MPC - 04

10.8K 181 10
                                    

PUBLISHED under Life is Beautiful Printing Corporation-a sister company of Precious Pages Corporation.

Php 109.75

Available in all Precious Pages Outlet, National Bookstore, Pandayan Bookshop, Expression, Booksale and other leading bookstores NATIONWIDE.

----------------------------------------

Chapter 4

Kaycee

"Anak ng tipaklong! Anong ginawa mo sa kwarto ko?!"

"Una, hindi ako tipaklong at kung tipaklong man ako, ang gwapong tipaklong ko naman. Pangalawa, itong kwarto mo punong-puno ng poster at picture ng idol mo, minabuti ko ng tanggaling kaysa naman magiba ko itong buhay niyo."

"Aba pake alam mo ba?! Hindi mo naman kwarto ito hah! Anong karapatan mong magtanggal ng mga poster?! Ibalik mo iyan!"

Galit na galit ako. Sino ba namang hindi magagalit kapag nakita mong iba ang itsura ng kwarto mo. 'Yong mga poster ni MJ na nakadikit sa wall ko natanggal maski mga picture niya na nasa picture frame nawala. As in parang nahubaran ang kwarto ko.

Pero dahil sinabi ko ay ibinalik niya lahat ng iyon. Nakakainis kasi may mga napunit pa. Nako! Papaslangin ko na talaga itong hinayupak na ito!

"Sa susunod na magtanggal ka ni isi sa mga picture ni MJ malilintikan ka sa akin!" banta ko sa kanya.

Sa sobrang inis ko ay iniwan ko siya at pumunta sa kwarto ni Carmy.

"Oh! Anong nangyari sayo at ganyan ang itsura mo?" tanong sa akin ni Carmy.

"Wala naman," wala na ako sa mood ikwento kay Carmy ang nangyari kasi baka pati siya ay mapagbuntunan ko ng inis at galit.

"Kaycee mag usap nga tayo. Totoo bang si Niel ang nagsimula ng away kanina sa school?"

Nginitian ko siya. "Hindi," sagot ko sabay kamot sa ulo ko.

"WHAT?! Bakit mo sinabing siya?"

"Ewan. Bakit kalat na ba sa school?" tanong ko sa kanya.

"Hindi lang kalat kundi kalat na kalat. Nako Kaycee hah! Hindi maganda iyong ginawa mo, gumaganti ka sa kanya."

"Kasi naman eh hindi parin ako mak get over sa nangyari kay MJ."

"Kahit na, hindi pa rin naman tama ang ginawa mo."

***

"Asan na ba si Niel magsisimula na ang klase pero wala pa siya."

"Baka naman nag CR lang, namiss mo kaagad pinsan?"

Tinignan ko ng masama si Carmy. Hindi ko si miss at bakit ko naman siya mamimiss. Nag-aalala lang ako na baka mamaya magsimula na naman siya ng gulo dito sa school.

"Girls may ishe-share ako," tumingin ako sa isa kong kaklase na may ishe-share daw. Ang mga kaklase ko naman oo, mga chismosa.

Nagsilapitan naman ang iba kong kaklase sa kanya na interesado sa sasabihin niya. Kahit na hindi ako interesado ay maririnig ko ang sasabihin niya dahil nasa likod ko lang siya.

"Naglalakad ako kanina sa hallway ng makita kong nilapitan ng principal si Niel, baka kakausapin dahil sa ginawa niyang gulo kahapon," nasamid ako kahit wala naman akong kinakain. WHAT?! "Nakita ko ring pumasok sila sa loob ng office ni Principal. Nako! Kawawa naman ang artistang iyon."

"HOY!" nagulat nalang ako ng biglang sumigaw si Carmy na nasa harapan ko.

"Bakit ka ba sumisigaw? Hindi naman ako bingi!"

My Prince is a Celebrity [COMPLETED with SPECIAL CHAPTERS]Where stories live. Discover now