naghanap ng pintuan at sa di inaasahan ay may biglang lumitaw na pintuan sa likuran niya. Katulad ng kwarto ay kulay puti din ito.

Agad naman siyang naglakad dito. Pero bago niya buksan iyon ay may narinig siyang busina ng isang tren.

Dahil sa kuryosidad, binuksan niya ito saka naglakad ng mabilis palabas...

Huli na ng makita niya, isang tren ang papunta sa pwesto niya.

JOHAN'S POV

*Riiiing! Riiiiing!*

Napabalikwas ako ng upo dahil sa gulat. Hinawakan ko yung dibdib ko dahil sa nararamdaman kong bilis ng tibok ng puso ko.

Ano nanaman ba ang napaginipan ko? 

Bakit ba ako nakakaramdam ng ibang pakiramdam kapag nagigising ako? Pakiramdam ko tumakbo ako ng isang kilometrong fun run. Wah! B-baka naman nagigising ako tuwing gabi?! Hindi ko naman maalala kung ano yung pinapaginipan ko? Diba normal namang may napaginipan ka tapos pag nagising ka hindi mo na maalala? 

Kinusot ko yung mata ko.

*Yaaaawn*

Teka--- bakit parang ang bilis ng tulog ko? *pout*

9.30 AM na pala. Waaaah! May rehearsal pala sa pageant ng 10! OMG!

Napabalikwas agad ako ng higa saka dali daling pumunta sa CR.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakapagbihis na ako ng isang kulay pink na dress saka kulay pink din na sandals. Kinuha ko na yung susi ni Barbie saka dali daling bumaba ng kwarto ko.

"Waaah~ Kuya Hugo! Late na ako! Ako na magdadrive ah! Babye babye!" sabi ko saka pumunta na sa garahe.

Nasa gitna palang ako ng biyahe nang may biglang humarang sa harapan ni Barbie na kulay itim na kotse na parang sa akin. 

*Screeeech!*

Waaah! Buti nalang naka seat belt ako! Phew!!

Agad akong bumaba kay Barbie.

"Hoy peste kang driver ka! Huuu! Ano bang problema mo. May saltik ka ba?!" sabi ko saka kinatok katok yung pintuan nung kotse.

Nakakailang katok ako saka sigaw pero hindi parin siya lumalabas.

Waaaah! Baka nahihiya!

"Hoy pangit na driver sa loob! Wag ka nang mahiya! Luma---" sabi ko pero pagkatapos kong sabihin yun, agad naman itong nagdrive palayo sa akin.

Nakanganga akong nakatanaw kung saan to dumaan.

Walanjo! Ang snobber naman nung driver na yun! Sino ba siya sa akala niya?! Sikat ba siya ha?! *pout*

Awake of the Demon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon