MPC - 38

9.3K 176 15
                                    

Chapter 38

Kaycee

Wala naman akong nagawa kahit na nagdrama ako. Sabi nga nila kahit na anong gawin mo kung talagang nandiyan na ay kailangan mo nalang tanggapin kahit na masakit at mahirap.

Kami na. Boyfriend ko na si Niel at alam kong may relasyon na rin si MJ at Lady.

Tungkol sa issue sa amin, well, parang nawala nalang ito na parang bula. Okay na ang lahat. Ang showbiz nga naman kapag napasok mo kasama na ang pagsisinungaling sa labas o sa harap ng maraming tao. Iba ang kasama ko sa tuwing nasa labas kami o nakikita kami ng mga tao pero kapag nasa bahay kami si Niel lang ang kasama ko.

"Kaycee baka pwedeng bumangon ka na!"

Pumasok si Carmy sa kwarto ko.

"Istorbo!"

"Hayaan mo last na."

"Ano?" napabangon ako dahil sa gulat.

"Baliw nasaan na naman ba 'yang utak mo? Puro Niel kasi 'yang nasa ulo mo kaya nakalimutan mong ngayon ang balik ko sa states."

"Ha! What?!"

Tumayo ako at tsaka lumapit sa kanya.

"Hindi ka mukhang gulat a! ihahatid mo ba ako sa airport o hindi?"

Niyakap ko siya. "Stay. Please Carmy dito ka muna."

"Alam mo Kaycee dati oras oras kong pinagsisisihang iniwan kita. Na sana pinilit pa kita na sumama sa akin sa states pero right now wala na akong pinagsisisihan. Please, maging masaya ka kay Niel, sa bagong buhay mo at higit sa lahat Kaycee, magbati na kayo ni tita."

"Sinusubukan ko Carmy. Gusto ko rin namang maging okay kami."

"Sa susunod na magkita tayo sana makita na kitang masayang masaya na talaga. Hindi malayo ang states Kaycee, if you want to go there ay karagatan lang ang pagitan. You're always welcome. Mahal na mahal kita pinsan. I hate to say goodbye again pero kailangan."

Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Tawagan mo ako araw araw."

"Oo. Sige na huwag mo na akong ihatid sa airport. Baka kasi bumaha pa doon ng dahil sa iyo."

"Gusto kitang ihatid."

"Huwag na! Nag-usap na tayo ng masinsinan kaya dito ka nalang. Don't forget to smile kapag nandiyan ang camera okay! Huwag kang snob sa mga fans mo baka ma issue ka. Mahalin mo ang mga taong nagmamahal sa iyo."

Lumabas na siya ng kwarto at kasabay ng pagsarado ng pinto ay nawala na sa paningin ko si Carmy.

Bigla akong napaisip sa isang bagay na sa tingin ko ay mas makakabuti sa akin.

I want my life before.

Pero papaano? Nandito na ako sa magulong mundo ng pag-aartista. Bawat galaw mo kailangang handa ka dahil kung hindi masisira ka. Konting pagkakamali lang ay naiintriga ka na. halos wala ng privacy ang buhay ko.

"Hi," hindi ko namalayang nasa loob na pala ng kwarto ko si Niel.

"Hi," matamlay kong bati sa kanya.

"Umalis na siya?"

Tumango ako.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"Niel."

"Bakit may problema ba?"

"tulungan mo akong makipag-ayos kay mama."

My Prince is a Celebrity [COMPLETED with SPECIAL CHAPTERS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon