MPC - 32

9.3K 163 14
                                    

Chapter 32

Kaycee

"Welcome back," narinig kong sabi ni MJ.

Nandito na nga talaga sila.

Nangangawit na ang talukap ng mata ko. gusto ko ng imulat ito. Gusto ko na siyang makita pero pinipigilan ko kasi baka masaktan lang ako.

Umandar na ulit ang van at pagkatapos ng sampung minuto ay tumigil ulit ito.

"Kaycee gising na," bulong ni MJ sa akin.

Kanina pa ako gising.

"Hmm," unti unti kong iminulat ang mga mata ko at nag-inat pang parang nakatulog talaga ako pero ang totoo ay nakapikit lang naman ako.

Lumingon ako sa likod na part ng van at nakita si Niel at Lady na nakapikit habang nakalagay ang headset sa tenga nila; tag-isa sila.

"Niel magpahinga na muna kayo, may mga pupuntahan pa kayong interview bukas," utos ni mama sa kanila at tumango lang siya pero nakapikit parin.

Nakita na niya siguro ako. Nagulat ba siya sa itsura ko?

Bumaba kami ni MJ sa van at pumunta na sa set. Ang daming tao kasi ang scene na ite tape naming ngayon ay ang pang finale. Iyong hahalikan niya ako sa harap ng maraming tao.

Inayusan kami sandal at tsaka pinasuot ang mga damit na nababagay sa scene na ito.

"MJ just make sure na kapag inilapit mo ang mukha mo ay makikita sa anggulo ng camera na hinahalikan mo siya okay!"

"Yes direk."

Hindi totoo ang kiss kasi ako na mismo ang nagsabing ayaw ko pa. Ayaw rin ni mama kaya wala ng nagawa si direk kaya ang gagawin namin ay isang pekeng halik lang.

"Action!" sigaw ni direk.

"Mahal na mahal kita Mark pero bakit hindi mo ako kayang mahalin!" sigaw ko. Para bang para sa akin talaga ang linyang ito.

"Mahal rin kita Yumi. Mahal na mahal," sagot ni MJ.

Pareho kaming nadadala sa scene na ito. Umiiyak na ako habang siya ay paluha narin.

"Pero ikakasal ka na."

"Hindi ako ikakasal basta sabihin mo lang na gusto mo akong makasama."

"Gustong gusto Mark. Mahal na mahal kita."

Hinawakan ni MJ ang magkabila kong pisngi tsaka niya inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Sobrang lapit ng mukha niya kaya nararamdaman ko ang bawat hininga niya. Ang hirap ng pwesto namin kasi parang konting galaw ko lang ay maghahalikan na kami.

Inilayo niya ang mukha niya sa akin at tsaka ako niyakap. "Mahal na mahal kita Yumi."

"Cut!" sigaw ng director.

Nagpalakpakan ang lahat ng nasa set. Ito na ang huling scene na ite tape naming kaya ito na huling araw na nandito kami. pinuri nila kami sa ginawa namin at sinabi nilang magiging blockbuster daw ang movie na ito.

"Sa wakas tapos na!" bumuntong hininga ako habang binubura ang make up sa mukha ko.

"At dahil diyan ililibre kita! Saan mo ba gusto?" tanong ni MJ sa akin.

Napangiti ako. sobrang nagugutom na rin kasi ako.

"Take out nalang tayo tapos sa bahay nalang tayo," suggestion ko.

Dumaan kami sa isang fastfood chain at umorder ng kahit na anong gusto ko. sagot naman ni MJ, haha!

Nag taxi nalang kami pauwi kahit na walking distance lang naman mula dito hanggang sa bahay pero dahil sa dami ng binili naming ay kailangan talaga naming sumakay.

My Prince is a Celebrity [COMPLETED with SPECIAL CHAPTERS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon