Chapter 18

35.9K 683 64
                                    

Chapter 18 - Nobody

THIRD PERSON'S POV

 

Pagkabalik nila Zac at Johan sa room ay agad nan napatigil ang mga tao sa loob ng apat na sulok na kwarto.

“Omg. Omg. Si Prince Zac at Johan na ba talaga??”

 

“Sana hindi pa!”

 

“God! Naagaw na si Prince Zac sa akin. Huehuehue!”

 

“Shut up! Hindi pa sila!”

 

“Lagot yan kay Ma’am Ingrid.”

 

“Oo nga! Ang harot! Hmp!”

 

At iba pang bulungan.

 

May nakikiusyoso na rin galing sa kabilang klasrum na nakasilip pa sa pintuan at bintana ng klasrum nila Johan.

“EHEM! EHEEEEM!” putol ni Cloud sa katahimikan ng grupo nila. Kasama na rin dun si Katsumi.

“Hoy ‘liparot! Baka TB na yan!” singhal ni Kristy saka bumaling kay Johan. “Baby Johan~ Ituloy mo nga yung sinasabi mo sa canteen kanina. Totoo ba na ‘boyfriend’ mo si Zac?” tanong nito.

“Oo~ Kaibigan lalaki diba? ANO BA YAN! ANG GI-GREEN NIYO EH! HAHAHAHA!” saka humagalpak ng tawa si Johan.

“Kaibigang lalake?!” sigaw nilang lahat.

“*pout* Kailangang bang sumigaw sabay sabay?” ani Johan

“Hindi kayo?!” biglang sigaw ni Katsumi

“Oo nga daw! Ang ingay nito eh.” Segunda agad ni Kristy

“Buti naman. Phew!” Bulong ni Katsumi sa sarili pero hindi nito alam narinig nito ng katabi niya na si Lui.

“Hoy hoy! Pumoporma ka ba kay baby Johan?!” Singhal ni Lui

“Oo. Bakit? Masama ba?” nakangising sagot ni Katsumi

Samantala, si Zac naman ay napatiim bagang sa narinig. Kakasimula pa lamang niyang mag-confess kay Johan ay dumating kaagad ang karibal niya.

“Whoa!”

“Ang haba ng heyr!”

“Ganda mo baby Johan! Pfft.”

Sari-sari naman ang mga reaksyon ng nakarinig. Napakunot noo si Johan. Hindi kasi niya narinig yung sinabi  dahil kumuha siya ng tubig sa bag niya.

“Huh? Maganda ako? Oo, sabi ni Moma at Doda maganda daw ako. Sinabi din sa inyo?” nakangiting sabbi ni Johan

“Pffft! Hindi! Sabi ni Katsumi boy pumoporma daw siya sayo!” ani Cloud. Nakatanggap naman ito ng batok kay Kristy.

“Naku ka talagang ‘liparot ka! Ang ingay mo!”

“ANO NANAMAN?! Sinabi ko lang naman yung hindi niya narinig eh! Bakit ka namamatok?!” singhal sa kaniya ni Cloud

“Yun nga eh! Bwisit ka talaga!” saka sunod sunod na batok ang binigay ni Kristy kay Cloud.

“Tsk. Ano ba yan! Ang gulo niyong dalawa. Maghiwalay nga kayo!” singhal sa kanila ni Derrick sa umupo sa gitna nila para paghiwalayin.

Awake of the Demon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon