MPC - 23

10.8K 180 16
                                    

HIS POV

Chapter 23

Niel

I hate my life. Ito lang ang tanging nasasabi ko sa tuwing nakikita ko ang sarili ko sa salamin na hinahawakan ang parte na kung saan ay may pasa ako.

Masakit?

Siguro hindi na. Anim na taong gulang palang ako ay minamaltrato na ako. Binubugbog, sinisipa at sinusuntok ng taong hindi ko kadugo. Siya ang pangalawang asawa ng mama ko. Siguro kung ang totoo kong ama ang gumagawa sa akin 'non ay matatanggap ko pa pero hindi kasi hindi ko kadugo ang gumagawa sa akin 'non. Pero hindi iyon ang talagang masakit kundi ang hindi ako maipagtanggo ng mama ko. kahit harap harapan na akong minamaltrato ay wala pa siyang ginagawa para pigilan ang asawa niya.

Buong buhay ko ay nakikihati ako sa oras niya pero kung tutuusin ay wala na siyang oras para sa akin. Lagi nalang ang inaasikaso niya ay ang anak ng asawa niya. Napapansin lang niya ako kung may ginagawa akong mali.

Hindi ako makapaniwalang natitiis ng isang ina na makitang nasasaktan ang kanyang anak.

Hanggang sa isang araw napag isip-isip kong umalis sa bahay.

"Daniel saan ka pupunta?" tanong sa akin ni yaya.

Wala sa bahay si mama at ang pamilya niya. Linggo ngayon at nagpa family bonding sila.

"Yaya nakikiusap po ako hayaan niyo nalang akong umalis," mangiyak ngiyak kong sabi habang nagmamakaawa.

Niyakap niya ako at may iniabot sa akin. "Hijo, hindi ko rin kayang nakikitang nasasaktan ka. Wala kang kasalanan, walang kang ginagawang masama kaya hindi kita pipigilan."

"Ano po ito?"

"Makakatulong sa iyo iyan. Alagaan mo ang sarili mo anak."

Tumakbo ako palabas ng bahay. Binilisan ko ang takbo ko kasi baka maabutan ako nila mama. Lumilingon lingon ako hanggang sa may nabangga akong tao.

"Sorry po. Sorry po," paulit ulit akong humihingi ng tawad habang pinupulot ang mga nahulog na gamit ng babaeng naka sunglass.

"Anong problema Hijo? May humahabol ba sa iyo?" tanong niya sa akin.

"Wala po. Wala po."

"May tinatakasan ka ba? Nasaan ang mga magulang mo? Sabihin mo sa akin kung nasaan ang bahay niyo ay ihahatid kita."

"Huwag po!" sigaw ko. "Nagmamakaawa po ako huwag niyo po akong ibalik sa kanila."

Hindi siya sumagot bagkus ay hinila niya ako. Iyak ako ng iyak at sinusubukang pigilan siya. Pero laking gulat ko nalang na imbes na sa subdivision kami pupunta ay pinapasok niya ako sa isang kotse. Tinanggal niya ang takip ng mata niya at napatitig ako sa kanya kasi parang nakita ko na siya kaso hindi ko matandaan kung saan.

"Anong pangalan mo?" tanong niya sa akin.

"Daniel po."

Tinanong niya ang lahat lahat at sinabi ko naman sa kanya ang mga pinagdaanan ko. Nalaman ko nalang na isa pala siyang artista at siya pala si Miss Hanna. Sa dinami-dami ng taong pwedeng kong mabangga ay isang artista pa pero pinagpapasalamat ko iyon dahil ng dahil sa kanya ay nagabo ang lahat.

Inalok niya akong pasukin ang mundo niya. Nangako siyang sisikat ako at makikilala sa buong mundo pero kapalit nito ay kailangan kong galingan at sinabi niyang maging matatag ako. Sinabi niyang huwag akong magpapatalo at maging matapang ako. At wala akong kakatakutan maski ang mama ko at ang pamilya niya.

Natupad lahat ng sinabi ni mama sa akin. I became one of the most popular teen star in the contry. Sa sandaling panahon ay naging sikat ako at naging indemand sa lahat. Naging matapang ako at walang kinatatakutan maski director, producer at kahit na sino. Ako ang nasusunod sa kanila at kung ipinagpipilitan nilang pasunudin ako ay umaalis ako sa proyektong ipapagawa nila pero sa huli ay hahabulin nila ako. Isa lang ang kinatatakutan ko and that is Miss Hanna.

My Prince is a Celebrity [COMPLETED with SPECIAL CHAPTERS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon