MPC - 10

10K 146 16
                                    

PUBLISHED under Life is Beautiful Printing Corporation-a sister company of Precious Pages Corporation.

Php 109.75

Available in all Precious Pages Outlet, National Bookstore, Pandayan Bookshop, Expression, Booksale and other leading bookstores NATIONWIDE.

----------------------------------------

Chapter 10

Kaycee

Ang bilis lumipas ang araw, parang kailan lang nang dumating dito si Niel ngayon tatlong linggo na niya dito. Sa tatlong linggo niya dito sa amin mas nakita ko kung sino nga ba siya at kung ano ba talaga ang ugali niya. Kung ako ang tatanungin ay okay naman siya eh kaso nga lang kasi minsan talaga ang bilis uminit ng ulo niya kaya ang ending mag-aaway lang kaming dalawa. Napapasunod ko naman siya sa mga inuutos ko at minsan tinutulungan niya pa ako sa mga ginagawa ko, naging malaking tulong din sa pagbabago niya ang pagtulong namin kay Kuya Peter na magtinda kasi nakita ng mga tao ang ibang side niya maliban sa isang brat na artista.

"Hay!" hindi ko alam kung nakailang buntong hininga na ako habang nag-iisip, sabado kasi at walang pasok; si Carmy busy parin habang si Niel ayon nakakulong sa kwarto. Noon pag ganitong oras nasa harap ako ng TV o sa laptop ko habang pinapanood si MJ. I miss MJ, sana gumaling na siya at mapanood ko na siya ulit.

Nilapitan ako ni Carmy na may dalang malaking bag. "Aalis na ako," paalam niya.

"Saan ka pupunta?"

"Sleep over."

"Ah Sleep O- Ano?! Sleep over?!"

Ngumiti siya. "Joke lang, haha! May gagawin lang kami uuwi rin ako mamaya. Mag-usap kaya kayo ng alaga mo no ng 'di ka mabagot diyan."

"Alaga?"

Alaga?! Parang aso lang. Ito naman kasing si Carmy kung makapag sabi ng alaga parang hayop 'yong binabanggit.

"Kaycee pakainin mo na 'yong alaga mo."

"Kaycee gisingin mo na 'yong alaga mo."

"Kaycee asan 'yong alaga mo."

Nakakatawa lang 'yong term na alaga. Sabay mukha naman kasing aso si Niel kasi cute siya, ahaha!

"Nababaliw ka na ba?"

Napatalon ako sa gulat. "Ay tipaklong!"

"Palagi mo nalang akong tinatawag na tipaklong!"

"Eh bakit ka ba kasi nanggugulat?!"

"Nakangiti ka kasi diyan na parang baliw, hindi ko alam kung anong iniisip mo!"

"Wala ka na 'don!" umupo siya sa tabi ko at inalok ko naman sa kanya ang pagkaing nasa harapan ko pero hindi ko pa ginalaw.

"Asan si Carmy?" tanong niya.

"Umalis," sabi ko at inagaw ang pagkain sa kanya. "Wait! Maiba nga tayo, anong 'yong nakita ko kahapon?"

Pauwi na kami pero hindi namin kasama si Niel, siguro napagod na siya sa pabubuhat ng bag kong punong puno ng libro. Habang naglalakad kami ni Carmy ay nakita namin sa 'di kalayuan si Niel kasama ang isang babae; alam kong hindi si Lady iyon.

Lumapit kami sa kanila at laking gulat ko ng makita ang babaeng umiiya. Hindi ko alam kung sino siya at kung ano ba siya ni Niel pero ang malaking tanong sa ulo ko ay kung bakit siya umiiyak.

"Niel sino siya?" si Carmy na ang tanong.

"Hindi ko siya kilala!" sagot naman ni Niel.

My Prince is a Celebrity [COMPLETED with SPECIAL CHAPTERS]Where stories live. Discover now