MPC - 15

9.3K 146 8
                                    

Chapter 15

Kaycee

Ang bilis lumipas ng araw. Isang linggo nalang at aalis na siya. malungkot? Oo, aminado ako na mahal ko na siya pero hindi pwede at kailanman hindi pwedeng maging pwede. Napagtanto ko at sobrang naramdaman kong mahal ko na siya noong Christmas break. 'Yong kami lang ang magkasama sa pamamasyal. Nakakatawa kasi habang nauubos ang oras na nasa amin siya ay mas lalo kong nararamdamang mahal ko siya.

Hindi ko kayang mawala siya, ayaw kong mawala siya sa bahay, ayaw kong bumalik na siya sa dati. Nasa akin an gang desisyon kung babalik ba siya sa o hindi pero hindi ko alam ang magiging desisyon ko. Pareho lang naman 'diba? Maging artista man siya ulit o hindi ay aalis parin siya. Dapat pala kasi noong una palang ay itinigil ko na itong kahibangan ko. Dapat kasi noong una ko palang na maramdaman na may feelings na ako ay pinigilan ko na.

Artista siya habang ako ordinaryong tao lang. Ang layo namin sa isa't isa. Kung baga sa cellphone, iPhone siya ako china phone.

Napayuko ako ng may maramdaman akong kuryente. Sanay na ako sa kuryenteng iyon at hindi na ako nagugulat pa at alam kong hahanap-hanapin ko iyon kapag wala na siya.

"Kaycee!"

"Bakit?"

"Ang lalim kasi ng iniisip mo. Kapag ba umalis ako ay iisipin mo rin ako araw-araw?"

"Ang kapal ng mukha mo!"

"Kakanta daw tayo sa biyenes?"

"Oo, retirement kasi ni Sir Aldeo."

"Ayos!" sabi niya at ngumiti.

Dati hindi ka naman ngumingiti ng ganyan. Dati hindi natatapos ang isang araw ng hindi mo ako inaaway. Nakakainis ka Niel! Paano ba ako na in love sa iyo kahit na rival ka ng idol ko. Idol ko siya, crush ko siya, sobrang hinahangaan ko siya at mahal ko siya pero bilang idol lang. Ikaw ang mahal ko.

"Kaycee!" napalingon ako sa lugar kung saan nanggaling ang sigaw.

"Alvie?"

Tumakbo siya papalapit sa akin. "Kaycee!" sabi niya ulit at niyakap ako.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko habang nakayakap parin siya sa akin.

"Kinakamusta ang babaeng patay na patay sa akin."

"Sino?"

"Ikaw!"

"Feeling ka!" kumawala ako sa yakap at nginitian siya.

"Napadaan lang ako at nagbabakasakaling makita kita at nakakatuwang nakita kita. Magkikita pa tayo ulit," nginitian niya at tsaka umalis.

"Sino siya?" tanong ni Niel.

"Isa sa mga taong dumaan sa buhay ko," simpleng sagot ko na hindi nakatingin sa kanya.

"Ex?"

"Of course not! Nakilala ko siya sa 'di inaasahang pangyayari pero matagal na iyon nakalimutan ko na nga pero kanina ng makita ko siya naalala ko ang lahat."

"He must be special."

"Not really pero sobrang nagpapasalamat ako sa kanya."

***

"Kakanta daw kayo?" tanong ni Carmy.

"Yuph," sagot ko.

"Yie!" pang-asar niya sa akin.

"Anong yie?! Ikaw ang gusto niya," sabi ko pero mahina lang.

"Ano?"

"Wala!"

My Prince is a Celebrity [COMPLETED with SPECIAL CHAPTERS]Where stories live. Discover now