Chapter 14

37.7K 721 60
                                    

Chapter 14 - Queen Bee strikes

JOHAN'S POV

Hmm.. Napamulat ako ng mata ko dahil sa sinag ng araw sa kwarto ko.

9am palang. 10.30 am pa ang first sub ko.

Kamusta na kaya si Zacky?

Pakiramdam ko ang init na ng mukha ko.

WAAAAH! Naalala ko nanaman yung nangyari kahapon!

Flashback

"Aggressive huh?" nakangising sabi ni Zacky

"Hehehehe. Peace tayo Zacky huh? Hehehe." sabi ko habang naka Vsign sa kaniya

Ngumisi siya "Hindi mo naman sinabing naaadik ka na pala sa labi ko." bulong niya sa tenga ko.

Naramdaman kong naginit yung pisngi ko. "Waaaa! Hi-hindi kaya ako naaadik! *pout*"

"Eh anong tawag mo kanina? You pulled me because you want to kiss me again." sabi niya habang nakangisi

Napanguso ako. Oo na, oo na! Adik na ako sa labi niya! *pout*

"Ehhh! Ikaw naman kasi eh!" nakangusong sabi ko saka hinampas ang braso niya.

Natawa siya. O. O Tumawa si Zacky?!

"WAA~ Zacky! First time kitang nakitang tumawa! Ang gwapo mo talaga!" sabi ko saka pinisil ang pisngi niya.

Tinampal naman niya ito palayo sa mukha niya saka nagtanong

"Is it your first time to kiss someone?" nakangising tanong niya

May naalala ako--- "WAAA~ KINUHA MO YUNG FIRST KISS KO!! PANGIT KA! PANGIT KA! HUHUHUHU! " singhal ko saka pinaghahampas siya. Napabitaw tuloy siya sa akin.

"Pfft! First kiss?! That's good! At least I am your first kiss..." natatawang sabi niya saka nakangising lumapit sa akin "...And I already marked you MINE. You are mine and ONLY mine. Kung may lalapit sa'yo, malalagot sa akin." bulong niya sa akin.

Napanganga ako sa sinabi niya.

Minarkahan niya daw ako? Saan? Palihim kong kinapa yung mukha ko. Nilagyan ba niya ng pentel pen yung mukha ko?

Tsaka... sa kaniya daw ako?! Pano nangyari yun?! Binili niya ako?! Paano na sina moma, doda at ate?! Sina Kristy at Frey?! WAAAA!! TULONG HUHUHU!

"AW~" daing ko. Pinitik niya kasi yung noo ko eh.

"That's not what you think, you stupid girl. Tara na, diba ililibre mo ako ngayon?" sabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko saka hinila ako.

End of Flashback

Ilang beses niyang sinasabi sa akin yung ganung sentence. Kahit hindi ko magets yung pinagsasabi niya gumegege na lang ako.

Pero hays, nakakahiya pala yung ginawa ko kahapon.

Naligo na ako saka nag-ayos para sa school. Kinuha ko na yung bag ni Dora saka yung pink na susi ng kotse.

Hmm, magagamit ko nanaman si Barbie! Hihihi!

"Good morning baby! Mukha kang masaya ngayon ah!" sabi ni Doda na nasa sala ng bahay at nagbabasa ng diyaryo.

Humalik muna ako sa pisngi niya "Hehehe, hindi naman po. May first kiss na po kasi ako---hmp!" sabi ko pero tinakpan ko kaagad yung bibig ko

WAAA~ muntikan na yun ah! Whoo! Whoo!

Awake of the Demon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon